Fangirling 39

389 27 15
                                    

BAEKHYUN'S POV.

"OH?! BAEKHYUN? ANONG NANGYARI SAYO?" nag aalalang tanong sakin ni Hyojin nang makita niya ako.

"Hyojin.... Hindi ko na alam 'yung gagawin ko." sabi ko.

"Teka maupo ka muna diyan, gagamutin ko muna 'yang sugat mo." sabi niya sabay kumuha ng first aid kit saka ginamot ako.

Pagkagamot niya, "So, kamusta naman 'yung pag uusap niyo?" tanong niya sakin.

"Wala." sagot ko.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Anong wala?"

"Wala as in wala. Ayaw niya akong kausapin. Ayaw na niya.. Si V, aagawin siya sakin." napayuko ako.

Tinapik ni Hyojin 'yung likod ko, "Magpapatalo ka ba? Kung magpapatalo ka, hindi ikaw si Baekhyun."

"Ayoko na. Ayaw na naman sakin ni Jessica. Ah. Ayaw niya naman talaga sakin, ako lang 'tong lapit ng lapit." giit ko.

"Sure ka bang ayaw niya sayo?" tanong niya.

Napatingin ako sa kanya, "Tinatanong pa ba 'yan?"

"Kapag ba nakita mong sinagot ni Jessica si V,magseselos ka?"

"Oo naman. Mga tanong mo naman eh."

"Sa tingin mo, bakit ka magseselos?" tanong ko sa kanya.

"Syempre, kasi.... mahal ko." sagot ko.

"Exactly, 'yun yung gusto kong gawin mo. Ang pagselosin siya, try lang naman,para lang malaman mo."

"Ayoko, ayokong malaman kung ayaw niya sakin." sabi ko at tatayo na sana pero nakita ko si Jessica na kakapasok palang.

"BAEKHYUN! THANKYOU TALAGA!" sigaw ni Hyojin.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Please huwag. Akala ko ba ako ang gagawa? Bakit siya 'yung gumawa ng first move.

Tumingin ako kay Jessica na dere deretso lang sa may water dispenser.

Hinila ko si Hyojin palabas doon, "Sabi ko naman sayo eh, wala. Nakita mo naman diba? Walang reaction." giit ko.

"Oo nga..."

"Hyojin ayusin mo 'yan." sabi ko saka umalis. Naiinis ako. Hindi man lang siya tumingin samin samantalang nakuha ni Hyojin 'yung atensyon ng lahat.

Papasok na sana ako pero biglang pumasok si V.

"H-hoy----"

"Jessicaaaa!" tumakbo kaagad siya papunta kay Jessica.

"Oh?" tanong sa kaniya ni Jessica.

"Hehe wala lang." abnormal pala 'to eh.

"Lumabas ka na dun." Jessica.

"Jessica... paano kung hindi tayo para sa isa't isa?" tanong ni V.

HINDI TALAGA ASSUMING KA PA HA.

"IIHHH. HINDI PWEDE. PIPILITIN KONG TAYO PARA SA ISA'T ISA." sigaw pa niya.

Namumula naman si Jessica. Isa pa 'to eh. Nakuuuuu, dadagukan talaga kitang babae ka.
"HOY V. LUMABAS KA DITO." sabi ni Chanyeol saka piningot 'yung tenga ni V palabas.

Lumabas muna ako saka pumunta sa rooftop. Gusto ko lang magpahangin. Mas magandang mag isip dito.

"Ay." maya maya'y narinig ko sa likod ko tapos nakita ko si V hila hila si Jessica.

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon