Fangirling 48 [Part 2]

80 8 3
                                    

a/n: hindi ko alam kung bakit putol yung napublish ko nung una huhu. pero sana okay naaaa 😂 pakicomment nalang po kung putol o baka sa akin lang. 😭

JESSICA'S  POV.

"Jessica!!!!!"

Napabangon ako dahil sa panaginip na 'yon. Napapikit ako ulit dahil sa sakit ng ulo ko.

Ano 'yon? Bakit dalawang ako ang napaniginipan ko? Pero panaginip lang 'yon... imposible.

Dahan dahan akong tumayo para kumuha ng tubig, sobrang nahihilo ako. Pagkalabas ko ng kwarto ko ay narinig ko ang pag ubo ng iba sa kanya kanya nilang kwarto.

Kasalanan ko pala 'to.

Kumuha ako ng tubig at uminom. Napapikit ako dahil naalala ko na naman ang panaginip ko.

Bakit parang totoo?

Binitawan ko ang baso at naghilamos ng mukha. Kailangan ko nang mahimasmasan. Naguguluhan na ako.

Napapikit na naman ako ng mariin dahil nadaan sa isip ko 'yung panaginip ko. Nabangga? Ano ba Jessica! Panaginip lang 'yon pwede ba. Hindi naman ako nagshashabu pero bakit ganto.

Nabalik ako sa katinuan ko dahil may narinig na naman akong umubo. Napatingin ako sa pintuan ni Suga.

Napabuntong hininga ako dahil sa nangyari kagabi.

Kasalanan ko 'to eh.

Kasalanan ko din bang magalit sa kanila? Nangako sila sa akin na tutulungan nila ako, pero bakit gan'on?

Sobrang naguguluhan ako.

Muli kong narinig ang pag ubo ni Yoongi sa kwarto niya.

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya at itinaas ko ang kumot niya. Nakita kong pinagpapawisan siya, kinapa ko ang noo niya at sobrang init niya.

Naiinis ako sa kanila, pero mas naiinis ako sa sarili ko.

Lumabas ako para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig at bumalik ako sa kwarto niya at dahan dahan siyang pinunasan. Nakikita ko ang pagkunot ng ulo niya pero sa tingin ko tulog na tulog parin siya.

Naalala ko 'yung nangyari kagabi. Oo, nakita ko din ang pagluha niya.

Napapalayo ako dahil umuubo siya. Muli kong nilublob ang bimpo at piniga at nilagay ito sa noo niya.

"Sorry..." mahina kong sambit.

Lumabas na ako ng silid niya at sinilip ang iba.

Nilalagnat silang lahat. At sobrang kinokonsensya talaga ako. Pinunasan ko ang pawis ko at nilabanan ang sakit ng ulo ko.

Ginawa ko din sa iba ang ginawa ni Yoongi. Napaupo ako sa upuan matapos kong punasan si Taehyung. Pitong lalaki ang pinunasan ko. Never kong naimagine na mangyayari 'to sakin noong fangirl days ko.

Tumayo na ulit ako at lumabas na ng kwarto ni V, napatingin ako sa orasan at 5 am palang.

Tiningnan ko ang first aid kit nila at sobrang walang kwenta ng laman dahil isang box lang ng band aid at cottons ang nakita ko.

Kumuha ako ng jacket at lalabas na sana ako nang may narinig akong kumalabog. Napatakbo kaagad ako sa kwarto ni Taehyung dahil doon ko 'yon narinig.

Naabutan ko siyang natutulog sa lapag. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon, akala ko kung ano nang nangyari.

"Clumsy kahit kailan." hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon.

"Jessica, wag mong tanggalin yan." nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita habang inaalalayan ko siyang tumayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon