"Kelangan ba talaga?" Tanong sakin ni Jake habang nakatitig sa malayo.
"Oo e. Kung hindi naman, hindi ko gagawin." Sagot ko. Nakaupo kame ngayon sa tambayan naming dalawa. Pinapanood ang sunset.
"Sigurado bang aayos ka dun?"
"Hindi natin masasabi. Hindi pa natin nat-try."
"Kelan ka aalis?"
"Baka next week."
"Next week? Hindi ba pwedeng sa isang taon na lang?"
"Kapag sa isang taon pa, baka wala ka nang bestfriend."
"Xian naman. Nagbibiro lang."
"Alam ko. Pero pano nga kung mawala ako no?"
"Sakin mo naman tinatanong yan."
"Tinanong mo din naman sakin e. Ano kayang gagawin mo?"
"Hindi ko din alam."
"Kung sakaling sa mga oras na 'to, bigla akong atakihin."
"Wag ka ngang magsabi ng ganyan."
"Nagbibiro lang."
Tumahimik kameng dalawa. Walang nagsasalita. Walang ibang naririnig. Nagsisimula nang lumubog ang araw. At nakagawian namin na kapag palubog na ang araw, magbabato kame ng papel na may nakasulat sa may ilog.
"Game na?" Tanong nya sakin at tumayo.
"Game." Tinulungan nya kong tumayo at sabay naming ibinato ang papel na hawak namin.
"Sana matupad kung ano man yung mga nakasulat dun." Sabi ko kay Jake.
Naglalakad kame pauwi habang nagku-kwentuhan.
Jake
Naglalakad kame pauwi habang nagku-kwentuhan kame ni Xian. Sa mga pagkakataong ito, may sinasabi sya na puro kalokohan. Makita ko lang syang tumawa, masaya na 'ko. Mahal ko ang bestfriend ko. Kung magkaka-boyfriend man sya, gusto ko yung worth it. Lalong lalo na, yung kilala ko.
"Jake! Nakikinig ka ba?" Tanong nya. Nakatingin ako sa kawalan. Iniisip ang magiging buhay ko kapag nawala sya.
"Ha? Ano ulit yun?" Sabi ko. Halatang hindi ko pinapakinggan ang sinabi nya.
"Jake naman e!" Pagmamaktol nya.
"Nagmaktol na naman po. Tara na. Uwi na tayo." Sabi ko sa kanya at dire-diretso kameng umuwi.
