»Present«
"Xian, papunta na daw ni mama." Sabi ni kuya.
"Yan kase! Kalokohan mo! Bahala ka! Tara na Jake." Sabi ko kay kuya at aya kay Jake. Naglakad na kame ni Jake papuntang food court.
"Nagugutom na ko. Nagbubugbugan na yung mga bituka ko." Reklamo ko.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong sakin ni Jake.
"Kung anong pwedeng makain. Tara na. Hanap tayo ng uupuan." Naghanap kame ng mauupuan at naupo dun.
"Wait here. Bibili lang ako. I'm starving." Paalam ko kay Jake. Patayo na sana ako nang pigilan nya ko.
"Ako na. Ano bang gusto mo?" Sabi nya.
"Alam mo, simula nung araw na yun, naging over protective ka na sakin Bes. Hahaha. But any, gusto kong carbonara. Here." Nag-abot ako ng pera sa kanya pero di nya tinanggap.
"My treat."
"What's new? It's always your treat."
"That's the point. Wait here."
Umalis na sya. Nilabas ko ang phone ko. May text.
1 new message received
From: 0936xxxxxxx
"Wait there, Xian. Your friend will be there."
Hindi ko sya nireplyan. Why would I? Hindi ko sya kilala.
Maya maya pa, dumating na si Jake.
"Here. Carbonara. Juice. And sandwich." Sabi nya.
"Ba't ang dami? Sabi ko carbonara lang e. Pero thank you. Ikaw? Anong sayo?" Tanong ko.
"Burger. Juice. And this." He's holding a chocolate. Gahd!
"May I have? A little."
"Hindi 'to pwede sa'yo."
"Hi Jake!" Sabi nung mga babaeng dumaan. Tinignan yun ni Jake at inirapan.
"Woah! Woah! Hey! Ang snob mo." Sabi ko sa kanya.
"Tch. Kumain ka na." Sabi nya. Kumain ako at sa kalagitnaan ng pagkain ko, dumating ang kuya ko. Ah. Great. This would be great. *note the full sarcasm*
"Xian, malapit na si mama."
"E ba't kinakabahan ka?"
"Hindi a! Hindi ako kinakabahan. Diba, Jake?"
"Kinakabahan ka kuya." Sabi ni Jake.
"See? Pati si Jake alam na kinakabahan ka." Sabay dila ko sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.
"Mag-bestfriend nga kayo. Psh."
"E ano ba kaseng dapat ika-kaba?"
"Wala."
"Wala pala e. Lumayas ka na."
"Ang sama mo talaga!" At umalis na sya. Very thankful, madali syang kausap.
"You really hate kuya Saviel." Sabi nya.
"Uh, not really. May time lang." Sagot ko.
*kriiiiiiiiiiing*
Nag-bell na at kelangan na naming umakyat para sa next subject. Uh! The one I really really hate. Filipino. Umakyat kame at naupo sa seats namin.
Habang naglelesson ang teacher namin sa Filipino...
"Panyo o." Tumayo si Jake at binigay sakin ang panyo nya.
"EDWARD! GO BACK TO Y--"
"Good morning. May I just excuse Hermione and Edward?" Si mama. Sabi na e. Gagawin nya talaga.
"Uh. Y-yes." Sagot ng teacher namin. Tinignan naman sya ni Jake ng masama. Forever masama ang tingin ata ni Jake sa Filipino teacher namin.
"He's about to scold him, ma." Sabi ko kay mama.
"Halata nga e. Kakausapin ko sya mamaya. Anyway, kumain na ba kayong dalawa?"
"Yes ma. And treat na naman ni Jake."
"E kase tita e."
"Ba't lagi mong nililibre 'to? Salitan kayo. Here." She handed us 300pesos both.
"Para san 'to tita?"
"Gala kayo mamaya." Sabi ni mama.
"Pwede ma?"
"It's up to Jake."
"But ma..."
"Bahala kayo kung gagala kayo. Go back." Sabi nya at pareho kameng binesohan ni Jake.
"Sabi sayo pupunta si Mama e." At pumasok na kame. Naupo sa upuan naming dalawa. Bago matapos ang isang oras, dumating ulit si mama at ini-excuse ang teacher namin sa Filipino. Habang kausap ni mama ang teacher sa filipino, nag-bell na.
Lumabas yung mga classmates namin at iilan lang kameng naiwan sa loob ng classroom. Maya maya pa...
"WALA TAYONG NEXT SUBJECT! WALANG TEACHER!" Nagkalampagan ang mga upuan sa loob ng room. They are always that wild kapag nalalaman nilang walang teacher.
![](https://img.wattpad.com/cover/19321929-288-k214486.jpg)