Fangirling 23

444 31 2
                                    

JESSICA'S POV

Alam na nila Mama at Papa na magiging maid ako sa EXO. Okay lang naman daw sakanila dahil 1month lang 'yun, para naman daw yun sa ikalilinis ng pangalan ko.

Taray diba? Para lang akong may ginawang krimen.

Sayang nga lang, kasi natanggap ako sa Audition. Sana maayos na 'yung pangalan ko bago ako maging trainee.

Sabi nila Mama at Papa, saka ko na daw isipin ang pagiging artist ko.

*kring..... kringggg...*

Ay. Bwiset naman, kitang nagkukwento eh.

Tiningnan ko kung sino 'yung tumawag. Ah yung manager pala ng EXO.

-Hello po?-

"Jessica. So ano? payag ka na ba? Dahil ikakalat na ng staffs na maid ka nila."

-Opo. Kailan po ba ako magsisimula?-

"If possible, bukas na."

BWO?!

-O-okay po.-

"So, ipapasundo nalang kita diyan bukas. Sige. Bye." ibinaba na niya.

BUKAS AGAD?

Pero bakit ang lungkot ko? DUH?! DINAIG KO PA NGA YUNG LUCKY FANS EH.

MAID NILA AKO! KYAAAAA~~

UTANG NA LOOB! KAHIT WALANG SWELDO.. SAPAT NA!

Lumabas ako ng kwarto ko at hinanap sila Mama at Papa. Nakita ko sila sa sala kaya pinuntahan ko sila.

"Papa.Mama. Bukas na daw po ako magsisimula sa pagiging maid." sabi ko sa kanila at naupo sa harap nila.

"Oh... Sige. Mag ingat ka dun ah." sabi ni Papa.

"Gusto mo ba magpadala din ako ng Yaya dun para hindi ka na mahirapan maglinis dun?"

-________-

"Huwag na Mama! Ako nang bahala, kaya ko na po 'to." sabi ko.

"Oh.Sige. Tawagan mo kami kapag may masamang nangyayari sayo ha!"

"Opo! Sige po!" sabi ko at umakyat uli sa kwarto ko.

*VIBRATES...*

Nagtext ang Manager ng EXO

"6am palang susunduin ka na namin kaya dapat nagpaalam ka na sa magulang mo ah."

Jongina mo. Hindi ko pinangarap maging maid. Pero KUNG MAID NG EXO. ABA. Chochoosy pa ba? huehue.

----------------
[NEXT MORNING. 6am. JESSICA'S POV]

Hinihintay ko nalang yung sinasabi nung manager na mag hahatid sakin.

"Jessica, andiyan na daw po yung sundo niyo.Magpakita muna daw po kayo sa Mama at Papa niyo." rinig kong sabi ng maid mula sa labas.

"SIGE PO!" sigaw ko.

Lumabas na ako dala dala ang mga maleta ko, 1 month din ako dun no!

Pinuntahan ko muna sila Mama at Papa pati na si Drake sa sala.

"ANAK! MAMIMISS KA TALAGA NAMIN!" sigaw ni Mama at niyakap ako. Niyakap din ako ni Papa.

"MAMA! ISANG BUWAN LANG AKO DUN!" sabi ko.

"ATE! HUWAG KANG MAGPAPABUNTIS SA EXO HA!" sigaw pa ni Drake.

"DRAKE! HINDI AKO GANUN NO! MUKHA NETO. Sige na po. Naghihintay na yung Driver sa labas. Babyee poooo! Tatawag naman po ako tuwing gabi! Annyeong~" lumabas na ako ng bahay namin at pumasok na sa kotse.

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon