Chapter 21

5 0 0
                                    

[Friday, 12-ish, KFC]

"Tanginis Sera. Ako na nga tong humingi ng bowl ako pa yung kukuha ng gravy?" inis na sabi ni Jose.

"Wala kang magagawa Jose kasi gusto ko!" sabi ko.

"Ikaw na Sera. Pleeeeeeeease" sabi niya habang nagpu-puppy eyes sakin.

"HAHAHAHAHAHA leche jose. Ang panget mo!" sabi ko sa kanya habang tumatawa.

Patuloy pa rin siya sa puppy eyes niya at patuloy pa rin ako sa pag tawa sa kanya.

"Leche. Ako na nga lang." sabi niya. Kinuha niya ang bowl saka pumunta sa gravy dispenser (an: sorry hindi ko kasi alam ang tawag dun. Hahahaha)

Pagkatapos niyang kumuha ng gravy, bumalik siya agad sa table namin at hinablot ko mula sa kanya ang bowl at binuhos ang gravy sa kanin ko.

"Hoy Sera Marie! Gravy yan hindi yan soup!" utas niya pero tumawa lang ako.

"Bwsit ka Sera. Kung lalaki ka lang sana inupakan na kita. Sabihan mo ba naman akong panget tapos aagawin mo pa yung gravy ko." sabi niya kaya lalo akong tumawa.

"Wow ha. Clown na ba ako ngayon? Kanina ka pa kasi tumatawa eh." inis na sabi ni Jose.

"HAHA" pinunasan ko ang luh mula sa mga mata ko. Sa sobrang tawa ko kasi, naluluha na ako, "sorry Jose. Pero, HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" hindi ko na kasi mapigilan.

"Leche. Aalis ako kung hindi ka pa titigil diyan." sabi niya habang tumatayo.

"Kaya mo ba akong iwan?" tanong ko habang tumatawa pa rin.

Umupo siya uli at napailing "Pucha ka talaga Sera. Pasalamat ka bestfriend kita!" sabi niya kaya tumawa uli ako.

Pagkatapos ng tatlo pang bowl ng gravy, natapos na rin kaming dalawang kumain kaya nagpasya kaming mamasyal muna dito sa mall.

Ngayon lang kasi ako uli nakalabas ng bahay kaya parang sira ulo ako na tumatakbo-takbo sa loob ng mall.

"SERA MARIE! HINATYIN MO KO!" sigaw ni Jose habang hinahabol niya ako.

"HABULIN MO KO!" sigaw ko pabalik sa kanya't tumakbo uli ako.

Kanina pa ako tumatakbo at ngtatago kay Jose. Gawin ba naman namin tong playground ang mall? Wala naman silang magagawa eh.

Nagtatago ko ngayon sa men's section ng department store ng mall. Nagmumukha na nga akong tanga dito kasi kanina pa ako yumuyuko't nagtatago sa mga pantalon.

Dahan dahan akong umatras mula sa kinatatagu-an ko para maghanap ng ibang matataguan ng biglang may dalawang kamay na tumakip sa mga mata ko.

"Jose! Alam kong ikaw yan. Kunin o nga tong mga kamay mo. Dirty nito eh! Nangangamoy CR" tukso ko sa kanya.

"Nangangamoy CR?" sabi ng nagtakip ng mga mata ko.

Bigla naman akong pumiglas mula sa pagtakip niya kasi hindi yung boses ni Jose eh. Agad namang nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko kung sino ang nasa harap ko ngayon.

Inamoy niya ang kamay niya na parang nagtataka ang mukha niya.

"Hindi naman nangangamoy CR kamay ko ah? Amoy chocolate pa nga to eh" sabi niya.

Hindi ako makasagot sa kanya. Natameme ako. Ang pogi niya kasi hanggan ngayon.

"Oh. Ba't ganyan ka mka tingin Ser?" tanong niya.

Agad naman akong natauhan sa sinabi niya. Siguradong nagmukha akong tanga sa harap niya.

"Ah-eh. Hehe. Wala Chris. Hehe" nahihiya kong sabi.

"Ah. Ganun ba? Ba't andito ka pala? Balita ko nasa hospital ka raw. Kailan ka ba nakalabas?" usisa ni Christian sakin.

"Ah. Wala lang. Boring kasi sa bahay. At noong Tuesday pa ako nakalabas. Paano mo pala nalaman?" tanong ko.

"I have my sources" sabi niya't kumindat.

"So-sources?" nauutal kong tanong.

"Yup. Sour—" naputol ang kanyang sinabi dahil nagring ang phone niya.

"Sandali lang Serra ha?" sabi niya sakin sabay sagot sa phone niya.

"Hello... Yes bakit?... Okay papunta na ako diyan." binaba niya ang phone niya't bumaling uli sakin, "Ma una na ako Serra ha? May aasekasuhin lang" sabi niya.

Tumango naman ako. Aalis na rin sana ako pero lumapit siya sakin. Maya't maya, naramdaman ko na lang ang mga labi niya sa noo ko.

Flightless BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon