Part 31

1.1K 31 2
                                    

Author's POV

11 years ago .........

"Hoy taba !!" sigaw ng batang lalaki

"sinong taba ?" inosenteng tanong ng batang babae ...

"psshh , ikaw ! sino pa ba" saad naman ng batang lalaki ..

"hindi ako mataba noh ! sabi ni mommy , malusog lang daw ako" sagot nito

"malusog daw hahahahaha" bigla namang sumimangot ang batang babae , kaya napatigil sa pagtawa ang batang lalaki "u-uy joke lang" dugtong niya at agad lumapit sa batang babae

"gusto mo ng ice cream ?" tanong niya , agad namang nagliwanag ang mukha ng batang babae sa sinabi niya .. pero agad rin itong napasimangot ng may naalala ito "Oh , bakit ?" takang tanong niya

"sabi kasi ni mommy , wag daw akong umalis dito eh" sagot niya 

"ganun ba ? sige , ako na lang ang bibili para sayo" saad nito , kaya napangiti ang batang babae ..

"talaga ?" masiglang tanong niya

"Oo taba" sagot niya sabay takbo

-----

"Ako nga pala si Dwayne , ikaw ?" pakilala niya

"Jamaica , Salamat pala dito" sabi niya sabay ngiti , kaya nginitian din siya ni Dwayne

"Can we be friends ?" tanong ni Dwayne kay Jamaica

"of course" masiglang sagot ni Jamaica , agad namang tinanggal ni Dwayne ang pulseras nito at pinasuot kay Jamaica

"that's the sign of our friendship" saad ni Dwayne , bigla namang bumusangot ulit si Jamaica "why ?" dugtong niya

"kasi , wala akong maibigay sayo eh" malumanay niyang sagot .. agad namang ngumiti si Dwayne

"okay lang yan ..." sagot nito sabay yakap kay Jamaica

-------

Araw-araw lagi silang nagkikita para maglaro , kahit yung mga larong di pa nasubukan ni Dwayne ay nagawa niya

"bakit nga pala di ka naglalaro ng ganun ?" takang tanong ni Jamaica habang kumakain ng ice cream

"kasi .... bawal sakin ang mga larong yun eh" sagot niya , halata sa boses niya na nanghihina ito

"okay ka lang ?" nag-aalalang tanong ni Jamaica , pero tumango lang ito bilang sagot "pero , namumutla ka" dugtong niya

"siguro kailangan ko ng magpahinga , napagod lang ako .. tara na" saad niya sabay tayo pero agad din siyang natumba , mabuti na lang at nasangga siya ni Jamaica

----

Ilang araw , linggo , buwan ang lumipas di na niya nakikita si Dwayne kaya labis ang pagkalungkot nito

"jam anak , bakit ka malungkot ?" alalang tanong ng kanyang ina sa anak (ito yung nag-alaga sa kanya , hindi niya totoong mommy)

"mom , I miss him na" sagot ng bata sabay halumbaba sa mesa , nasa hapag kainan kasi sila "I think his mad at me , dahil pinilit ko siyang sumakay sa mga extreme ride noon" dugtong niya at humikbi

"hash now baby ... gusto mo , bisitahin natin siya ?" sabi ng mommy niya , kaya napa-angat ng ulo si Jamaica sabay punas ng luha

"talaga ?" saad niya , tumango naman ang mommy as a answer kaya napayakap sa kanya ng mahigpit si Jamaica "thank you mommy" dugtong niya

---

Nasa tapat na sila ng bahay nila Dwayne , magdo-doorbell na sana ang mommy niya ng biglang bumukas ang gate at lumabas ang isang katulong na may dala-dalang basura ..

"hay .. susmaryosep !!" saad ng katulong na napahawak pa sa dib-dib niya "nakakagulat naman kayo" dugtong niya

"sorry po kung nagulat ka namin , pero kasi itong anak ko hinanap niya ang best friend niya ... nandiyan ba siya ?" litanya ng mommy ni Jamaica

"naku sorry , pero wala siya eh" sagot ng katulong .. nagkatinginan naman ang mag-ina sa sinagot nito

"ha ? eh , nasan po siya ?" medyo garalgal na ang boses ni Jamaica

"hija , pasensya na .. pero di ba niya sinabi sayo ?" tanong ng katulong kay Jamaica

"ang alin po ?" takang tanong ni Jamaica

"so , hindi pa talaga niya sinabi sayo ang totoo" di makapaniwalang saad ng katulong sa kanya .. "pasok muna kayo , sa loob na natin yan pag-usapan" dugtong nito , at binuksan ng malaki ang gate pagkatapos niyang mailagay ang basura sa labas

---

"diyan muna kayo ah , kukuha lang ako ng pwedeng imeryenda niyo" saad nito at pumasok sa bahay , nasa garden lang kasi sila ... doon kasi ang naisipan nilang mag-usap , ilang minuto din ang lumipas ay bumalik na si Sheena

"ito na ang meryenda niyo" sabi niya sabay lapag sa mesa

"Salamat .. pero , di kana sana nag-abala pa" saad ng mommy ni Jamaica

"naku , wag niyo ng isipin yun ..." sabi niya , umupo siya sa harapan ng dalawa at nilagay ang braso sa mesa "alam mo hija , masaya kami na naging kaibigan mo kahit sandali si master Dwayne" dugtong niya kaya napahinto sa pagsubo si Jamaica at tumingin sa kanya

"po ?"

"ikaw siguro si Jamaica , lagi ka kasing kwinekwento ni Dwayne sa akin at sa mommy niya" saad ni Sheena , bumuntong hininga muna ito bago magsalita ulit "alam kung nagtataka ka kung bakit di mo na nakikita si Dwayne di katulad dati na halos araw-araw kayong nagkikita" dugtong niya .. tinignan niyang mabuti si Jamaica na seryosong nakatingin sa kanya

"akala ko , sinabi niya na sayo nung huli niyong pagkikita ang totoo ... jam , makinig kang mabuti sa sasabihin ko" aniya , tumango naman si Jamaica bilang sagot "naalala mo ba nung huli niyong pagkikita ?" dugtong niya , tumango ulit si Jamaica

"Nung araw na yun , na confine sa hospital si Dwayne" sabi niya , bigla namang nabitawan ni Jamaica ang kutsara dahil sa narinig , magsasalita sana si Jamaica ng pigilan siya ng mommy niya , halata sa mukha niya ang pagkagulat at pag-aalala "jam , may sakit si Dwayne .. may sakit siya sa puso , at kaya siya na confine ay dahil di kinaya ng puso niya .. ilang araw siya nag stay sa hospital , akala namin okay na siya pero nagkamali kami , kasi nakalipas ang ilang minuto ring di nagsasalita si Jamaica at pagkatapos ay humagulgol na ng iyak

-------.

Xavier's POV

Nandito ako sa rooftop , dito ko kasi naisipang magstay dahil tahimik rin naman dito ... napabuga ako ng hangin , at kinuha ang bracelet na nakita ko sa garden ... inusisa ko ito ng maigi , napako ang tingin ko sa naka engrave na pangalan .. XDO ang naka-ukit dito , isa itong initial sa pangalan ng may-ari .

Anong Ibig sabihin nito ? kung hindi si Ashleen ang may-ari, sino ? 

"ah !!" napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot , argghh , anong nangyari ?

"ahhhh !!!!" napahiyaw ako sa sobrang sakit , anong nangyari sakin ? bakit parang binibiyak ang ulo ko ? argghh !!!

*blag !!*

napalingon ako sa pintuan ng bigla itong bumukas , pinilit kung buksan ng maayos ang mata ko pero di ko talaga kaya , dahil na rin sa sakit na ininda ko ... bago ako tuluyang nawalan ng malay iisang tao lang ang pumasok sa isip ko si ....

"Jamaica"

*everything went black*


The runaway heiress meets the cold Prince ( BOOK 1 COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon