After 3 years...
"Parang kelan lang..." Sabi ni Steven habang nakahalumbaba at nakatitig sa kawalan.
"Na ano?" Tanong ko sa kanya
"Parang kelan lang..." Ulit pa nya. Anong problema netong taong 'to?
"Na ano nga?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Parang kelan lang..." Ulit pa nya uli. Pinalo ko sya sa braso.
"Xianel naman e!" Pagmamaktol nya.
"Para ka kaseng ewan. Puro 'parang kelan lang...' e hindi naman tinutuloy. Nagmumuka ka tuloy baliw dyan." Sabi ko sa kanya at inirapan sya.
"Hmmmmm. Ang cute cute mo." Sabi nya at pinisil ang ilong ko. Masakit. -.-
"Steven!"
"What?"
"Ilong ko na naman!" At pinalo ko sya pero nakailag sya. Hinabol ko sya para paluin.
Nang mahabol ko, niyakap ako mula sa likod. Tahimik kame. Nasa park. Public display of affection kame. Almost everyone in that place looked at us. Ang lakas naming maka-agaw ng atensyon.
"You know what? Kahit na ikaw yung pinakamakulit na babae, pinakapasaway, pinakamadaldal, pinakasadista, pinakamalikot, at pinakamaliit na babaeng makakasama ko, ayos lang."
"Ayan ka na naman. Bakit?"
"Ayos lang sakin kase mahal kita. Mahal na mahal. Kahit pa pang-7 na nating balikan 'to. At iisang dahilan lang ang dahilan ng 2 dun. Pinipilit kitang ibigay sakin ang hindi naman dapat ibigay. Pangatlo, akala mo nambababae ako. Pang-apat, akala mo nagc-club ako. Pang-lima, akala mo, yung kasama ko, kabit ko. E hindi naman. Pang-anim, yung may nang-trip sa'yo and you thought it's my plan. Baby, alam mong hindi ko kayang gawin sa'yo yun e. Nag-start tayo ng nag-start. Mahal natin isa't isa diba? Mahal kita. Mahal mo 'ko. That's all what we want."
"Dale, stop acting this way. Hindi ako snay." Kumalas sya sa yakap at humarap sakin. Inakbayan nya ako at naglakad kame papunta sa garden netong park. Dun, tanaw mo ang sunset.
"Ang ganda 'no?" Sabi ni Dale. Tinignan ko sya. Nakatingin sya sa sunset. Nakangiti.
"Oo nga. Ang ganda." Sabi ko naman. Inakbayan nya akong muli at hinalikan sa may noo ko.
"I love you." Sabi nya. There's a feeling I can't take off of me. Parang ang deep ng I love you nya.
"I love you too." Sagot ko sa kanya. Muli nya akong hinalikan sa noo ko. At sa pagkakataong yun, napapikit ako.
»FAST FORWARD«
(Hi babe! May lkad kba? Hve a date wt me?) Nabasa ko sa cellphone ng boyfriend ko.
"Ano 'to?" Walang buhay 'kong tanong. Nandito kame ngayon sa bahay nila. Walang ibang nandito kundi kameng dalawa.
"Alin?" Kinuha nya sa'kin ang cellphone nya at binasa ang nakalagay dun na sinasabi ko.
"Hindi ko kilala yan, baby." Sabi nya.
"Hindi mo kilala? Pero nireplyan mo ng 'next time'? Tayo ba e naglolokohan na lang dito? Kung oo, sabihin mo agad! Hindi yung nagmumuka akong tanga!"
"Hindi ko nireply yun. Hindi ako nagreply nun. Si Kiel. Si Kiel nagreply nun. Nakitext sya kagabe. Kagabe pa nila usapan yan. Maniwala ka baby."
"Tigilan mo 'ko sa explanation mo. Wag mo kong kakausapin hanggang nagkakatext kayo nyan at hanggang hindi ko nasasaktan yang babae na yan!"
"Baby naman."
"Tigilan mo 'ko."
Hindi natapos ang diskusyon namin. Nagsisigawan kame. Hanggang sa tumigil ako sa kakasagot sa kanya. Pang-pito na 'to. Masakit na din. Nasasaktan na din ako. Ano bang maling ginawa 'ko? Bakit ano pinaparusahan ng ganito? Tahimik lang ako. Bigla kong naalala ang bestfriend ko. Kinuha ko ang phone ko at tinext sya.
"Jake? Are you in house? Pick me up at Dale's house." At sinend ko sa kanya ang message.
"I will. W8 lng." Reply nya.
Tumayo at akmang aalis at lalabas ng bahay.
"San ka pupunta baby? Sorry na." Sabi ni Dale at hinawakan ang kamay ko. Lumuhod sya sa harap ko.
"Baby, I'm sorry. Look. Hindi ko sya tinext. Hindi ko sya kilala. Ni hindi ko pa sya nakikita. Baby, trust me. Hindi ko talaga sya kilala. Wala din akong balak kausapin sya. Baby, si Kiel yun. Kay Kiel yung babaeng yun. Hindi akin yun. Ikaw lang naman e. Seryoso ako baby." Pagkasabi nya ng 'seryoso ako baby', parang tinusok ng isang bilyong karayom ang puso ko. Ang sakit.
"Tumayo ka na dyan. Dale, tumayo ka na. Walang may kasalanan. Sorry din. Masyado akong mapaghinala. Tayo na dyan. Dale, dali na. Sorry." Pinilit ko syang tumayo at tumayo naman sya. Bakit ang sama ko? Bakit ganito ako? Masyado ko na syang nasasakal.
Tinext ko si Jake. "Bestfriend, wag na pala." Nagreply naman agad sya. "Ok."
Matik na niyakap ko si Dale. Mahigpit. Parang ayaw ko syang pakawalan. At totoo namang ayaw ko syang pakawalan. Nagtagal ang yakap. Rinig ko ang pagtibok ng puso nya.
"Dale, I'm sorry. I'm sorry for being this possessive. Masyado na kitang nasasakal..." Biglang tumulo ang luha ko. "...Ang sama ko. Hindi ko naman dapat 'to ginagawa sayo e. Hindi dapat kita pinaghihinalaan. Lahat na lang sakin may kahulugan. Lahat na lang puro hinala. Sorry for being this way. Natatakot lang akong mawala ka sakin. Natatakot akong maagaw ka ng iba. Natatakot akong baka isang araw, bigla ka na lang maglaho at hindi ko na makita pa. Natatakot ako sa pwedeng mangyare. Baby, I've been this simula pa lang. Sabihin mo sakin kung ayaw mo na. Kung ayaw mo na sa relasyon nating ganito."
"Shh. Tama na. Tama na. Wag mong sabihin yan. Keep thinking positive. Wag puro negative, baby. Hinding hindi ko magagawang iwan ka. Ayokong iwan ka. Sobrang mahal kita, baby. Alam mo yun diba? Kaya ka naghihinala kase mahal mo 'ko. At alam ko yun baby. Alam ko yun. Wag mong sisihin sarili mo sa mga nangyayare sa'ting pagsubok. Parehas nating hinaharap lahat ng pagsubok. Wag mong isipin na hindi kita mahal kase hindi kita sinusuyo kanina. Binibigyan lang kita ng time mag-isip baby. Sana alam mong ginagawa ko 'to para sa'tin. Baby, mahal na mahal kita. Kahit ano pang pagsubok ang dumaan satin, sabay nating haharapin yun. Okay? Iloveyou." Pinunasan nya ang mga luhang naguunahan sa pisngi ko. Hinalikan nya ako sa noo, sa ilong at sa labi.
Alam kong hindi ako naging mabuting girlfriend sa kanya. Pero kaya ako ganun dahil mahal ko sya. Mahal na mahal. Na ayaw ko na syang pakawalan.
![](https://img.wattpad.com/cover/19321929-288-k214486.jpg)