Part 30: She's Jealous ?

1.2K 38 1
                                    

Xavier's POV

Napalingon ako sa kung saan tinuro ni Li-An ang likod ng puno

"Ha ? ba't Wala ?" takang saad niya , kaya lumapit ako dito .. may nakita akong kumikinang sa damuhan kaya pinulot ko ito , nagulat ako ng mapagtanto ko kung kanino ito .... Ano naman ang ginawa nung babaing yun dito ? wag mong sabihing nag eavesdropping siya sa amin ?

"Hey , okay ka lang ?" tanong ni Li-An sabay tapik sa balikat ko , kaya tinignan ko siya

"Umuwi kana Li-An" saad ko sabay alis , narinig ko pa siyang nagrereklamo pero di ko na siya pinansin Nakita ko sila mula rito sa kinaroroonan ko na masayang nag-uusap ... nataranta ako ng biglang lumingon sa gawi ko si Ashleen , mabuti na lang at malapit ako sa poste kaya nakapagtago ako ... napabuga ako ng hangin at napasandal sa poste ng makita kong di na siya nakatingin dito ....

"Okay ka lang ?" bigla akong napatalon ng may biglang nagsalita sa tabi ko , paglingon ko si Li-An lang pala

"You're still here ?!" iritang tanong ko , "at ba't ba bigla-bigla ka na lang sumulpot diyan ?!" dugtong ko ... bigla naman siyang umirap sabay pamewang

"Kanina pa kita tinatawag .. kaso di mo ko narinig ... tsk" saad niya ... tsk ! ang babaing talagang 'to !! nakakainis !!!

"ba't di ka pa umalis ?" tanong ko at nag crossarm ...

"psshh ... Oo na ! ito na nga oh ! aalis na ... tsk ! sungit !!" sabi niya sabay flip hair "see you sa house baby" dugtong niya at tuluyan ng umalis ....

"tsk !" napalingon ako ng may nag 'tsk' .. bigla namang nangunot ang noo ko , anyare dun ? ang sungit ... psshh , Oo nga pala ... matagal siyang masungit , nanibago pa ako

"pasensya kana dun Xavier nagselos kasi :)" sabi ni Ashleigh na may nakakalokong ngiti , bigla namang nangunot ang noo ko sa sinabi niya ... siya ? nagseselos ? kanino naman ?

"Ciao" saad ni AC sabay sunod kay Ashleigh ganun din si Belle

"tsk ! tsk ! *iling-iling*" si Bella at agad kumapit sa kakambal niya ...

Anyare sa mga yun ? psshh ... maka-alis na nga lang

Ashleen's POV

Nakakainis talaga ang kumag na yun !! bwesit !!

"Uy Jamaica , tigilan mo na nga yan ... di ka ba naaawa diyan ?" sabi ni AC 

"Oo nga eh .. so sad" saad naman ni Bella na may malungkot na mukha

"anong nangyari sa inyo ?" takang tanong ko sa kanila

"psshh ... Jam , kung nagseselos ka man .. wag mong idadamay ang walang kalaban-laban ... tignan mo nga yung damo , nakakalbo na dahil sa kakabunot mo" litanya ni Belle , kaya napatingin ako sa damo .. napabuga na lang ako ng hangin ng mapagtanto kong tama sila ... bigla akong napatayo at palinga-linga sa paligid ... teka ? asan na yun ?

"Okay ka lang ?" takang tanong ni Ashleigh , kaya napalingon ako sa kanya

"Leigh , yung bracelet ko nawala .." saad ko

"Ano ?!" gulat niyang tanong "saan mo naman yun nawala ?" dugtong niya , nagulo ko yung buhok ko dahil sa frustration .. di pwedeng mawala yun .

"Guys , di ko pwedeng mawala yun" sagot ko , di ko matandaan kung saan ko yun nawala .

"Teka nga Jam , tumigil ka nga sa kakalakad .. nahihilo kami sayo" sabi ni AC , kaya napahinto ako sa kakalakad sabay buga ng mabigat na hangin , napalingon ako ng hawakan ni Ashleigh ang balikat ko

"Mahahanap din natin yun , wag ka ng malungkot" sabi niya sabay yakap sakin ....

sana nga .... sana mahanap ko na yun , kasi .. yun na lang ang tanging ala-ala ko sa kanya .... gaya ni Ashleigh , may kaibigan din ako 11 years ago ...

"Sana nga Leigh ... kasi , mahalaga yun sakin eh" saad ko .. agad naman niya akong niyakap ng mahigpit ...


The runaway heiress meets the cold Prince ( BOOK 1 COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon