Chapter 22

1 0 0
                                    

[Friday, 4PM, SM Parking Lot]

Christian.

Hinalikan ako ni Christian.

Oo sa noo lang pero hinalikan niya ako.

Christian.

Ano ba ito. My goodness.

Christian.

Ba't kaya hinalikan niya ako? Ugh

No Serra. No. No. No. Hindi ito pwede.

No. No. No.

Christian. Pero si Christian.

"Hello! Earth to Serra!" bigla akong natauhan at nakita ko si Jose na hinahawakan ang magkabilang balikat ko.

"Hm?" sagot ko sa kanya.

Inalis niya ang kanang kamay niya sa balikay ko at nabigla na lang ako ng binatukan niya ako.

"Aray Jose! Masakit yun!" sabi ko at kinamot ang likod ng ulo ko.

"Oh ayan. Sa wakas at natauhan ka na. Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako pinapansin" sabi niya.

"Ah- eh. May iniisip lang Jose"

"Ano ba yang iniisip mo ha?" sabi niya at naglakad patungo sa direksyon kung saan kami galing.

"Oh? San ka pupunta Jose?" tanong ko.

"Edi sa kotse ko. Kanina pa natinnalagpasan pero hinabol kita kasi baka masagasaan ka."

Nagkamot uli ako ng ulo't nagsimulang lumakad papunta kay Jose.

"Teka muna Maria Jose. Antayin mo ko" tawag ko sa kanya.

"Oh eto na Maria Serrapina" tumigil siya sa pag lakad at inantay ako. Ang bilis kasi niyang lumakad, long-leged kasi siya. Kung para sa kanya isang hakbang pa lang, para sakin parang isang kilometro na ang layu namin. Pero syempre nagbibiro lang ako.

Nang naabutan ko siya sabay lang kaming dalawa sa paglakad pabalik sa sasakyan niya. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya't pumasok.

"Pero seryosong tanong Sera" tanong niya habang pinapaandar ang kotse, "anong nangyari sa'yo kanina habang nagtatagu-an tayo? Nakita na lang kasi kitang nakatulala habang nakatayo."

"Ah. Wala yun Jose" sagot ko sa kanya. Ayaw ko kasing malaman niyang si Christian ang dahilan.

"Ay nako Maria Serapina! Wag na wag kang magsisinungaling sakin ha. Mag hunus dili ka" sabi niya.

Naku. Paano na ito? Hinding hindi talaga ako makakapagtago ng sikreto kay Jose. Alam na alam niyang may tinatago o kung nagsisinungaling ako.

"Uh-uhm" nahihiya kong sabi.

"Sera Marie. Bestfriend mo ako kaya wala kang dapat ikahiya sakin" pagsisigurado niya sakin.

"Kasi. Uhm. Nagkita kami ni ano ni-"

"Oh ni sino Sera Marie?"

"Ni, uhm ano, ni" hindi ko na kaya to.

"Ni sino?" tanong niya.

"Christian" pabulong kong sabi para hindi niya masyadong marinig.

"Ha? Ano yon Sera? Hindi ko narinig ang sinabi mo." sabi niya.

"Ni Christian"

"Ah si Christian lang pa- ANO?!" pasigaw niyang sinabi sakin ang bandang huli ng pangungusap niya.

Hindi ako makasagot sa kanya.

Dahan dahan niyang pinahinto ang kotse niya sa gilid ng kalsada at pinark iyon. Tumingin siya ng diretso sakin at nagsalita uli.

"So ibig mong sabihin si Christian ang dahilan kung bakit parang Zombie ka kaninang naglalakad palabas ng mall?" tanong niya.

Tiningnan ko siya sa mata. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagka-inis niya dahil sa nangyari, tapos kahit na naiinis siya parang ang lungkot niya. Tumango na lang ako.

"Anong nangyari Sera?" tanong niya.

"Uhm."

"Ano?"

"Hinalikan niya ako" bulong ko.

"Hina- ANO?!" sigaw niya.

"Kumalma ka nga Jose! Hinalikan niya ako sa noo" sabi ko.

Nakita kong magsasalita na sana siya pero tinikom niya uli ang bibig niya.

"Walang nangyaring masama Jose. Nagusap lang kami at hinalikan niya ako sa koo ng umalis na siya. Iyon lang" paliwanag ko.

"Okay." sabi niya't pinaandar uli ang kotse.

"Okay lang Jose? Hindi mo man lang ba ako tatanungin for further details?"

"Sabi mo walang masamang nangyari kaya ayun. Hindi na ako magtatanong pa." sabi niya.

Nainis ako dun kaya pinabayaan ko na lang siya.

Hinatid niya ako sa bahay at sa buong byahe, hindi kami naguusap.

Nang nakarating na kami sa bahay, agad naman akong lumabas sa sasakyan niya at pumasok ako agad sa gate.

Hindi ako pumasok muna sa bahay kasi hinihintay kong sumunod sakin si Jose. Ganyan kasi ang ginagawa niya kung naiinis ako sa kanya. Susundan niya ako sa loob ng bahay at kukulitin para magkabati kami.

Pero hindi iyon nangyari kasi habang hinihintay ko siya narinig ko ang dahan dahang pag-alis ng kotse niya.

Flightless BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon