Fangirling 10

446 32 0
                                    

1 Text Message Recieved.

From: Bestie Nicole <3

Huy! Mag ingat kayo! Nasa labas kasi sila Xander. Mukhang may laban,eh. Baka madamay kayo.

Pinabasa ko 'yan kay Luis.

"Teka, dito ka muna. Huwag na huwag kang aalis diyan hanggang hindi kita binabalikan." napa tango nalang ako. Shaks talaga si Jimin.

5 minutes passed ...

10 minutes passed ....

15 minutes passed ....

Babalik pa ba si Luis? Natatae na ako dito eh.

"Sorry! *hingal* Napatagal ako masyado! *hingal* Sorry *hingal* talaga!" biglang sulpot ni Luis. Teka? Bakit parang nagka pasa pasa siya?

"Anong ginawa mo? Bakit nagkapasa ka diyan sa mukha mo!?" pag aalala ko.

"Wala 'to. Tara, uwi na tayo." hinila na niya ako.

Hmmmmm. Ano kayang nangyari kay Luis? Author-nim! Anong nangyari kay Luis? [Hindi ko din alam,Jessica!]

Paglabas namin mismo ng School. Nakita ko sila Xander na nakahandusay dun. Bugbog sarado.

"Oh? Anong nangyari sa mga 'yan?" tanong ko kay Luis.

Nagkibit balikat na lang si Luis.

"Jessica! Tulungan mo ako!" napalingon ako dahil tinawag ako ni Xander na bugbog sarado.

Teka, bugbog sarado din si Luis. Hindi naman ako tanga na hindi ko mahahalata 'yun.

Tutulungan ko ba? Wag nalang kaya?

"Luis! Tutulungan ko ba o hindi?"

"Wag na. Sila naman nagsimula eh."

Tulungan ko na nga. Nakakaawa naman eh. Baka mamatay pa 'yan, konsensya ko pa!

Nilapitan ko si Xander at tinulungan ko siyang makatayo.

"Teka, saan ba kita dadalhin?" tanong ko kay Xander. Kamukhang kamukha niya si Jungkook lalo na kapag malapitan! Hay nako!

"Alam mo ba bahay namin?" nanghihinang tanong ni Xander.

"Hindi."

"Hindi naman pala eh. Edi sa bahay niyo muna. Tanga lang?" pilosopong sabi niya.

"Aray! Bakeet?" binitawan ko nga siya. Ang yabang yabang, siya na ngang tinutulungan.

"Jessica. Sana sinabi mo agad na tutulungan mo siya. Para hindi ko binugbog ng tuluyan, mahihirapan ka pa tuloy." sabi ni Luis sakin.

"Malay ko bang nakikipag bugbugan ka dito! Pinatigil mo lang kaya ako dun." habang tinutulungan makatayo si Xander.

"Tsk. Ako na nga!" inagaw niya na sakin si Xander, "Dahan Dahan, pre." sabi ni Xander.

Nagjeep nalang kami papunta samin. Alangan namang paglakadin namin 'tong si Xander. Nakakaawa naman. Iniwan na nga pala namin 'yung mga kasama niya dun.

"ANAK! ISA KA NANG MALANDI?! DALA DALAWANG LALAKI NA 'YUNG DALA MO! HINDI KITA PINALAKI NG GANYAN! HINAYAAN NA KITA KAY CHANYUR!" sigaw ni Mama pagpasok namin nila Luis at Xander sa bahay.

"Mama naman eh! May kasama lang, malandi na?! Eto kase si Luis po! Nakipagbugbugan dito kay Xander, ang yabang yabang kasi nitong si Xander! Eh, engot engot ni Xander. Di naman kaya Abs ni Luis. Ayun, tinulungan tuloy namin." pagpaliwanag ko kay Mama.

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon