Apat na araw na akong hindi lumalabas ng bahay.
Apat na araw na si Mommy, Daddy at Batsi lang ang kasama ko.
Apat na araw nang hindi ko nakikita o nakakausap si Jose.
Apat na araw na rin akong naghihintay ng text o tawag o Pm o tweet ni Jose. Pero wala.
Ewan ko ba sa asungot na yun kung ba't hindi na nagpakita uli sakin pagkatapos niyang umalis nung byernes. Alam kong galit siya at gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero papaano ko naman gagawin yun kung hindi ko alam ang kasalanan ko?
Hindi rin naman kasi ako lumalabas sa bahay kasi ayaw ni Mommy kasi baka may masamang mangyari uli sakin kaya eto ako ngayon, apat na araw nang nakahiga lang sa kama't nagbabasa ng libro so di kaya'y nanonood ng movies sa laptop ko. Minsan nga nakatunganga lang ako sa phone ko at iyon nga ang ginagawa ko ngayon.
Kainis na Jose. Miss ko na bestfriend ko!
*tok tok tok*
"Sino yan?" tanong ko.
Bumukas ang pintuan ko at nakita ko si Mommy.
"Hi Baby" bati niya.
"Hi Mommy" umayos ako ng pag upo sa kama ko "ano po yun?"
"Wala. Just checking up on my baby" umupo siya sa tabi ko't hinaplos ang buhok ko, "kamusta ka na baby?"
"Okay lang po. Nabobored lang kasi wala akong magawa dito" sagot ko.
"Ganun ba baby? Hmm. Gusto mo na bang bumalik sa SAA?" tanong niya.
Nabigla ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakasagot agad.
"I think it's time for you to go back to school baby." sabi niya ng hindi na ako nakasagot.
"Srsly mommy? Papayag ba diyan si Daddy?" tanong ko.
"I don't know baby. Pero kakausapin ko siya. Intramurals niyo pa lang naman this week so it's still okay for you to stay home. But I think your daddy will have to approve of your going back to school next week. Baka marami kang ma-miss sa mga classes mo" sagot ni mommy.
Agad naman akong napayakap kay Mommy dahil sa sinabi niya.
"Thankyou Mommy!" sabi ko't hinalikan ko siya sa pisngi, "The best Mommy ka talaga! I love you mom!"
Ngumiti siya't niyakap rin ako, "I love you too baby," kumalas siya sa yakap naming dalawa't nagsalita uli, "I'll talk to your daddy right now baby. Magbihis ka na lang kasi pupunta tayo sa mall."
Ngumiti uli ako sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo't umalis na siya sa kwarto ko. Pero naalala ko uli si Christian.
Ugh. Oo, may gusti ako kay Christian pero parang malabong magkagusto siya sakin kasi may Monica na siya. Aish. Tama na nga tong Christian non-sense. Magbibihis na lang ako.
Kumuha ako ng black skinnies at simpleng blue v-neck at sapatos kong black na Converse. Nilugay ko na lang ang buhok ko kasi tinatamad akong magsuklay ng buhok ko. Kinuha ko ang phone at earphones ko bago ako lumabas ng silid ko.
Lumapit ako sa room nila ni Mommy. Nakasara ang pintuan kaya kumatok muna ako.
"Mommy? I'm ready" sabi ko.
Bumukas ang pintuan at nakita ko si Daddy.
"Nagbibihis pa si mommy baby. Sa baba mo na lang siya antayin okay?" sabi ni daddy.
"Okay dad" tumalikod ako sa kanya pero tinawag niya ako uli.
"We'll talk later baby okay?" sabi niya.
BINABASA MO ANG
Flightless Bird
Teen Fiction"Life can never be fair" that's what Serraphine Hernandez believes in.