"Kuya! Look o! Spongebob! Ang cute!" Sabi ko. Pinisil pisil ko si spongebob.
"Let go of that." Sabi nya. Kinakahiya nya ko?
"What? I was just hugging it. Bawal na ba?" Tanong ko. Niyakap ko ulit si spongebob at iniharap sakin.
"No. It's not that. You're too old for that." Nilagay nya yung right hand nya sa right pocket nya infront. Here comes the snobbish side of my brother.
"Alam ko kuya, you should buy me this. Just this. Please?" I said with pleeding eyes.
"How much?" Tanong nya. Is he really going to buy me this?
"Uh, to be exact, 1, 000pesos." Sagot ko sa kanya at nilagay si spongebob sa gilid ng muka ko. Hindi sya life size pero malaki sya.
"What? Masyadong mahal." Kuripot talaga neto forever!
"Sige. Wag na lang. Okay lang naman. Meron naman ako netong maliliit sa kwarto ko. Okay lang talaga." Sabi ko with nangongonsensya tone.
"Aish! Oo na! Sige na!" Sabi nya. Kelangan pala kinikonsensya lang para ibili ako e.
Pumunta na kame sa cashier ng toy kingdom. At yung mata nung babae, nagpapacute. Psh. Di sya cute. Ayoko sa kanya. I cling my arms to my brother's arms.
"999pesos sir." Sabi nya with pacute voice. Di cute! Leche!
Nag-abot si kuya ng 1, 000pesos. Aabutan pa sana sya nung cashier ng piso pero sabi nya...
"Keep the change." Sabi ni kuya. Syempre ako as little sister, di ako papayag na kunin nung girl yung sukli.
"Wait kuya. I'll get the change. May I have the change, miss?" Sabi ko. Inabot naman nya yung sukli pero parang galit. Duh?
"Spoiled brat." Rinig kong bulong nya.
"Kuya, wait. I heard something. It says, spoiled brat. Did spongebob say it?" Tanong ko sa kuya ko. Ginulo nya ang buhok ko at pinisil ang pisngi ko. Tinanggal ko ang braso ko na nakakapit sa braso nya.
"Ikaw talaga. Ang kulit mo. Tara na. Mom's looking for us. Tinetext na ko." Sabi nya. And when he looked to the cashier girl, inirapan sya ni kuya. Buti nga sa kanya. :D
Lumabas kame ng toy kingdom. Dumiretso sa Kitaro. Wait. Kala ko ba?
"Kuya, akala ko ba hinahanap na tayo ni mama? Kala ko nagtext na?" Tanong ko sa kanya.
"Sinabi ko lang yun para makalabas agad ng toy kingdom. Nakaka-inis yung babae." And his eyebrows just met. Well... That's how he do it.
"I know. Nainis din agad ako sa kanya." Sabi ko.
"Umorder ka na nga."
Umorder na ko ng kakainin ko. Gutom na din ako e. Well, dahil gutom ako, umorder muna ko ng ice cream. I'm craving.
"Make sure na yang inorder mo, kaya mong ubusin." Babala sakin ni kuya. Gutom kaya ako. Kaya kong ubusin 'to. Ako pa!
