Alam nyo yung feeling na pinag-iinitan kayo ng isa nyong teacher? -.- fahk! Pinag-iinitan ako ng filipino teacher namin! -.-
"Ba't ang init ng dugo nung teacher na yun sayo?" Tanong ng isa kong kaklase.
"Ewan ko ba dun! Nakakainis nga e! Laging ako! Kaurat!" Sagot ko.
Padabog kong kinuha ang bag ko at inilipat sa upuan ko for TLE. Dumating naman yung teacher namin for TLE.
"Okay. Number one." Sabi ng teacher namin sa TLE.
"Ha?"
"Anong meron sir?"
"Bakit?"
"Luh? Wait lang sir!"
"May quiz! Walang maingay." Sabi nya.
"Teka sir! Di pa kame nagre-review."
"Sinabihan ko na kayo."
Wala kameng nagawa kundi magsagot sa notebook namin kahit wala naman talaga kameng isasagot. Natapos kame at nagpasahan na ng papel.
"Puro bagsak a? Pinagbabasa kase ng module, ayaw basahin!" Sabi nya.
At nagsimula na naman syang magyabang.
»FAST FORWARD«
1 new message received
From: Mom
"Mione uwi ka kgad. Aals tyo."
"Psh. Excited for tita's arrival." Bulong ko sa sarili ko.
"Pre, una na 'ko. Alis pa daw kame e." Sabi ko sa dapat kasabay kong uuwi.
Lumabas na ko ng school at sumakay ng jeep.
"Magbihis ka na agad pagkapahinga mo." Sabi sakin ni mama pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay.
"Si kuya? Di kasama?" Tanong ko habang paakyat ako sa kwarto ko.
"Kasama." Tipid na sagot ni mama. Nagdire-diretso na ko sa pag-akyat at nagpahinga sandali at saka nagbihis.
![](https://img.wattpad.com/cover/19321929-288-k214486.jpg)