Fangirling 12

400 32 0
                                    

"Xander, si Britney oh."

Napalingon naman agad si Xander kay Britney.

Kumaway ng pangmalandi si Britney.

"Ano na naman bang ginagawa niyan dito?!" inis na sabi ni Xander sa sarili.

Lumapit si Britney sa table namin.

"Can I join?"

"NO." giit ni Luis.

"You can't" dugtong ni Xander.

"You just can't." dugtong ko pa.

"Thanks!" umupo si Britney sa tabi ni Xander.

Kapal ng mukha nitong babaeng 'to.

"So, why are you here?" wow. Scripted ba 'to? O baka sinaulo na niya para kunware fluent.

" Isn't it obvious? We came here to eat." Luis.

Pinagpapawisan na si Britney! Ano ka ngayon? Para 'yun lang hindi niya pa maintindihan? Pahalata masyado.

"Oh! Ayan na pala 'yung order niyo!" saktong dumating 'yung order namin.

Ngayon ko lang napansin, ganito ba kami kapatay gutom? Halos mapuno na namin 'yung mesa na usually pang 6 na tao. Libre 'to ni Luis kaya sulitin na tooooo!

Kumain agad ako.

"Yuck? Do you really have manners?" maarteng singit ni Britney.

Napatigil agad ako sa pagkain. Sinipa ako ni Luis. Napansin kong nakabukaka pala ako. Thet. Nakakahiya. Umayos ako ng upo.

"Yes, I do. Compared to you, I really do." dahan dahan akong kumain. Pusanggala naman 'to si Britney. Minsan na ngalang may manlibre, hindi ko pa masusulit.

* XOXO ~ XOXO ~ XOXO ~ XOXO ~ Yeah.*

Bestie Nicole Calling ....

Accept Decline

"Sagutin ko lang ha." sabay inirapan ko si Britney. Kapal ng mukhang kumain, oh.

-Oh? Bestie, bakit ka napatawag?-

-Ang Manly ni Luhan sa Black Hair.

-tooooot .... tooot ....- (binaba na yung phone. Poor ng Effects. XD)

Ang creepy ni Nicole.

Bumalik na ako sa Mesa. Pagbalik ko, ubos na 'yung pagkain.

"Sinong umubos ng pagkain?" mangiyak ngiyak na sabi ko. Napatingin lang sila sakin.

"Sinooooo? *walling* Sinooo? Bakit kailangan niyong magtaksil sakin? *walling*"

Lumapit sakin si Britney nang naiyak.

"Sorry Jessica .... Hindi ko sinasadyang maubos ang pagkain. Sorry! Patawarin mo ako!" biglang humagulgol ng iyak si Britney.

Napatayo agad ako sa pagkaka walling ko para malayo ako kay Britney. Nakakadiri, tulo uhog.

Binayaran na ni Luis yung pinagkainan namin, actually pinagkainan ni Britney The Purita Girl.

"Anong oras na ba?" tanong ni Xander.

Tiningnan ko sa cellphone ko kung anong oras na. 6 na pala.

D____________O Hindi pala ako makakabili ng Merchs! Walang binigay si Mama na pera sabay gabi na. :(

"Ano? bibili ka pa ba?" tanong ni Xander.

"Eh gabi na?"

"Edi bukas nalang. Samahan nalang kita." sabi ni Xander.

"Ako nalang sasama sayo, mas safe ka sa akin."

"Ang yabang mo ha? Pandak naman" parang sinukat sukat pa ni Xander yung height ni Jimin.

"Tara na Jessica, kunin na natin 'yung mga pinamili natin." mukhang nahurt si Luis ah! Ang sama talaga nito ni Xander.

Kinuha na namin 'yung mga pinamili namin at namasahe na pauwi. Nag bus ulit kami.

*************

"MAMA ANDITO NA PO KAMIIIIIIII!"

"ANAK! ANG TANGA TANGA MO TALAGA! BAKIT DI MO PINAALALA SAKIN YUNG PERA?! HUWAG MO SABIHING NAGNAKAW KAYO!" bungad ni Mama samin. Ang galing no? Biri tatsing.

"BINAYARAN PO YAN NI LUIS!" sigaw ko.

"BAKIT BA KAYO NAGSISIGAWAAAANNNNN!?" sigaw ni Luis.

"po." singit pa ni Luis. Napakagalang niya, talagang idinugtong pa yung 'po'.

"Bakit nga ba?" tanong ni Mama.

Nagkibit balikat na lang ako.

"Ay teka, eto Luis 'yung bayad. Salamat iho ha! Sige, bahala na kayo diyan, aayusin ko na yung mga pinamili niyo." dumeretso nang kusina si Mama.

"Ah. Jessica. Pwede ba kitang makausap? Yung tayo lang?" bulong ni Xander.

"Luis! Maguusap daw kami saglit ni Xander! Yung kaming dalawa lang daw."

Sumama 'yung tingin ni Luis kay Xander, "Siguraduhin mong saglit lang!"

"Binulong ko pa 'no? Tara dun sa Garden niyo!" sabay hila sakin ni Xander.

"Oh? Anong sasabihin mo?"

Napatingin saglit si Xander sakin.

"A- ah. Jessica! Alam kong wala akong karapatang sabihin sayo 'to.Okay lang kahit ayaw mo! Okay lang talaga sakin! Pero .... pwede bang ....." dere deretso niyang litanya habang nakayuko.

Napakunot nalang ako ng noo. Inilapit niya yung mukha niya sa tenga ko na para bang may ibubulong.

"Man----"

"MANLIGAW?! Hinde!" pagputol ko sa sasabihin niya.

"Aray!" kalalaking tao nitong si Xander, nambabatok ng babae!

"HINDI AKO MANLILIGAW! Mangungutang lang sana ako ng pamasahe pauwi!" napayuko naman si Xander.

"Juthko naman! Nahiya ka pa mangutang ha! Oh ayan, bente." hmp. Nauna na akong pumasok sa loob.

----------

[A/N:] Lammmmeeesssstttt, Shoooorteeeestttt Update. Gusto ko po sana isingit ang BTS dito. XD

Luis at the Multimedia. XD Asawa ko po! Aheee XD

ImUnnieDo

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon