Chapter 3

25 0 0
                                    

Monday again. Uh! I really hate Mondays. It makes me sick. Why? Kase kelangan ko na namang gumising ng maaga at pumasok sa school. At eto nga. Paalis na ko ng bahay.

"Hindi ako ihahatid ni kuya?" Tanong ko kay mama habang inaayos ang gamit ko.

"Umalis na kuya mo. He need to do something daw." Sagot ni mama. Err :/ gagawin. Works. Works. Works. Ano ba yan! -.-

Lumabas na ko ng bahay at bago ko makalimutan, bumalik ulit ako ng bahay.

"Ma, alis na ko. Baon?" That's how I do it.

Binigyan ako ni mama ng baon at umalis na ko ng bahay. Nag-abang ng jeep at pumunta sa school.

Habang nakasakay ako sa jeep, maraming sumasakay sa bawat lugar na hihintuan ng jeep. Bilang isang estudyante na maarte sa ganung mga bagay, ayoko ng may mabahong katabi. Maarte na kung maarte pero this is what I am. Nakarating ako sa school, at as usual, late na naman ako.

Binigyan ako ng slip na pipirmahan para isulat kung sino nagreport, name ko, gr. & second. Etc.

"Here. Sabi ko sa bantay ng gate stairs sa high school building.

"Kulang. Paki-lagay surname." Sabi nung bantay.

"Oyy Xian!" Sigaw ng kaklase ko. Lumingon ako. (P.S. It is read as Shan.)

"Yo!" Sagot ko at nag-salute pa. Sinulat ko ang surname ko at ibinigay na sa bantay.

"Badtrip?" Sabi ng kaklase ko.

"Every morning kapag dumadaan ako dito." Pagpaparinig ko sa mga bantay sa gate stairs. Umakyat na kame at nang nasa 2nd floor na kame,

"ADD MO KO SA FACEBOOK? BAT KELANGAN NG SURNAME?" Sigaw ko para mailabas ang bwisit ko. Dumiretso na kame sa classroom.

Kumatok ako at pumasok. "Sorry ma'am. We're late." Sabi ko at pumunta na sa upuan ko.

"Pre! Anyare? Late ka na naman." Sabi ng katabi ko. Ang ingay sa classroom. Walang pakelam adviser namin. E ano nga bang magagawa nya? 30 against 1? Nah ah.

"HOY! WAG KASE!"

"EWAN KO SAYO!"

"EPAL!"

"ANO BA?!"

"TIGILAN MO NGA AKO!"

Napaka-ingay ng classroom. Di ako makatulog. Matatapos na naman 'tong isang oras na 'to na hindi ako nakatulog. Psh. May susunod na namang subject! Kainis!

Nag-ring na yung bell. That means, 2nd subject na.

"F*ck!" Bulong ko dahil hindi nga ako nakatulog.

"Oyy pre! Kumain ka na?" Tanong sakin ng isa kong kaklase. Tumango ako. Kahit ang totoo, hindi naman talaga.

Dumating na yung teacher namin para sa 2nd subject namin.

"1 more hour Xian. You can sleep after." Bulong ko ulit sa sarili ko.

Makalipas ang 1 oras, natapos din. Nag-bell na at lumabas na yung teacher namin.

"YES!" Sigaw ko at yumuko na sa upuan ko. Talagang inaantok ako.

I can hear whispers. Sht! How can I sleep? I try to sleep, pero wala. Di pa din ako nakatulog. Hanggang sa dumating ang pinaka-kainiisan kong teacher.

All Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon