Chapter 19

6 0 0
                                    

[Wednesday, 1AM; Riverfront Hospital]

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Tiningnan ko ang paligid ko at nakita kong nasa isang private room na pala ako.

Tumingin ako sa gilid ng kwarto at nakakita ako ng ref at isa pang higaan. Para siguro sa mga tagabantay pero sino kaya nagbabantay sakin ngayon?

Bigla akong napatingin sa kabilang dulo ng room ko kung saan nandoon ang cr kasi narinig ko ang tunog ng lock. Bumukas ang pinto at nakita kong si Mommy yun.

"Hello Baby," sabi niya, "kakagising mo lang?"

Tumango ako sa kanya at lumapit siya sakin. Umupo siya sa higaan sa gilid ng kama ko at tumingin sakin.

"Sabi ng doctor maco-confine ka muna dito for maybe a week because they still need to observe your skin baby. Baka raw kapag umalis ka dito na hindi pa yan naging okay, baka lumala." sabi niya.

"We-where's dad mommy?" tanong ko ng napansin kong kaming dalawa lang dito.

"Daddy went back to Mnl baby. Aasikasuhin lang niya ang negosyo natin at uuwi agad siya dito." sabi ni mommy, "ayaw nga niyang umalis kanina baby kasi marami raw kaming dapat gawin para sa'yo. Sinabihan ko na lang siya na ako na lang ang bahala sa lahat. Ako na rin ang maguusap sa school niya tungkol sa kung anong gagawin namin."

Agad ko namang naalala na may events kami sa school this week.

"P-pero paano school M-mommy?" tanong ko sa kanya. Medyo keri na kasi malamig naman dito sa room ko. Hindi ko na masyado maramdaman ang hapdi.

"Baby. They know. The whole school knows about this. And all yout friends are helping us in finding whoever did this to you" sabi ni Mommy.

Naramdaman ko ang mga luha kong namumuo sa gilid ng mga mata ko. Gusto kong sabihin kay Mommy ang tungkol kay Monica pero natatakot ako para kay Mia. Simula kasi ng sabihan siya ni Monica na kakausapin niya ang Kuya ni Mia ay medyo dumistansya na siya sakin.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Alam kong nakita iyon ni Mommy kasi napasinghot siya.

"Baby. Tahan na please. Nahihirapan na akong pigilin ang sarili ko sa pagyakap sa iyo baby kasi alam kong masasaktan ka."

"M-mommy. Sor-ry."

"Don't be Baby, okay?" tumayo siya't lumapit sakin, "I'll be here for you baby. No matter what. I love you baby ko."

"I-I love you too mommy." sabi ko.

"Go back to sleep baby."

"Okay mommy. Goodnight"

"Goodnight baby." sabi niya.

Pumikit ako uli at nakatulog.

*****

"Sera. Gising na."

hmmnmn?

"Serra Marie gising na."

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko't nakita ko si Joseph nanakaup sa gilid ng kama ko.

"Goodmorning Serra Marie." sabi niyang nakangiti sakin.

"Joseph? B-bat andito ka?" tanong ko.

"Kasi andito ka at bestfriend kita kaya hindi kita pwedeng pabayaan at umuwi muna si Tita kaya ako muna magbabantay sa'yo ngayon." sagot niya.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya at nginitian niya rin ako.

"Ayan. Maganda ka pa rin nman kung nakangiti ka Serra Marie eh."

Napawi ang ngiti ko at nakita to ni Jose kaya tumawa siya.

"Sama mong b-bestfriend jose."

"Pogi naman." sabi niya.

Hindi ko mapigilang hindi tumawa dahil dun.

Mahapdi pa rin yung balat ko pero ngayon kaya ko nang i-tolerate. Mukhang effective ang ointment na ginamit sa'kin. Kaya nakayanan ko nang ngumiti't magsalita na hindi nahihirapan.

Nagkwentuhanat tawanan lang naman kami ni Joseph hanggang sa makabalik si Mommy. Ang swerte ko na sa parents at girlfriends ko, swerte pa ako sa bestfriend ko. Ayung nga lang, malas ako dahil sa nangyari sakin.

Thankyou for reading! :)❌

Flightless BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon