"What would I do without your smart mouth? Drawing me in and you kickin' me out. You've got my head spinning. No kidding. I can't pin you down." Kanta ko habang nasa sasakyan ni Jake.
"Stop singing." Awat nya sakin.
"What?! Why? Ayaw. What's going on in that beautiful mind? I'm on your magical mystery ride. And I'm so dizzy don't know what hit me. But I'll be alright."
"Ugh! Xianel, please stop singing."
"Bakit nga?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"I'm falling... In love." Napatahimik ako at hindi nga kumanta. Nagbabaka sakaling bawiin nya ang sinabi nya. Pero nagkamali ako. Diretso lang ang tingin nya sa daan habang nagda-drive. Tinignan ko sya.
"You know what Jake. I've been your bestfriend since then. Pero ngayon ko lang nakita yang ganyang aura mo. Is there something bothering you?" Pangungulit ko sa kanya.
"No. Stop asking. You can sleep kung gusto mo. Don't mind me." Hindi ko sya sinunod. Nag-earphone ako. Nakinig ng kanta at naramdaman ko na lang ang sarili kong nagha-hum.
Then a thought hit me. What if itong lalaking katabi ko ngayon, which is my bestfriend ay totoong may gusto sakin? Teka. Teka. Bakit ba ko nag-aalala? E alam ko namang joke lang yun. Pero bakit ganun? Parang ang saya saya. Parang nagtatalon yung puso ko nung sinabi nya yun? Am I falling too? Ugh! This can't be.
Dinial ko ang number ng mama ko. Pero...
'Your load balance is not deficient. To complete this call, please load your account first.'
Wala akong pantawag. Bakit kase naka-prepaid ako e! -.- kaya naman naming bayaran kung magpo-post paid ako. Matagal ko nang sinasabi kay mama yun e. Ayaw naman. Naramdaman kong tumingin sakin si Jake. Tinignan ko sya at tinanggal ang earphone ko. Nakangiti sya.
"What?" Walang buhay kong tanong sa kanya.
"Magkasalubong kase yang mga kilay mo. Ang cute mo." At nag-chuckle sya. Is he really falling? Or what? Ang gulo nya!
»Flashback«
"Baby, let's make this night, remarkable." Sabi ni Steven.
"Remarkable?"
"Yes." At dahan dahan nya kong hinalikan. Hindi ako sumagot sa mga halik na yun. Hindi ako sanay humalik. Tumigil sya.
"Ayaw mo ba?" Hindi ako sumagot. Muli nya akong hinalikan. Nagulat na lang ako nang sinagot ko na ang mga halik na yun. Nararamdaman kong tinatanggal na nya ang mga damit na naka-balot sa birhen kong katawan. Hinayaan ko. Gusto ko din ito. Hindi alintana kung anong mawawala sakin. Hanggang sa nangyare ang hindi dapat mangyare.
Makalipas ang ilang araw, iniwan nya ako. Unang break up namin ito. Hinanap ko sya. Nakikita ko sya pero sa tuwing lalapitan ko sya, sasabihin nyang hindi nya ako kilala. Paulit-ulit na ganun. Hanggang sa tumigil ako. Napagod ako. Hanggang sa isang araw, sya naman ang naghabol sakin. Dahil nga tanga ako, binalikan ko sya. At sa pangalawang pagkakataon, may nangyare samin.
»End of Flashback«
"Aiiiiiiish! Kaasar!" Bulong ko.
"Ha? Ano yun?"
"Wala. Gutom na 'ko."
"Sandali na lang. Makakakain ka na."
At sandali pa nga ay narating na namin ang aming pupuntahan. Ang ganda. Nakaka-amaze. Fantastic! Wonderful. Lahat na ata ng magandang salita, pwede kong masabi para maidescribe ang nakikita ko.
