*le flashback*
"Serra baby. Wake up. Baka ma late ka na." sabi ni mommy habang ginigising ako.
"Five minutes mommy. I'm sleepy." sabi ko sa kanya. 4 years old pa lang kasi ako noon at 2nd week na nang pasukan sa kindergarten.
"No baby. Gising na. Gising na." so gumising na ako. Naligo, nagbihis at kumain pagkatapos ay umalis na kami.
Noong pa pasok na ako sa room namin. May narinig akong humihikbi sa may hagdanan. Bata pa lang ako noon kaya hindi ako natakot pumunta sa hagdanan at tiningnan ko kung sino yung umiiyak.
May nakita akong isang batang lalaki na may kinakausap sa kanyang cellphone. Nakayuko siya kaya hindi niya ako agad nakita.
"Kuya please come and fetch me now. Please. The kids here hate me. They don't talk to me. There was a kid who did but I didn't understand what he was saying," sinasabi niya iyon habang umiiyak.
Mukhang nakikinig siya sa sinasabi ng kausap niya kasi hindi siya nagsasalita. Aalis na sana ako pero nagtaas siya ng tingin at nakita niya ako. Hindi ako mka galaw sa titig niya. Nakatingin siya sa mga mata ko. Ngayon ko lang siya nakita, hindi ko pa nga siya kilala eh, pero feeling ko ang gaan ng loob ko sa kanya. Medjo brown yung mga mata niya, ganun din yung buhok niya. Maputi at payat rin siya. Mayroon pa siyang birthmark sa gilid ng kaliwang mata niya. Hindi ako mahilig sa mga lalake kasi medjo boyish ako. Pero ngayon feeling ko babae talaga ako kasi nagagwapuhan ako sa kanya.
Napalunok muna ako bago ako nagsalita. "Uhm. Ba't ka umiiyak?" sabi ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mga mata niya. Agad ko namang naalala na english speaking siya kaya nag english rin ako.
"S-sorry. Why are you crying?"
Nakita ko na naintindihan niya yung sinabi ko pero hindi niya ako sinagot. Tinitigan niya lang ako kaya nagsalita ulit ako.
"Excuse me? Do you understand me? Are you okay?"
Nakita kong pinatay niya yung tawag sa cellphone niya at binaba niya iyon. Pagkatapos ay nagsalita siya.
"Are you here to bully me?" sabi niya. Halatang natatakot siya dahil nanginginig yung boses niya.
Bumaba ako ng hagdan para lumapit sa kanya.
"Nope. I hate bullies. Is that why you're crying?"
Hindi siya sumagot at yumuko ulit siya at nagpatuloy sa pag iyak.
"Hey. Stop crying. I'll be your friend here," nagtaas siya ng tingin sakin kaya nginitian ko siya, "my name's Serraphine by the way. You can call me Serra."
"I-Im Joseph."
"Okay Joseph. Im your friend okay?" tumango siya at nagsalita.
"Are you a Kinder student too?"
"Yup! I'm under Miss Ramos. You?"
"Miss Ramos too." sabi niya tapos ngumiti siya. Ang gwapo niya!!!
"We better go to class. We're already 15 minutes late."
"Okay." sabi niya at pumasok na kami sa loob ng classroom.
—
First story, sorry ✌
follow me on twitter: @smnthdncadrias
on IG: @samadrias_
lovelove xoxo
BINABASA MO ANG
Flightless Bird
Teen Fiction"Life can never be fair" that's what Serraphine Hernandez believes in.