Thursday
It's a normal day. It's been 4 days since makalabas ako ng ospital. And araw araw, si Jake ang kasama ko. Sya lagi. Kahapon, napagalitan ako. I want to leave the house para makapuntang park, pero ayaw nila. Wala pa dito si Jake kahapon. Kaya ang ginawa ko, nagmukmok ako sa loob ng kwarto ko. Naiinis ako.
"Minsan ka na lang humiling, hindi pa mapagbigyan." Bulong ko.
"Minsan kase, yung hinihiling natin, hindi nakakabuti satin kaya ayaw nilang pumayag." Sabi naman ni Jake. Pero kahit na. Lalabas lang ako sandali. Okay naman na 'ko.
"Pero sana alam nila kung anong nararamdaman ko. Tao din naman ako." Paliwanag ko kay Jake.
"Alam mo Xian, napagdaanan ko na din yan. Yung akala ko tama lahat ng ginagawa ko, pero pagdating sa pamilya ko, mali pala."
"Ang gusto ko lang naman, makita ulit ang park. Makita ulit ang lugar kung saan ko natagpuan ang bestfriend ko. Mahirap bang intindihin yun? Yun lang yung gusto ko. Yun na lang yung makakapag-paligaya sakin. Pero ano? Hindi nila ko napagbigyan. Yun lang, Jake. Yun lang. Ang akin lang, okay naman na 'ko, pero masyado nila ko bine-baby! Nakakainis lang!" Angil ko pa sa kanya. Hindi sya umimik. Tinignan lang nya ko. At mukang nang-aasar pa sya.
"Sorry. Ngayon lang ako nakapaglabas ng sama ng loob." Sabi ko kay Jake. Ngayon lang talaga. Kase kahapon, mag-isa lang ako sa kwarto ko, at tanging si spongebob lang ang kausap ko.
"I know. Kase kahapon daw, simula nung umaga na hindi ka pinayagan, hindi ka na lummabas ng kwarto mo para kumain man lang. Nandito ka lang. Dinadalan ka lang ng food. Hindi ka pa kumain kahapon. Puro ka lang daw fruits and vegetable salad. Pinahirapan mo pa silang gumawa ng vegetable salad. Sana tinext mo ko o tinawagan mo 'ko o pinuntahan m--"
"Hindi nga ako pinayagang lumabas!" Putol ko sa kanya.
"Chill. Osige na. Kumain ka na. Para hindi prutas at gulay yang laman ng tyan mo. Baka sooner or later, ibang sakit naman ang maramdaman mo."
"Psh. Para ka talagang si kuya. Oh and by the way, uuwi daw muna sya dito. Ang saya diba, Jake? Diba? Ang saya! Weeeee \(^-^)/" Bigla akong tumayo at niyakap sya. Ibang yakap. Hindi yung naisipang yakap lang. Nakaramdam na naman ako ng lungkot.
"Jake, kung mamamatay man ako, wag kang iiyak ha?" Sabi ko habang nakayakap sa kanya sa likod nya. Back hug.
Iniharap nya ako sa kanya at "Hindi ka mamamatay. Okay? Walang mamamatay. Linalabanan mo yang sakit mo diba? Magiging okay ka na, Xian. Trust me."
Niyakap ko ulit sya. At ngayon, ang ulo ko ay nasa tapat na ng dibdib nya. "Kung mamatay man ako, may ibibigay akong mahalagang bagay sakin." Kumalas ako sa yakap at ibinigay sa kanya ang singsing na nasa kaliwang kamay ko sa gitnang daliri. Pinag-ipunan ko yung singsing na yun para sakin. Pero ngayon, ibibigay ko kay Jake.
"Bakit mo ginagawa 'to? You are alive and kicking. Ayokong tanggapin 'to." Hinawakan nya ang kanang kamay ko at ibinalik ang singsing.
"Hindi, Jake. In case na bigla akong mawala o mamatay kaya ko binigay yan sa'yo."
"Hindi pwede. Pinag-ipunan mo 'to tas ibibigay mo lang sakin? Hindi ganun, Xian. Ayoko. Hindi pwede."
"Jake, please. Accept this. Gusto kong may materyal na bagay akong ibinigay sa'yo na mahalaga. Sana ingatan mo."
Hinalikan nya ako sa noo. Ininterwined nya ang mga kamay namin sa isa't isa. Tinatapos nya ang usapan. Tinatapos nya ang drama. Pero hindi ang pagkakaibigan.
"Kumain ka na. Nagda-drama ka na naman." Sabi nya sakin at saka ngumiti.
"Maya-maya. Hindi pa 'ko nagugutom." Sagot ko at pumunta sa kama ko at isinandal ang ulo sa headboard.
"Subuan na lang kita." Nag-evil smile pa ang loko.
"Hala? Nako. Hindi na. Kakain na ko. Eto na. Kakain na." Tumayo ako at kinuha ang mga niluto nya at dinala yun sa maliit na lamesa at upuan at kumain na ako.
"Ayaw ko na. Di masarap e." Pang-aasar ko kay Jake.
"Ah ganun? Hindi masarap? Patikim nga." Sabi nya at...
Hinalikan nya ang labi ko. Napatigil ako. Ang bestfriend ko, hinalikan ang labi ko. Hinalikan nya ako.
"Sorry, Xian. L-let me explain. Sorry. Sorry. Forgive me. Sorry. Sorry talaga. Wag ka nang magalit. Sorry. Xian, sorry. Please. Sorry." Aligagang sabi nya. Nginitian ko sya.
