Chapter 18

8 0 0
                                    

[Tuesday, 8AM; SAA Dormitory]

*tok tok*

Hmnmmn?

*tok tok*

Inangat ko ang ulo ko habang nakapikit pa ako at nagtaas ng kilay. Naghintay ako kung may kakatok uli kasi kung wala babalik ako sa pagtulog.

*tok tok*

"Sino yan?" sigaw ko. Hindi ko pa rin binubuksan mga mata ko. Inaantok pa kasi ako e.

*tok tok*

Minulat ko mga mata ko. Kainis naman tong kumakatok. Hindi sumasagot kung sino siya.

*tok tok tok*

"Sandali lang!" sambit ko sabay bangon. Tumingin muna ako sa salamin at kinuha ko mga muta ko. Tiningnan ko rin kung may laway ako. Wala naman. All clear!

*tok tok*

"Eto na!"

Lumapit ako sa pinto at binuksan ko iyon. Pero p*tang ina sana hindi na lang.

[9 hours later. 5-ish PM, Riverfront Hospital]

"Mahapdi pa ba?" tanong ni Donna sakin.

Tumango lang ako kasi hindi ako makapagsalita kasi nga mahapdi ang mukha ko.

"Teka lang Ser ha. Tatawagin ko lang ang nurse. Babalik agad ako dito." sabi ni Donna at umalis papunta sa nurse station.

Bakit ako nandito? Kasi nang binuksan ko ang pintuan ko kanina may biglang nagtapon ng substance na amoy pintura sakin. Hindi yung pinturang water base kundi yung enamel talaga. Hindi ko na nakita ang nagtapon sakin kasi hindi ako makakita. Nahilo rin ako sa amoy pintura kaya hinimatay ako. Gumising na lang ako sa emergency room at si Donna lang kasama ko.

Sabi naman ni Donna. Walang tao raw kanina sa dorm kasi nasa field lahat ng students para sa cheering practices. Hinanap niya raw ako kaya pumunta siya sa dorm ng hindi niya ako makita. Nakita na lang raw niya ako na nakahiga sa sahig malapit sa pintuan ko, walang malay at punong puno ng ewab ko kung ano yun ang katawan. Dali dali niya agad tinawagan si Mia para papuntahin sa dorm at si Dianne naman para manghingi ng tulong.

Dumating raw si Mia't si Coach N. Binuhat ako ni coach at dinala dito sa hospital kaya ayun andito na ako sa hospital, namumula't mahapdi ang mukha, tenga, leeg, dibdib at braso ko dahil sa pintura. Ang hapdi hapdi ng balat ko. Gusto kong umiyak pero hindi ko kaya kasi ang hapdi ng mukha ko.

May dextrose ring nakatusok sa kaliwang kamay ko at tubula sa ilong ko. Feeling Hazel Grace naman ako nito.

Hindi rin nga alam ng mga doctor kung ano ba talaga ang tinapon sakin pero sabi nila pintura daw yun at may halong chemical na siyang dahilan kung bakit medyo nasunog ang balat ko. Medyo lang kasi namumula lang.

Pumikit na lang ako at akmang matulog pero hindi ko magaw kasi ang dami kong iniisip. Binuksan ko na lang uli yung mata ko't tumingala sa kisame.

"BABY!!" narinig kong may sumigaw kaya napatingin ako sa direksyon kung san nanggaling yun at nakita ko si Mommy at Daddy na naglalakad patungo sakin.

Lumapit si Mommy sakin at umkmang yumakap sakin pero nakita niyang namumula tong balat ko kaya napahinto siya. Tinakpan niya ang bibig niya't humgulgol. "M-my poor baby" paulit-ulit niyang sabi habang sumisinghap. Lumapit si Daddy sa kanya at nakita ko ang mga luhang nahuhulog mula sa mga mata niya ng nakatingin siya sakin. Inakbayan niya si Mommy kay sinubsob ni Mommy ang mukha niya sa dibdib ni Daddy.

Nginitian ko si Daddy kahit masakit at nginitian niya rin ako habang patuloy na dumadaloy ang luha niya.

"Hi Baby" sabi ni Daddy. Hinalikan niya ang isang daliri niya't nilapat niya sa noo ko ang daliring hinalikan niya. "Be strong baby, okay? Mommy and Daddy are here." sabi niyang deretso kahit umiiyak na siya.

"W-who would e-ever want to do this to my b-baby?" sabi ni Mommy sa dibdib ni Daddy.

Hinaplos ni Daddy ang ulo ni Mommy't niyakap ito.

"Shh. Honey stop crying. We want Serra to be strong so we should also be strong." sabi ni Daddy kay Mommy.

Inalis ni Mommy ang dibdib niya kay Daddy't bumaling siya sakin.

"Baby. I will find who did this to you. And I will make them pay for doing this to my baby." sabi ni Mommy habang pinupunasan niya ang mga luha niya.

Napa-iyak ako ng wala sa oras dahil sa kanilang dalawa. Eto kasi ang gusto ko sa pamilya namin, ang mahal na mahal namin ang isa't isa at nagpo-protektahan kami. Galing pa naman kasi silang Manila. Inasikaso nila ang negosyo namin dun at ngayon andito na sila uli sa tabi ko.

Lumapit sakin si Mommy na hawak ang panyo niya. Linapat niya iyon sa gilid ng mukha ko, ang dinaanan ng luha ko, kaya napangiwi ako. Mahapdi kasi talaga tong mukha ko.

Nakita ni Mommy ang pagngiwi ko kaya inalis niya agad ang panyo sa mukha ko. Yumuko siya at humikbi uli.

"Mo-mommy." sabi ko. Kinaya ko ang hapdi para makapagsalita lang.

Inangat niya ang ulo niya at nakita ko ang pagdaloy ng nga luha niya. Napatingin rin ako kay Daddy at umiiyak pa rin siya.

"Daddy's also here for you baby." sabi ni Daddy.

"O-okay na p-po ako ngayon k-kasi a-andito na kayo" sabi ko habang ngumingiwi.

Ngumiti silang dalawa sakin habang umiiyak. Baliw tong nga magulang ko eh. Umiiyak na nga, ngitngiti pa rin. Nagmana talaga ako sa kanila.

Napangiti ako sa iniisip ko pero agad rin akong ngumiwi. P*ta ba't ang hapdi? Hindi ata gumagana tong ointment na nilagay nila kanina sa balat ko.

"Ser - ah."

Napatingin ako sa direksyon ng nagsalita. Si Donna pala.

"Donna. Hello love." bati ni Mommy sa kanya. Ngumiti si Mommy kay Donna't pinahiran ang mga luha niya.

Ngumiti si Donna't lumapit samin. "Ah. Hello po Tita" bumaling siya kay Daddy, "Tito."

"Hello Donna." sabi ni Daddy, "thank you for doing this to my daughter."

"Ah. Hehe. Walang anuman po. Kaibigan ko si Serra eh. Kaya gagawin ko po talaga to para sa kanya." ani Donna.

"And I am thankful for it. Kung hindi dahil sa'yo baka naging malala na ang nangyari sa Baby ko." sabi naman ni Mommy.

"Hehe. Okay lang po talaga Tita." ngumiti siya kay Mommy. "Uhm. Saka po pala Tita, Tito. Sabi ng nurse pwede nang lumipat si Serra sa isang room. Kailangan raw po kayo." dagdag niya.

"Okay. Thankyou Donna." sabi ni Daddy. Bumaling siya sakin at ngumiti, "Mommy and Daddy will be back okay baby? Aasekasuhin lang namin ang room mo." sabi niya.

"We'll be back Baby." sabi ni Mommy sakin saka umalis na sila ni Daddy.

Lumapit si Donna sakin. "Ser. Surviving pa?" tanong niya.

Tumango na lang ako sa kanya.

"Magpahinga ka muna Ser. Andito lang ako." sabi niya.

Tumango uli ako. Ipinikit ko na ang mga mata ko't hinayaan kong makatulog ako.

Thankyou for reading! Kitakits sa susunod na chapter. :)❌

Flightless BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon