Fangirling 06

513 32 0
                                    

Online 'yung Crush kong kamukha ni Jungkook! Anong gagawin ko?

Hayaan mo siyang mauna  makipag chat sayo, Jessica. Wait ka lang. Wag kang malandi, Jessica.

Hello? :) - Xander.

Thet.NAG CHAT SIYA SAKIIINNN! SOMEONE HELP ME PLEASE! Liligawan niya na ba ako!? Oh plers.

"Yes? :)"

Pwede manligaw? - Xander.

Pero syempre, Joke lang 'yan. Imagination ko lang 'yan.

"Pwede pakopya assignment? :)" - Xander.

*insert tunog ng nabasag na salamin XD*

NILOLOKO NIYA BA AKO?! Pero baka 'yan 'yung first step niya para mapalapit sakin? Arasso!

"Okay. Kunin mo nalang sa akin ha!"

------------

Break namin ngayon.

"Bestie! Nakapag register ka na sa EXO-L?!" sabi ni Nicole.

EXO-L? Ano yun? EXO-Luhan? EXO-Lay?

"Ano 'yun? Register para saan?" tanong ko sa kanya.

"EXO-L stands for EXO-Love. Official Fandom Name! Ano ba bestie?! BAKIT DI MO ALAM 'YUN? " bakit nga ba?

"Ewan ko? Bakit? Ano meron dun?" hindi ko talaga alam yun.

"NAKO BESTIE! SOBRANG NAKAKAINIS 'YUN!" halatang inis na inis siya.

"Ba---"

"ALAM MO BANG HALOS RAPE-IN KO NA 'YUNG REFRESH BUTTON! SABAY ANG DAMING NALABAS NA KUNG ANO ANO! MGA RUNTIME ERROR! SERVICE UNAVAILABLE! SABAY NGAYON SERVICE TRAFFIC! AAAHHHH!" habang hinahampas ako. Aray </3 Sakit.

"O----"

"TAPOS YUNG LETTER CHUCHU! KAHAPON PA 'YUN! HANGGANG NGAYON WALA PARIN! ANO?! MABILIS KO PA I-SOLVE YUNG MATH PROBLEM KAYSA DUMATING YUNG LETTER NA 'YAN?" Letter? Yung Authentication Letter? Ayaw niya sabihin, baka ipa-spell ko eh.

"Weh? Maniniwala na sana ako eh! Yung Math Problem part ang hindi kapani paniwala."

"Yaan mo na. 'to naman. KJ." sabi ni Nicole sabay irap.

"AY! TINGNAN MO 'TO! ETO YUNG PARANG INTERVIEW NG EXO TUNGKOL SA EXO-L" sabi ni Nicole sabay pinakita sakin yung Video.

"PATINGIN?! OMONA! CHANYEOL! WAG KANG NGUMITI NG GANYAN! PLITH." habang pinapanuod ko 'yung Interview.

"Bestie." narinig kong bulong ni Nicole.

"BESTIE! AKIN SI CHANYEOL DIBA?! AKIN SIYA DIBA! SAGUTIN MO ....." napatigil ako sa pagsasalita.

Si Xander. Nasa Harap ko.

"HAHAHAHAHA MUKHANG TANGA!" pinagtatawanan ako ng tropa niya.

Sumingit si Xander sa pagitan ng mga tropa niya.

"Tama na mga pre. Ahmm. Je----"

"Sayang. Maganda ka pa naman Jessica, Loka loka ka lang." singit ng tropa niya.

HUWAG NGA KAYONG MAINGAY! HINDI MATULOY 'YUNG SINASABI NI XANDER MAH LABS! Maka Loka loka 'tong mga 'to. Kala mo mga pogi. Gising, huy! Papangit niyo.

"Jessica." sabay papalapit 'yung mukha niya sakin.

Papalapit siya sakin nang papalapit ...

D_________O

"Yung assignment" bulong niya sakin sabay ngiti.

Yung ngiting 'yan. ETO NA ASSIGNMENT KO! PATI PROJECT! UTANG NA LOOB ?! MAY KAILANGAN PA BA SIYA! Jongina.

"A-ah. S-sige." thet. Bakit ganto? NO! Pahalata ako masyado!

"Sige mamaya nalang. Sa room, ha." bulong niya sa akin sabay ngiti ulit. Thet. Palpitation. I kennat </3

Opo, kaklase ko siya. Sadyang tamad lang siya kaya laging cutting.

------------

Nandito ako sa Room, tulala. Wala pa kaming professor sa ngayon. Wala akong makausap.Si Nicole kasi nag sspazz sa phone ko.

Inikot ko muna 'yung paningin ko sa mga kaklase ko. Yung iba, ayun. Naggagawa ng kodigo. Meron pang nagsasabunutan, pero nagtatawanan. Meron namang naglalandian. Meron ding nag paplastikan. Merong masipag na nag aaral talaga ng mabuti. Unlike dun sa mga naggagawa ng Kodigo. Merong nag fafangirl sa One Direction. Higit sa lahat, ang Bestfriend kong nag fafangirl sa EXO.

"Pssssst!" napatingin ako sa likod ko.

"AY MALAKI GUMS NI KRIS!" juthko. Si Xander. Oh. Jebal.

"Kris?" tanong niya sakin.

"A-ah. W-wala! Bakit?"

"Yung assignment." aish. Oo nga pala.

Binigay ko sa kanya yung Notebook ko, at kinuha niya naman kaagad yun.

Pagkatapos niyang makakopya, binalik niya na sa akin, "Salamat!" sabay labas agad ng Room.

Hay nako. Ang bilis naman? Ang tanga kasi ni Assignment, napaka easy to get. Hmp.

Makapag CR na ngalang muna. Di na muna ako magpapasama kay Nicole, nag fafangirl pa kay LUHAN eh.

Habang nag lalakad ako, may nakita akong nag lalandian sa Corridor malapit sa CR. Peste, nakaharang pa sa daanan.

"Excuse me?" dadaan ako sa gitna nila. Aba, may karapatan ako! Nag lalandian kaya sila sa daanan!

"Oh. Sorry." narinig ko yung boses nung lalaki. Pamilyar sakin 'yung boses.

Kaya agad akong napatingin dun sa nagsalita. XANDER?

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon