Jake
Everything's normal before it happened. Everything's fine. Almost perfect. Pero bakit ganun? Kung kelan nandun na, saka sya aatakihin? Bakit laging wrong timing?
"Jake, are you okay?" Tanong sakin ng mom ko. Hindi ko alam kung anong gagawin kong pag-sagot. Naguguluhan ako.
"Yes ma. I'm okay." Ang gulo. Ang gulo gulo. Ang sakit sa ulo.
"Are you sure, sweetie?" Hinimas nya ang likod ko. Nakaka-iyak kapag may nagco-comfort sa'yo. Hindi ko hinayaang tumulo ang mga luha ko.
"Opo ma."
"Maiwan na muna kita." Lumabas sya ng private room at iniwan kame ni Xianel. Pumunta na dito kanina ang parents ni Xianel. At tumawag ang kuya nya. Umalis sila para tapusin ang meeting nila sa client nila kaya ako ang nagbabantay kay Xianel.
"Xian, wag kang bibitaw ha? Lumaban ka. Lumaban ka para samin. Para sa sarili mo. Wag mo muna kameng iiwan. Hintayin mo munang tumanda tayo. Haharapin pa natin ng magkasama ang mundo diba? Walang bibitaw, diba? Walang mang-iiwan. Xian, stay. Please. I'm begging. Maglalakad ako ng nakaluhod sa Quiapo at magdadasal, magtitiwala ako sa Diyos para lang buhayin ka nya ng matagal pa. Wag mo kameng iiwan, Xian. Maraming nagmamahal sayo. Lalo na 'ko. Mahal na mahal kita, Xian." Hinalikan ko ang noo nya ng ilang segundo. Hawak ko ang kamay nya. At dahil sa kakaiyak, nakatulog ako.
Maya-maya pa, nakarinig ako ng mga nag-uusap.
"Kamusta na po ang lagay ni Xianel, Doc?" Kaboses ni tita. Ng mom nya. Napa-angat ang ulo ko. Namumungay ang mga mata ko dahil kakagising lang. Tumingin sakin si tita Mae. Hinimas ang likod ko at worried na tumingin sakin. Naiiyak na naman ako.
"Bumubuti naman na ang lagay nya. Hindi na katulad ng dati na sobra sya kung atakihin. Actually, konting pahinga lang ang kailangan nya. Bukas, pwede na syang mailabas. Kapag nailabas nyo na sya bukas, bantayan nyo na lang sya. She needs protection. Lalo na ng laging kasama." Paliwanag ng doctor.
"Ako na po, tito. Ako na po magbabantay sa kanya." Sabi ko kay tito Erick. Dad nya.
"Pano trabaho mo, ijo?" Nag-aalalang tanong nya.
"Nandyan naman po si Aaron. Sya na pong bahalang umattend sa mga meetings at kung anong event pa ang dapat attend.an."
"So, I'll continue. As I've said earlier, kelangan nya ng magbabantay sa kanya. Hindi na din ganun kalala ang sakit nya. Siguro, isang linggong pahinga lang, okay na ulit sya. Pero kelangan nyo syang bantayan. Marami ding pagkain ang bawal sa kanya. To be honest, halos lahat ng food bawal sa kanya. Except for steamed fish, fresh vegetables and fresh fruits. No sweets. Lalong lalo na yung malalansa at maaalat. Kapag kumain sya ng mga bawal na pagkain, baka lalong lumala ang sakit nya. Bawal sa may sakit sa puso ang malalansa. Esp. Bagoong. Bawal din ang spicy noodles. As you can see, mild na lang ang pag-atake ng sakit nya. So far, so good. Hindi na kailangan ng grabeng operation. Gumagaling na sya. Pero hindi dapat tamaan ng kung ano ano ang dibdib nya. Hindi sya pwedeng mapagod. Lalo na ang mawalan ng hangin."
"Gumagaling na po sya, doc? She can live normal life when she's cured?" Tanong ni tita Mae.
"Yes. She can. Pero sa ngayon, kelangan muna syang bantayan. Hands on for a week."
"Thank you. Thank you." Sabi ni tita Mae at maiyak-iyak sya sa narinig. Masaya kame. Pwede na syang mamuhay ng normal. Pero kelangan pa din syang mabatayan.
"I'll go ahead." Paalam ng doctor.
"Sigurado ka bang ikaw ang magbabantay sa kanya, Jake? Pwede naman akong mag-leave sandali sa trabaho ko. Para din hindi ka mahirapan." Sabi ni tita Mae sakin. Si tito Erick naman nasa tabi ni Xian at mistulang batang hinihimas himas ang buhok ng kanyang anak.
"Opo tita. Ako na po magbabantay sa kanya. Hands on po for a week. Nandyan naman po si Aaron."
"Thank you, Jake. Kapamilya ka talaga namin. Pero sandali. Nasan ang mommy mo? Ii-invite ko sanang sa bahay mag-dinner next week Tuesday."
"Sa pagkaka-alam ko po, this week, she'll be in Tagaytay. And Saturday po ang uwi nya."
"Sige. Sasabihin ko na lang sa kanya. Thank you talaga, Jake. Thank you for taking care of my daughter."
"Responsibilidad ko po yun bilang bestfriend nya."
Pagkatapos ng pag-uusap na yun, umuwi na muna ako sa bahay at iniwan sila dun. Dun daw sila matutulog. Pag dating ko ng bahay, nag-bihis muna ako at medyo nagpahinga. Maya maya pa, nakatulog na ako.
