Chapter 6 - Bestfriend

21 0 0
                                    

»Throwback«

"Xian! Dali! Tara dito! Tignan mo 'to o! Ang lalim nitong bangin." Sabi ng bestfriend ko. Nagbabakasyon kame ngayon sa isang malayong lugar. Secret place namin 'to. Hindi lang kame. Ng pamilya nya at pamilya ko.

"Wag ka dyan Jake! Baka malaglag ka!" Saway ko sa kanya.

"Hinde. Trust me. Ako pa!" Sabi nya at lumingon sakin saka ulit lumingon sa bangin. Pumunta sya sakin at naupo kame sa may ilalim ng puno na malapit sa bangin.

"Xian, anong gagawin mo pag nawala ako? Pag namatay ako." Nagulat ako sa tanong nya. Hindi sya nagtatanong ng ganyan. Ngayon na lang. Pangalawang beses na pagtatanong nya. Unang tinanong nya sakin yan nung 11 years old kame.

Katulad ng sagot ko noon, "Ano ba namang tanong yan Jake? Change topic."

"Eeeee. Ayoko. Tinatanong kita. Pano pag nawala ako?" Tanong nya ulit.

"Uh, hindi ko siguro alam kung mags-stay yung pagiging jolly ko sa ibang tao. Sa pamilya ko kase, natural na jolly ako. Pero kung sa iba? Ewan ko. Nawalan ako. Malamang, magbabago yun."

"Tch. Ang drama mo bestfriend! Sandal ka na lang sa balikat ko."

At gaya ng iniutos nya, sumandal ako sa balikat nya. Hinawakan nya ang kamay ko at ininterwined nya yun sa kanya. Sinandal nya din ang ulo nya sa ulo ko. Nanatili kameng ganun sa loob ng ilang minuto.

"Tara na. Kain na muna tayo." Aya nya. Tumayo sya at tinulungan akong tumayo.

Nagpunta kame sa lugar kung nasaan ang pamilya namin at kumain.

»Fast forward«

"Jake! May suot ka na mamaya?" Tanong ko sa bestfriend ko.

"Ako pa mawalan! Ha! Di pwede! Syempre, meron!" Sabay ngiti nya ng pagkalaki laki sakin.

"Xian, kelangan ako first and last dance mo ha?"

"Naman! Bestfriend kita e!" Sabi ko sabay wink sa kanya.

Umuwi na si Jake at nag-ayos na ko. Naligo at nagpatuyo ng buhok. Nag-robe at tinawag yung mag-aayos sakin.

"Ate, light make up lang. Tas onti lang yung kulot. Ayokong magarbo." Sabi ko sa mag-aayos sakin.

Tumango sya at sinimulan akong ayusan. Ang tagal.

Ang tagal tagal...

Ang tagal tagal tagal...

Ang tagal tagal tagal tagal...

Ang tagal tagal tagal tagal tagal...

Ang tagal tagal tagal tagal tagal tagal...

Ang tagal tagal tagal tagal tagal tagal tagal...

Ang tagal tagal tagal tagal tagal tagal tagal tagal...

Ang tagal tagal tagal tagal tagal tagal tagal tagal tagal...

Hanggang sa natapos kame.

"Tapos na te! Ang ganda mo e! Ikaw na! Daming boylet nya! Ganda mo! Bihis ka na be. Voom voom va voom voom na sa labas te!" Sabi nung baklang nag-ayos sakin.

"Sus. Di naman ako maganda. Mas okay nang ganito itsura ko." Sabi ko sa kanya. Tumawa lang sya at lumabas sa kwarto ko.

Sinuot ko yung gown ko. Black gown. it looks like Elsa's. (Frozen's character) Bumaba ako at naabutan ang bestfriend ko. Hindi ako payat. Chubby ako. Kaya halata na chubby ako dahil sa fitted gown. Pero may curves ako.

"You look handsome." Sabi ko sa bestfriend ko.

"And you look beautiful Xian." Sabi nya.

"Sus. Bola." Sabi ko. Tumabi ako sa kanya.

All Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon