Fangirling 13

426 31 3
                                    

"Mama .... Ate ....." singit ni Drake habang nanunuod kami ng Movie.

Napatingin kami ni Mama kay Drake na nakayuko.

"Na .... Naka ..." kinakabahang tono ni Drake.

"Naka?! DERETSUHIN MO NA! Punyemas ka namang bata ka!"

"Nakabuntis po ako!"

"Ano kamo anak?" parang hindi makapaniwalang sabi ni Mama.

Nagsisimula ng umiyak si Mama.

"Joke lang Ma. Bagsak lang ako. Okay lang naman 'no ma?"

"JUTHKO JUGIGO! Akala ko may responsibilidad ka na!" unti unting piningot sa tenga ni Mama si Drake, "Pero hindi mo ako madadala sa mga the moves mo ha. WALA KANG BAON NG ISANG LINGGO."

Nanlaki 'yung mata ni Drake. Kailangan ng rescue ng ate.

"Mama? Bakit ako hindi niyo tinanggalan ng baon? May asawa na ako ma! May anak na din kami ni Chanyeol!"

"Chanyurr mo mukha mo! Urur! Sige, gusto mo 'yan ha? Wala ka na ding baon ng isang linggo."

Wala naman akong kasalanan diba? Kasalanan ko bang ilantad ko ang katotohanan? Ajujuju. T^T

"Mama naman, hindi na mabiro."

"Hindi talaga. Lakad! Matulog na kayo! May pasok pa kayo bukas eh."

***********

"Jessica! Eto na 'yung utang kong bente." sabi sakin ni Xander pagkapasok na pagkapasok ko sa Room.

Tinasaan ko siya ng Kilay.

"Oh?" napakunot ng noo si Xander.

"Bente lang? Gising,huy! Di na uso walang tubo! 50 na dapat yan" I said with Sarcasm.

"Bestie! Oh." mukhang nagulat siya na kausap ko si Xander.

"Tanggapin mo na kasi 'tong bente!" naiinis na sabi ni Xander.

"Sige na nga!" kinuha ko na 'yung bente. Sayang rin to no!

Umupo na ulit si Xander sa upuan niya. Mukhang nahiya siya kay Nicole, kasi war kami diba. Sabay makikita nalang ni Nicole, may utang sakin si Xander.

"Anyare?" Nicole.

"Basta! Nagkabati lang kami dahil sa katangahan ni Xander." nilagay ko na 'yung bag ko sa upuan.

Hinanap ko si Luis. Bakit wala pa siya?

*Bzzzzt ... Bzzzzt ...* [nagvivibrate na cellphone. Lol.]

From: Luis

Jessica. Aabsent ako ngayon, may aayusin lang na papeles. Sabihin mo kaagad sakin kapag may ginagawa sayo si Xander!

Paano na 'yun? Walang sasama sakin mamili ng Merch. Hindi kasi pinapayagan ng Nanay si Nicole. Strict ba. Ayoko nga kasama mag isa si Xander! Baka ipasagasa nalang ako bigla niyan.

"Hoy Jessica!" biglang tumabi sakin si Xander. Napapagitnaan ako nila Nicole.

"Oh?"

"Mage-SM tayo mamaya diba?"

Napatingin ako kay Nicole.

"Ano? Alangan namang sumama pa ako sa inyo! Alam mo namang hindi ako papayagan!" badtrip na sabi niya sakin. Naiinis kasi siya, hindi talaga siya pinapagala ng nanay niya.

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon