Part 36: Stalking

1.2K 40 2
                                    


Author's POV

"Ashleen ano ba !! ang likot mo masyado !! mahalata tayo niyan eh !!" mahinang sermon ni Leigh sa kakambal

"eh ... ang kati kaya , ba't kasi dito mo naisipang magtago ha ?!" inis niyang sagot habang kinakamot ang braso niya na ngayon ay pulang-pula na

"hala , anyare sayo ? huwag mo ngang kamutin yan" pag-alalang saad ni Ashleigh

"kasalanan mo kasi 'to eh" sabi ni Ashleen habang kinakamot pa rin ang braso at balikat niya , napatigil siya ng bigla siyang hatakin ni Ashleigh

"Aray ha !" maktol niya

"wag ka na nga lang magreklamo diyan , diba gusto mong malaman kung sino talaga yang Li-An na yan diba ? kaya bilis" saad ni Ashleigh kaya nagpatianod na lang siya habang nakabusangot 

-------

"saan na ba yun sila ?" tanong ni Ashleigh sa sarili

"Ewan ko sayo" walang ganang saad ni Ashleen , kaya napalingon si Ashleigh sa kanya

"Okay ka lang ?" alalang tanong niya

"mukha ba ako okay ha?!" sagot niya sabay irap

"he he , sabi ko nga , Teka .. ayon sila .. halika magtago muna tayo" sabi ni Ashleigh at hinila ulit si Ashleen patago sa malaking puno , na malapit lang sa restaurant na pinasukan nila Xavier

"ito , suotin mo yan .. para di nila tayo Mahalata" saad ni Ashleigh sabay bigay ng isang supot na gagamitin nilang pang disguise

"Ano na naman 'to ?" kunot noong tanong ni Ashleen

"kakainin mo yan" sarkastikong saad ni Ashleigh , kaya agad naman siyang pinukulan ng masamang tingin ni Ashleen "psshh costume yan , gamitin mo yan para di ka makilala ni Xavier" dugtong niya

Sa isip ni Ashleen 'Kung ano-anu na lang ang naisip na kabaliwan ang kakambal kong 'to ! naku ! kung kami mapahamak nito , kakalbutin ko talaga 'to'

"anong tingin yan ha ? naku , kung nakakamatay lang yang titig mo , kanina pa ako nakabulagta dito" sabi ni Ashleigh na nakapamewang

"psssh" she hissed sabay irap "saan naman tayo magbihis aber ? alangan namang dito , haler ... I will never do that" litanya ni Ashleen in mataray mood

"of course not ! ayokong may makakita ng beautiful body natin noh .. like duh !" saad naman ni Ashleigh

"halika na nga ..." sabi ni Ashleen sabay hila sa kakambal niya 

"okay tara .. I'm excited !!" masiglang saad ni Ashleigh

------

"Oh my Ghad !! what is this ?!" saad ni Ashleen habang minamasdan ang sarili sa salamin .. nasa Cr kasi sila ngayon .

"psssh , ang O.A mo ... wag ka na nga lang magreklamo , kung gusto mong makuha si Xavier mula sa bruha na yun" sabi ni Ashleigh

nakasuot kasi silang dalawa na parehong malaking salamin , oversize T-shirt at malaking palda , nakamissy bun ang buhok ni Ashleen habang si Ashleigh naman ay naka double braided siya ... sa mga mukha nila ngayon , para na silang manang kung tignan mo .

The runaway heiress meets the cold Prince ( BOOK 1 COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon