Chapter 20

5 0 0
                                    

[7 days after, Tuesday, Hernandez residence]

Binuksan ni Mommy ang pinto ng kwarto ko dala ang bag na mga gamiy ko mula sa hospital ang laman. Pumasok siya sa kwarto ko't inilapag sa kama ko ang bag at humarap sakin.

"Eto na baby. Magpahinga ka na okay?" sabi niya sakin.

"Yes Mommy." sagot ko.

Lumapit siya sakin saka niyakap ako, "Welcome home atlast baby." sabi niya, "alis muna si Mommy ha? Bibili lang ako ng pinapabili ng Daddy mo."

Tumango ako at hinalikan niya ang noo ko.

"Bye mommy." sabi ko't kumalas sa yakap niya.

"Bye baby. Rest okay?"

"Yes po Mommy. Ingat ka."

Nginitian niya ako't umalis na siya.

Pumasok ako sa silid ko at humiga sa kama ko. Ugh! Na miss ko tong kama ko dito sa bahay. Di-hamak kasing mas malambot to kesa sa kama ko dun sa dorm at sa hospital.

Kanina lang pala ko na-discharge sa hospital pero kahapon pa tumigil sa pangangati't pagiging mahapdi ng balat ko. Thankyou ointment! Pero syempre dahil dun sa nangyari sakin, napagpasyahan nila ni daddy na dito na ako uli tumira sa bahay. Sa SAA pa rin naman ako mag-aaral pero expected na palagi na akong mali-late nito.

Tumayo ako mula sa kinahihigaan ko at kinuha ang phone ko mula sa bag.

Binuksan ko iyon at nakita kong walang nag-text. Busy kasi ngayon ang buong SAA. Opening ng sportsfest namin kaya maraming events. Sayang nga kasi hindi ako makakapaglaro ng volleyball pero sabi ni coach, okay lang naman daw sa mga teammates ko. Sino ba naman kasi ang may matinong utak na lalaro agad ng volleyball na kakalabas lang ng hospital? Kaya ayun. Si Diannena yungnaging captain at sabi niya, papanalunin raw ng seniors ang lahat ng game para sakin. Sarap nga ng feeling kasi may mga kaibigan ako tulad nila.

Ganun rin sina Donna at Mia sakin. Pinupuntahan nila ako sa hospital at nagpapatulong sakin. Si Donna, tinutulungan kong magreview para sa Brain challenge contest. Si Mia naman, tinutulungan ko sa sayaw niya. Nagpa-practice siya sa harap ko habang pinapanood ang video ng rehersals nila para raw mas ma-memorize niya ang sayaw. Sabi nila gagawin raw nila lahat ng makakaya nila para sakin. Haay. Thank you Lord for giving me my friends.

"Knock knock?"

Agad akong napatingin sa kung saan nanggaling ang boses na yun at nakita ko si Jose na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko.

Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa kanya. Niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko.

"Hi bestfriend. Missed you." bulong niya.

"Miss you your pwet Jose." sabi ko.

Kumalas siya sa yakapan naming dalawa at kinurot ang magkabilang pisngi ko.

"Aray Joshe mashakit!" sabi ko't pinalo ang mga kamay niya.

"Sorry bestfriend. Na miss ko kasing gawin yun sa'yo. Alam mo na. Dahil hindi ko mahawakan balat mo." sabi niya.

"Leche. Ba't ka pala nandito Jose?" tanong ko.

"Kasi unang una, na miss kita. Ikalawa, bored ako. Ikatlo, wala akong pasok at practice. At," may kinuha siya sa kanyang bulsa, "ika-apat, marami akong movie sa usb at mag mo-movie marathon tayo." sabi niya sabay pakita sakin ang penguin na flashdrive niya.

"Bading mo Jose. Penguin ba talaga USB mo?" tukso ko sa kanya.

"Edi huwag na lang tayo mag movie marathon kung may problema ka sa flashdrive ko." sabi niya saka linagay uli ang flashdrive sa bulsa niya.

"Oy joke lang Jose. Kunin mo na lang yung laptop ko sa table at kukuha lang ako ng pakain sa baba." sabi ko.

"Hahahahaha. Okay Sera Marie!" sabi niya't naglakad papunta sa table ko habang ako naman ay naglakad papuntang kusina.

Kumuha ako ng mga pagkain at bumalik agad sa kwarto ko. Nadatnan kong nakahiga na si Jose sa kama ko harap ang laptop.

"Eto na foods jose oh." sabi ko kaya napatingin siya sakin.

"Eto na rin ang movie ho. Hali ka na dito." sabi niya't pinagpag ang pwesto sa tabi niya.

Nilagay ko sa gilid ng laptop ang mga chicheria at humiga sa tabi niya.

"Ano papanoorin natin Jose?" tanong ko sa kanya.

"Ano ba gusto mo?" tanong niya rin sakin.

"Ayun oh!" sabi ko sabay turo sa laptop, "A walk to remember"

Nanood kami ng AWTR at nasa kalagitnaan pa lang kami ng movie ay nakita kong nakatulog na si Jose.

Pinabayaan ko na lang siya't nagpatuloy sa panonood.

Nasa bandang hinalikan na ni Landon si Jamie ng biglang gumalaw si Jose. Kung kanina nakahiga siya sa tiyan niya ngayon nama'y nakatagilid na siya't nakaharap sakin.

Pinause ko ang movie at napatingin uli ako kay Jose.

Nakakainis kasi ang pogi niya't alam kong hinding hindi magkakaroon ng "kami" kasi nga bestfriends kami. Pero minsan naiisip ko kung papaano kung maging kami ni Jose. Pero no, hindi ito pwede.

Tumingin uli ako sa laptop at nakita kong na pause ko pala ito sa kalagitnaan ng kissing scene ni Landon at Jamie. Agad naman akong napatingin uli kay Jose at sa mga labi niya.

Ano kaya ang pakiramdam ng mga labi niya sa labi ko? Palagi naman akong hinahalikan ni Joseph eh. Pero sa noo't pisngi lang naman. Ang pogi talaga ni Jose, masarap ba kaya ang mga labi niya?

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa iniisip ko. Maghunus dili ka Sera Marie! Wag kang magpantasya kay Joseph! Wag. Kadiri!

Bumalik uli ang atensyon ko kay Jose kasi gumalaw uli siya pero pinabayaan ko na lang siya't nanood na lang uli ako ng movie.

Flightless BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon