Ashleen's POV
"Jamaica"
nagulantang ako sa binanggit niya , iisang tao lang ang tumatawag sakin niyan at siya si ...... nabato ako ng maalala ko ang naka engrave na pangalan sa bracelet , ang X.D.O ... napatingin ako sa kanya ... nagulat ako ng bigla na lang siyang pumikit kaya nataranta ako ..
"Hoy !! gumising ka ! Xavier !!" nagpalinga-linga ako , nagbabasakali na baka may ilang tao pa dito "Leigh !! tulong !!" sigaw ko ng makita ko ang kakambal ko
"Anong nangyari dito ?" takang tanong ni Leigh
"Ewan ! basta bigla na lang siyang nagsisigaw kanina habang hawak-hawak ang ulo niya ,buti na lang napadaan ako dito .. tapos ayan na , nawalan na siya ng malay" litanya ko , kaya napatango-tango na lang siya ng dahan-dahan "ano na !! tulongan muna ako !!" dugtong ko ...
"eh , paano ? alangan namang bubuhatin natin yang dalawa .. like hello ?? his too mabigat kaya" saad niya , aba ! kung batukan ko kaya ang isang 'to
"naku , nahawaan kana ng kaconyohan sa mga kaibigan mo ! humanap kana nga lang ng taong pwedeng tumulong bilis" saad ko sa kanya
"Oo na !! lovebirds" she said ... mahina niyang binanggit ang lovebirds pero rinig kp naman
"narinig ko yun !!" I hissed , agad naman siyang tumakbo palabas .. tsk !
napatingin ulit ako sa kanya ... habang tinitigan ko siya , naalala ko sa kanya si Dwayne .. may hawig siya sa batang yun .
"anong nangyari sa kanya ?" napalingon ako ng may biglang nagtanong , nangunot naman ang noo ko sa kanya
"ah , siya si Liam ... siya ang tutulong para buhatin si Xavier" saad ni Leigh .. kaya napatango na lang ako
------
"Salamat nga pala sa pagdala sa kanya dito" paghingi ko ng pasalamat kay Liam
"wala yun .. sige"
Umupo ako sa upuan malapit sa bed ...
"Leigh , what is the full name of Xavier?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa natutulog na si Xavier
"hmmm ... bakit ?" takang tanong niya sabay lean sa gilid ng pinto
"basta ..."
"tsk ! Xavier Dwayne Oxfordshire , yan ang full name niya"
"Xavier Dwayne Oxfordshire , X.D.O ..." saad ko sa kawalan
"eh ?" napalingon ako kay Ashleigh na nakakunot ang noo
"tsk !" I hissed ... ito talagang kakambal ko mukhang timang , paano ko ba 'to naging kakambal ...
"Anong meron sa X.D.O ?" takang tanong niya
"yun kasi ang naka-ukit sa bracelet ang X.D.O" sabi ko "tignan mo oh" dugtong ko sabay pakita sa kanya .. Oo nahanap ko na , nakita ko 'to nung nahimatay si Xavier ... siya kaya ang nakikita nito ?
"oh , tapos ?" tinaasan ko siya ng kilay , bigla naman siyang napatakip ng bibig habang lumalaki ang mata niya ... "oh my Ghad !! siya si ....." di na niya natapos ang sasabihin ng biglang gumalaw si Xavier .. siya ba talaga si Dwayne ? ang kaibigan ko ?
"ah !! ang sakit ng ulo ko" sabi niya sabay hawak sa ulo niya .. ano bang nangyari sa kanya , tumayo ako sa pagkaka-upo kaya napatingin siya sa akin "anong nangyari ?" dugtong niya habang nakahawak pa rin sa ulo niya
"nawalan ka ng malay , buti na lang at napadaan ako dun sa rooftop .. ano ba talagang nangyari sayo ?" I said to him .. tinignan niya lang ako ng biglang nagsalita si Ashleigh
"*fake cough* alis na muna ako , baka maka-abala pa ako sa inyo lovebirds Ciao" saad niya sabay flip hair at saka umalis ... siraulo yun ah !
"pasensya kana dun .. siraulo kasi yun eh" I said ..
"Anong sabi mo ?" napalingon ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko
"Ang sabi ko , ang ganda mo .. kaya sho !! alis na" sabi sabay tulak sa kanya .. hindi yung malakas ha
"psshh ... Oo na , ito na nga oh , aalis na tsk !" saad niya
psshh ... napa-irap na lang ako sa kanya .. napalingon ako kay Xavier ng tumawa siya ng mahina
"what ?" mataray kong tanong
"tsk !" he hissed , napatingin siya sa wrist ko tapos sa akin "bakit na sayo yan ?" dugtong niya sa seryosong boses
"ah ito ba ? binigay lang 'to sakin ng kaibigan ko .." saad ko , tinignan ko kung ano ang magiging reaksyon niya .. pero .... isang malaking WALA !! baka hindi siya yun .. at baka nagkataon lang na kapareho ng pangalan niya ang initials ..
"ah ganun ba" sagot niya .. gusto ko sana siyang batukan , yung malakas talaga .. nakakainis !! di ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot at sama ng loob ng hindi siya ang kaibigan ko ... "are you okay ?" dugtong niya
"Oo .. sige alis na ako" saad ko at tuluyan ng lumabas sa clinic .. Ewan ko ba kung bakit ako umasa na sana siya ang kaibigan ko .. tumakbo ako , di ko alintana ang panlalabo ng mga mata ko dahil sa mga luhang bumabagsak .. marami na ring nagtataka kong bakit ako umiiyak pero di ko iyon pinansin ... gusto kong mapag-isa .
------
Andito ako sa rooftop .. dito ako dinala ng mga paa ko , umupo ako sa gilid at niyakap ang tuhod ko habang umiiyak ..
"Ahhhhhhh !!!! NASAN KANA BA ?!? MISS NA MISS NA KITA !!! PLEASE , BUMALIK KANA !!!" sigaw ko , wala akong paki-alam basta ang alam ko lang namiss ko na siya ... miss ko na si Dwayne 😭
"I'm right here" napalingon ako ng may nagsalita sa likuran ko , nagulat ako ng siya ang nakikita ko "hindi ko alam , iyakin kana pala ngayon" dugtong niya ... agad namang nagsibagsakan ang mga luha ko ... lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko
"I'm sorry .. kung ngayon lang kita naalala ..." saad niya , di ko alam pero agad ko siyang niyakap ng mahigpit "I miss you taba" dugtong niya kaya napakalas ako sa yakap ko at pinalo siya
"sabing wag mo kong tawaging taba eh !!" singhal ko sa kanya , pero tinawanan niya lang ako sabay pisil ng pisngi ko
"Aray !! ang sakit niyan ah" reklamo ko sabay haplos sa pisngi ko , nagulat ako ng bigla niyang halikan ang pisngi ko ... kaya pinalo ko ulit siya .
----
"Ikaw ha , nag eavesdropping ka .. alam mo bang masama yung ginawa mo" sabi niya ,naka-upo na kami pareho habang nakatingin sa baba .. lumingon ako sa kanya
"hindi kaya ... at yung time na yun , sakto ring nandun kami no" saad ko ..
"naniwala ako" saad niya sabay lingon sa akin "may narinig ka diba ?" dugtong niyang tanong kaya napabusangot ako , naalala ko kasi yung babaing tumawag sa kanya na baby .. napalingon ako sa kanya ng tumawa siya
"nagseselos ka ba ?" tanong niya
"Ano ?! ako ?! nagseselos ?!! bakit naman ako magseselos*" sabi ko .. hindi kaya ako nagseselos
"okay .." sagot niya sabay tayo kay nagulat ako
"u-uy ! saan ka pupunta ? wala pa namang time ah" saad ko sabay tayo
"pupuntahan ko pa si Li-An" saad niya ... bigla namang kumunot ang noo ko
"Li-An ?" takang tanong ko "siya ba yung babae na kausap mo ?" dugtong ko
"Oo , at .... teka , sabi mo hindi ka nag eavesdrop sa amin .." saad niya sabay ngiti ng nakakaloko
"Hindi naman talaga ah" sagot ko sabay halukipkip
"hahaha okay okay ... sige alis na ko" sabi niya at tuluyan na nga siyang umalis ..
"pupuntahan mo talaga siya ?!" pagsigaw kong tanong kasi malayo na kasi siya ..ang bilis niyang maglakad eh "Okay fine !! bahala ka sa buhay mo bwesit !!!" dugtong ko at umalis na din dun ..
BINABASA MO ANG
The runaway heiress meets the cold Prince ( BOOK 1 COMPLETED) ✓
Teen FictionPaano kung isang araw .. ang isang tagapagmana at tatakas ? at sa kanyang pagtakas ay mag cross ang landas ng dalawa ? the runaway heiress meets the cold Prince .... ----- Maganda ..... Mabait ....... Matalino ....... At higit sa lahat ........ Maya...