Fangirling 35

397 32 1
                                    

JESSICA'S POV.

"Oppa..." naspeechless ako sa sinabi ni Baekhyun.

"Shhhh. Okay lang kahit hindi mo sagutin.Hindi kita pinipilit." sabi niya.

Napaiyak ako, ewan ko kung bakit. Yung luha ko feeling regla huhuhu. 0

Kumalas na siya sa pagyakap sakin.

"Bakit ka ba naiyak, gaga ka?" sabi niya saka pinunasan 'yung luha ko ng panyo niya.

"Alam ko na kung bakit ka naiyak." dugtong niya.

" Yung kwintas na bigay ni V? Bakit hindi mo suot?" tanong niya kaagad sakin.

Napakapa agad ako sa leeg ko, "HALA! OO NGA?" napasigaw ako at agad nag hanap hanap sa paligid ng garden.

"Hala. Baka magalit si V." bulong ko habang hinahanap sa damo 'yung kwintas.

"Magpahinga ka na doon. Ako nang maghahanap." narinig kong sabi niya.

"Hindi na. Tulungan mo nalang akong maghanap." sabi ko habang hindi parin nakatingin sa kanya.

"Ako na nga sabi. Isang angal mo pa, sasampalin kita." napatingin ako sa baklang 'to.

"Sampalan pa tayo." paghamon ko.

"Joke lang. Dali na, ako na kasing bahala." hinihila niya pa 'yung braso ko.

"Mahirap 'yun hanapin kapag magisa ka lang." sabi ko.

"Pumasok ka na kasi, ako na ngang bahala eh." sabi niya.

"Sure ka ba diyan?" tanong ko sakanya.

Tumango nalang siya. Tumango nalang din ako saka pumasok, mahirap makipaglaban kay Baek.

"Oh Drake? Bakit andiyan ka pa?" tanong ko kay Drake na nasa Second floor.

"TABI TAYO MATUTULOG DIBA?" sigaw niya.

Umakyat ako saka inakbayan si Drake, "Namiss mo ko 'no?"

"Ate naman eh! Nakakadiri ka pakinggan." sabi ni Drake saka niya ako inirapan.

Pumasok na kami ng kwarto niya, "Ano ate? Hindi ka maliligo? Tatabi ka sakin ng hindi ka pa naliligo? Ate wag ganun, kakadiri ka naman eh." sabi niya saka tinulak ako palabas ng kwarto niya.

Ang arte arte na ni Drake huhu.

Pumasok ako ng kwarto ko saka kumuha ng towel at dumeretso na sa CR para maligo.

"Ate! Sa kwarto nila Mama ka dumeretso! Dun tayo matutulog ha!" sigaw ni Drake galing sa labas ng CR.

"OKAY! MATATAPOS NA AKO!" sigaw ko pabalik.

Nang matapos akong maligo at magbihis, lumabas na ako ng kwarto saka pumasok sa kwarto nila Mama. Naabutan ko silang natutulog na.

"Ano ba 'yan? Hindi man lang ako hinintay." bulong ko sa sarili saka nahiga sa kama nila.

Hays. Ang ingay sa labas kasi naulan.

O.O NAULAN?!

Napatayo kaagad ako saka bumaba.

"HOY BAEKHYUN! ANO PANG GINAGAWA MO DIYAN?!" sigaw ko sakanya.

"HINAHANAP YUNG *cough* KWINTAS MO!" sigaw niya.

Kumuha agad ako ng payong at lumabas para payungan si Baek.

"Baekhyun naman ang tanga-tanga naman eh." sabi ko sabay hila sa kanya papasok.

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon