Jake
Naiwan ako sa prom kasama ang barkada. Nauna nang umuwi si Xian.
To: Xian
"Text mo agad ako pag nakauwi ka na."
Ilang oras na wala pa ding text. Nag-aalala na 'ko. Hindi pa din sya nagte-text. Tinawagan ko na.
Calling...
"The subscriber cannot be reached. Please try again later." Sabi ng operator.
"Guys, cannot be reached si Xian." Sabi ko sa barkada.
"Baka naman na-lowbatt." Sabi ni Alessa.
Hinayaan ko muna. Pero hindi talaga mapanatag ang loob ko. Feeling ko may nangyareng masama kay Xian. Lumipas pa ang 1-2 oras at tumunog ang cellphone ko. Si Xian.
"Hello? Bes? Asan ka na? Nakauwi ka na ba? Ba't hindi ka nagtetext? Okay ka lang ba? Akala ko kung napano ka na. Ayos ka lang bes? Nagpapahinga ka na? Ano?"
"Listen Jake. Tita Mae 'to. She's in the hospital right now. Naaksidente sila ng driver. Pumunta ka na lang dito sa xxxxxxxxxx hospital." Sabi sa kabilang linya.
"What? Tita, may malay po ba sya? May sugat? Papunta na po ako." Sabi ko.
"Bro, peram ng motor." Sabi ko kay Kevin.
"Bakit bro? Anong nangyare?" Tanong nya naman.
"NAAKSIDENTE SI XIAN!" Sabi ko at inihagis sakin ni Kevin ang susi ng motor nya. Lumabas ako. Sumakay ako sa motor at dumiretso sa ospital na sinabi ni tita.
Pagdating ko dun...
"XIAN! XIAAAAAAAAAAAAAAN!"
"Calm down, Jake. She's fine."
"No, tita. She's not fine. Naaksidente sya tita." Niyakap ako ng mommy nya. Naiyak na lang ako. Kumalas ako sa yakap na yun. Nagpa-ikot ikot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Sh*t!" Bulong ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bakit ko hinayaang ganito? Bakit ko hinayaang umalis sya mag-isa? Bakit, Jake?! BAKIT?!
"Dun ka sa tabi nya. Baka sakaling gumalaw sya kahit papano." Sabi ni tito. Daddy nya.
Hinawakan ko ang kamay nya. "Xian... Sorry. Hindi dapat kita hinayaang magkaganito. Hindi dapat kita hinayaang umalis mag-isa. Sorry, Xian. Sorry. Sana ako na lang nasa kalagayan mo." Pagkatapos kong sabihin yun, umiyak na lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako sa tabi nya.
