Saturday, 4PM; SAA Dormitory
Hindi ako mka tulog. Maghapon akong hindi lumabas sa silid ko pagkatapos ng nangyari. Ni hindi ko nga nakausap uli si Mia tungkol dun sa nangyari at hindi ko pa nasabihan si Donna kasi busy siya. Buong gabi na rin akong nakahiga't nakatingal sa kisame habang nag-iisip. Hindi kasi ako mapakali sa sinabi ni Monica. Alam kong alam na niya ang tungkol sa pagpunta ni Tita Laureen dito sa room ko. Sabi niya inagaw ko raw yung Mommy niya. Pero paano? Baka umiral naman yung pagka-single minded niya kaya akala niya inagaw ko mommy niya. Pero hindi eh. Parang kinabahan ako. Pero bahala na nga!
Tumayo ako mula sa kama ko at kinuha ang phone ko na nasa loob ng bag ko. Binuksan ko iyon at nakita kong maraming text at missed calls.
Una kong binuksan yung call logs ko at nakita ko ang mga miss call nina Mommy, Donna at Jose.
Tatawagan ko sana si Mommy kaso naalala ko na madaling araw na pala kaya hinayaan ko na lang muna. Mamayang tanghali ko na lang siya tatawagan.
Hinayaan ko na lang ang mga tawag nina Donna at Jose. Sigurado akong nagyaya lang ng hapunan si Donna kaya tumawag at si Jose naman baka walang magawa.
Sunod ko namang binuksan yung mga text messages. Karamihan ay mga GM at may ilang text galing kay Jose at unknown number. Binuksan ko yun.
Joseph: Bestfriend I miss you.
Joseph: San ka? Dinner tayo!
Joseph: Serra Marie! Reply ka na please. Gutom ako. Gusto kong kumain.
Halos ganyan rin ang iba pa niyang mga text kaya hinayaan ko na lang at binuksan ang unknown number.
+63922*******: Hello, goodevening.
Tiningnan ko yung oras at nakita kong nagtext ito habang busy ako sa pagtingin sa kisame. Pinabayaan ko na lang yung nag text at humiga uli sa kama ko.
Ugh. Ba't ganito? Ba't parang poker-emotion ako ngayon? Yung feeling na alam kong dapat malungkot ngayon dahil kay Mia at Kuya niya. O takot dahil sa sinabi ni Monica pero wala eh. Psh.
Tiningnan ko uli yung phone ko. Maglalaro na lang ako ng 2FUSE hanggang sa makatulog ako.
-
Short crappy update, sorry.
Follow me on twitter: @smnthdncadrias
Thankyou for reading! ❌
BINABASA MO ANG
Flightless Bird
Teen Fiction"Life can never be fair" that's what Serraphine Hernandez believes in.