Fangirling 01

1.1K 52 14
                                    

"Ano ba? Chanyeol! Nakikiliti ako!" habang lokaloka akong tawa ng tawa dito sa kama ko.

"Tigilan mo na pleaaasee! HAHAHAHA!" mangamatay na ako kakatawa dito kakakiliti ni Chanyeol.

"Ehem." nakatayo yung kapatid ko at si Mama sa may pinto na nakafacepalm.

"Anak. Mukha ka na namang tanga diyan. Idikit mo na nga ulit 'yang poster mo! Kakain na." sabay alis ni Mama. Hmp. Istorbo naman. Naglalandian pa kami ni Chanyeol eh.

"Ate." hindi pa ako nalingon kasi nilalagyan ko pa ng tape yung poster.

"Ate." lumingon na ako.

"SHABU PA!" sigaw ng kapatid kong lalaki sabay takbo.Ihahagis ko sana yung gamit na nasa tabi ko. Kaso .... Wag nalang. Album 'yun eh. Hirap kaya ipunin 'yon.

"Ewan ko sayo! Pangit mo!" sigaw ko nalang sa kanya.

"Hmp. Kainis. Mga istorbo! Sa susunod nalang ulit Oppa." sinasabi ko sa isip ko habang dinidikit ko ulit yung poster ni Chanyeol.

Kasalanan ko bang nahulog yung poster sa akin! Pisti. Lumabas na ako ng kwarto ko para kumain.

Habang kumakain ako ....

"Ate. Habang buhay ka nalang ba mag fafangirl diyan sa EXO na 'yan?" tanong ng kapatid ko na si Drake.

"Hinde! Dahil magiging asawa ko ang isa sa mga EXO balang araw. Dahil mahal ko silang lahat, pwede ding silang lahat nalang. Tandaan mo yan!" habang tinuturo turo ko pa sa kanya yung tinidor.

"Mukha mo ate." napaka kontrabida nitong si Drake. Kainis. Ipakilala ko kaya sa kanya sila Yoona? O kaya Krystal?

"Maganda naman si Jessica ha?" sabi ni Yaya na kumakain ren.

"Yis naman! Salamat Yaya!" sabay hug sa kanya.

"Push mo lang 'yan. Malay mo nga?Talented ka naman." si Yaya lang talaga ang kakampi ko pagdating sa Kpop.

"Maganda nga miya mo naman baliw! Nakikipagkilitian sa poster. Hahahaha!" si mama tapos nakitawa din si Drake. Ayos na sana eh. Hmp!

"Kapag talaga ako nakapunta po sa Korea! Nakoooooo! Wala lang. Tapos na ako!" tapos na ako kumain! Inaapi nila ako. Tapos na naman kaming lahat eh.Umalis na ako dun at bumalik na sa kwarto ko.

Opo! Weekend po. Walang assignments at test. Lamnadis.

"Hoy ate! Mamaya ka na mag youtube! Nag dodota pa ako! Naglalag ako!" sigaw ni Drake galing kabilang kwarto.

Hays. Hindi ako makapagspazz dahil sa Dota na 'yan eh! Palagi nalang! Wala eh. Baliktad eh. Mas nasusunod si Drake kaysa sakin!

Makapag facebook nalang. Baka may Update sa EXO. Minsan, nakakalungkot lang maging International Fan. Umaasa lang sa mga Fan Updates. Hanggang Pictures nalang ni Bias.

Habang nag mumuni muni ako dito, naalala ko yung issue ni Kris. Nung nabasa ko 'yun dati. Muntik na akong tumalon sa Second floor namin. Kaso wala nga pala kaming Second Floor. Kaya tiniis ko nalang :( Tiningnan ko lahat ng pwedeng maging source kung Legit ba 'yun. Kaso totoo nga.

Bawat mapapanood kong Interviews na hindi kasama si Kris. It kills me, bigtime.

Throwback pa more! Hmp! Basta! Kahit anong mangyari, susuportahan ko parin si Kris. Hindi pa siya aalis! Fighting! Aja!

Pinuntahan ko si Drake sa kwarto niya. Dun ako manggugulo.

"Na eureureong eureureong eureureong dae ~ Na -----" habang pahiga sa kama ni Drake.

"Ate. Utang na loob oh. Itigil mo nga pagkanta niyan! Di bale kung naiintindihan ko eh!" habang nanlilisik yung mata ni Drake.

Nakipag titigan ako kay Drake habang nanlilisik rin yung mata ko.

"Kung pinag youyoutube mo ako, edi nanahimik ako!" habang nanlilisik parin yung mata ko.

"Ayaw." tapos nagdota ulit siya.

"Okay. Nan neoreul masbogo neoreul masinda! On Momi teollyeowa gyesok -----"

"ETO NA! AYAN NA! MAG YOUTUBE KA NA! UMALIS KA DITO!" habang tinutulak tulak pa ako palabas ng kwarto niya.

HAHAHAHA! Yes! Dumeretso na ako ng kwarto ko at nag spazz.Umupo na ako sa harap ng bestfriend kong si Laptop

Nanuod ako ng SBS The Show. Kyeopta! Yung pagkakasabi ni Baek ng Andwae. Nagpigil ako ng irit, baka magbago ang isip ni Drake. Kaya eto ako, pulado kakapigil.

Nagsimula na 'yung Overdose.

"KYAAAAAHHHH! BAEK! DONT DO THIS TO ME! KYAAAAAAAHHHHHHHHHH! THIS IS BRUTAL! KAJIMAAAA! KYAAAAAHHHHH HIPTHRUST! OMONA! OMOOONAAAA!" habang tinatakpan ko pa yung mata ko, feeling innocent. Haha!

"JESSICA?! ANONG NANGYAYARI SAYO!?" biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Mamang hingal na hingal.

Pinause ko muna yung pinapanood ko.Tiningnan ko lang si Mama with a confused look.

"Ano ka ba namang bata ka?! Akala ko kung anong nangyayari sayo!" habang pinupunasan ni Mama 'yung pawis niya.

"Hays. Dapat siguro ipa soundproof ko na 'tong kwarto na 'to." bulong ni Mama habang paalis sa kwarto ko.

Soundproof? Sounds interesting. Yung kahit magsisigaw sigaw ako dito ayos lang! Mahiling nga kay Mama 'yun. Sinara ko ulit yung pinto para hindi masyadong malakas yung sigaw ko.

Play ulit. (Chanyeol's Rap Part)

"OMONA! KYAAAAAHHHHHHH! I SERIOUSLY NEED EXTRA OVARIEEEEEESSSSSS! KYAAAAHHHHH!" habang nalundag lundag pa sa harap ng Laptop.

*You don't have Internet Connection. Please try again later."

O.O

"DRAAAAAAAAAAAKKKKKKEEEEEEEEEEEEEEE!"

Huwag niya akong niloloko kapag part na ni Chanyeol! Pinatay niya na naman yung Internet! Jjajeungna! >:(

Pinuntahan ko siya sa Kwarto niya. Wala siya 'dun.

"ANG INGAY INGAY MO KASE!" narinig kong may sumigaw sa Banyo. Diyan na naman siya nagtago!

"Humanda ka sakin mamaya!" pumunta akong kwarto niya sabay binuksan ko ulit 'yung Internet.

---------
Jjajeungna- Irritating/Annoying

'yan kasi yung nararanasan ko ngayon. Haha! Kaya nainspire ako isulat! :)) Vote lang po kung itutuloy ko pa. XD

사랑해 칭굿 ~

ImUnnieDo

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon