Chapter 9

27 0 0
                                    

Bumangon ako at dali daling tumakad (takbo/lakad) papuntang gate.

"Joseph!!" sigaw ko ng nakita ko na siyang nakasandal sa sasakyan niyang nakapark sa labas ng gate.

Binilisan ko ang pagtakbo ko para makapunta na ako agad sa kanya. Alam ko kasing galit siya at ayaw kong nagagalit si Joseph. Ayaw ko talaga.

"Jose. Jose. Sorry. Sorry talaga. Nakatulog kasi ako. Jose. Sorry," sabi ko. Yumakap ako sa kanya at ibinaon ko ang ulo ko sa kanyang dibdib.

"S-serra," sabi niya. Narinig ko ang lungkot at alala sa boses niya kaya nag angat ako ng tingin.

"Jose. Sorry. Hindi ko sinasadya. Marami kasing nangyari ngayon kaya napagod ako. Hindi na nga ako pumasok sa mga klase ko," nanginginig ako habang sinabi ko iyon. Ewan ko ba. Parang ang hina ko ngayon. Tsss

Hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko. Nakita iyon ni Jose kaya pinunasan niya iyon ng kamay niya.

"Shhh. Pasok tayo sa sasakyan Serra," sabi niya kaya bumitaw na ako sa yakap ko sa kanya.

Binuksan n iya yung backseat at pinapasok siya ako, sunod siyang pumasok sa backseat din. Umupo siya katabi ko at sinara ang pinto.

"Serra."

*sniff sniff*

"Serra. Tingnan mo ako."

Nagangat ako ng tingin at nakita ko sa mga mata niya na ang lungkot niya. Ito ang dahilan kun bakit ayaw kong umiyak lalong lalo na sa harap ni Jose. Napakaprotective niya kasi sakin.

"Anong nangyari?" pinunasan niya ang mga luha ko.

"Eh. K-kasi-"

"Si Christian ba yan?" tanong niyang pumutol sakin.

"Oo," sagot ko sa kanya. Hindi ko kasi kayang magsinungaling sa kanya.

Nagbuntung hininga siya at ginulo niya ang buhok na. Ganyan kasi talaga siya kung nagtitimpi.

"P-pero Jose. Hindi niya ako sinaktan," paliwanag ko.

"Eh ba't ka naman umiiyak kung hindi ka niya nasaktan? Kilala kita Serra. Hindi ka basta basta lang umiiyak."

Napalunok ako. Alam kong hindi ko ito maitatago sa kanya. Kilala niya kasi ako. Tsk

"K-kasi Jos. Sina Monica. S-sabi nilang a-ako raw ang dahilan kung bakit sila nag b-break ni Christian." sabi ko.

"Alam mo bang sila?" tanong niya.

"Hindi. Ang alam ko lang m-may 'secret boyfriend' siya at si Christian raw yun."

"Lika nga dito," lumapit siya sakin at yinakap niya ako, "wag ka nang umiyak. At hindi ka relationship destroyer okay?" sabi niya.

Tumigil ako sa pag iyak at tumingin sa kanya. "Thankyou Jose." ngumiti ako.

"Haha. Alis na tayo dito. Kain tayo. Kanina pa ako nagugutom eh." sabi niya at tumawa.

Tumango ako at lumabas kami sa backseat at lumipat sa frontseat.

*buzz buzz*

Mia.

calling...

"Hello Mi?"

"Saan ka Ser?" tanong niya.

"Papuntang fastfood. Kasama ko si Joseph."

"Omg omg! Josephine" tumili siya.

"Teka teka. Akala ko kinikilig ka samin ni Christian? Ba't naging Josephine shipper ka na naman?"

"Eh kasi. Christian is a Jerk. Ayaw ko na sa kanya. Tsk!"

Flightless BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon