Chapter 13

18 0 0
                                    

HAHAHA sorry long time no update, writer's block eh. HAHAHAHA. Ano daw? Che che che. HAHA. Eto na po! Chapter 13, enjoy? :)❌

Maaga akong gumising kinabukasan. Wednesday kasi ngayon at P.E ang first subject ko, 6:30 AM.

Dumungaw ako sa alarm clock ko, 6:15AM na! Agad naman akong nagbihis ng PE uniform namin. Excited akong suotin ang PE uni namin this year, blue & grey kasi ang kulay nang shirt tapos black ang shorts naming nga seniors. Astig eh! Favorite colors ko kasi. :3

Iniwan ko yung phone ko na nakacharge, hindi kasi ako nakapagcharge kagabi at hindi ko naman siya kailangan sa PE eh. Baka masira pa.

Lumabas ako sa kwarto ko at dali-daling naglakad papuntang field. Nang malapit na ako sa field nakita ko na sina Mia at Donna na  naka-upo lang sa gilid at ang ibang classmates namin ay gumagawa ng exercises by group. Pero ako lang ba o talagang may something off sa aura ng mga classmates ko? Nilapitan ko na lang sina Mia at Donna at nginitian nung nakita na nila ako.

"Goodmorning Don. Goodmorning Mia." bati ko sa kanila.

"Hi Ser! Goodmorning!" sagot nilang dalawa.

"Ba't andito pa kayo? Nagsimula na sila sa mga routines oh" sabi ko sabay turo sa mga kaklase kong nag e-exercise.

"Hinihintay ka kasi namin Miss Always Late." sabi naman ni Mia habang nakapamewang.

"Hoy hindi si Sera yung Miss Always Late, ikaw kaya yun Mi!" sabi naman ni Donna.

"Nu ka ba Don. Pinapakunsensya ko lang si Sera. Kanina pa tayo pinagalitan ni Miss Magdusa dahil wala pa siya. -,-" sabi naman ni Mia.

"Eh? Ba't andito pa tayo? Ba't d na lang natin simulan ang mga routines? Pagalitan uli kayo eh " singit ko sa bangayan nilang dalawa. HAHAHA.

Naglakad kaming tatlo papunta sa bakanteng space ng field space ng section namin. Tumigil ang ibang kaklase namin nung dumaan kami at nag bulung bulungan.

'Oh. Ayan na ang mangaagaw boyfriend.'

'Diba siya ang top 1 natin? Landi rin niya pala.'

'Akala ko nga mabait yan. Malandi pala. Naku naku.'

'Walang hiya talaga. Nag pa sundo pa kay Christian dito isang araw. Landi!'

Hinawakan ni Mia at Donna ang magkabilang kamay kong nanginginig. Eto kasi ang dahilan kung bakit ayaw kong mag boyfriend, maraming nangingialam at naninira.

"Let them be Ser. Insecure lang sila sa'yo kasi mas pinili ka ni Christian over kay Monica kasi matalino ka at mas maganda!" sabi ni Mia.

"Onga Sera. Hihi. Andito naman kami ni Mia eh. Alam naming hindi ka malandi. At hinding hindi ka namin papabayaan." sabi ni Donna.

Napangiti ako sa kanilang dalawa. Binitawan nila ang magkabilang kamay ko ng nakahanap na kami ng space.

Naging okay lang rin naman yung araw ko kahit patuloy pa rin silang nagpaparinig sakin. Pero ano bang pake ko? Hindi ko naman magagamit yang mga parinig nila sakin sa acads eh, lalong lalo nang hindi ako mabubusog dahil dun. Hinayaan ko na lang kasi andiyan naman sila ni Mia at Donna oara sakin eh. Tsaka waste of energy lg ang pagsabihan ang mga nagpaparinig sakin na tumahimik. You know naman, Girls and their drama. Tsk -_-

Nung lunch time, sinundo ako ni Jose sa labas ng school namin kasi sabay raw kaming mag lunch, na miss niya kasi ako eh! HAHAHA. Pero syempre, as always, marami naman babaeng nakatingin sa kanya. Pogi Bestfriend ko eh! Lol

Kumain kami sa fast food na paborito naming dalawa. Nagkwentuhan lang kami kung ano yung reaction ng kuya at parents niya nung nalaman nilang pasok siya sa varsity ng RDU. Tapos syempre nagkwento rin ako sa kanya tungkol kay Tita Laureen a.k.a Headmistress Dominggo. Muntikan na nga siyang mabilaukan dahil sa sinabi ko. Eh? Bestfriend ko siya eh. Hindi ko kayang magtago ng sikreto sa kanya. Baka magtampo eh. :3

Pagkatapos naming kumain ay pumunta naman kami sa isang mall. Wala raw kasi siyang pasok tapos nag text naman sina Mia at Donna kay Jose kasi naiwan yung phone ko sa room ko. Naka-charge at nakalimutan ko. Haaaaay. Buntis na mamaya yung battery ko dahil sa over charging -_-

Sabi nila Mia wala raw si Ms. Pineda, yung Filipino teacher namin, kaya mag date na lang raw kamingbdalawa ni Jose. Pero hindi naman kami magdi-date eh. Bakit? Bawal bang makasama ang bestfriend ko? -___-

Kaya ayun. Buong hapon kami nag libot sa mall. Naghahanap kasi si Jose ng mga bagong damit kasi wala na raw siyang damit. Eh? Sobrang dami na nga nang damit niya eh. Mas marami pa nga yung mga damit niya kesa sakin eh.

Pagkalipas ng isang oras na hindi pa rin siya natapos sa paghanap ay nainip na ako kaya pumunta na lang ako sa paboritong bookstore ko.

Naghanap ako ng bagong kwentong pwede kong basahin. Ubos na kasi yung mga libro ko eh. Medjo nahirapan akong maghanap kasi halos lahat na basa ko na.

Habang nagbabasa ako ng summary ng The One...

"Serra?"

Cut uli para may thrill!! HAHAHA. Okaybye. Kitakits sa sunod na chapter!! :)❌

Flightless BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon