Fangirling 47

271 23 27
                                    

Jessica's POV

Nakita na namin si Jessica....

Nakita na namin si Jessica....

Nakita na namin si Jessica....

Nag paulit-ulit sakin ang sinabi ni Baek kanina.

Nagising ako nalang ako dahil lang sa nagugutom ako. Yung mga problema ko madalas ko nalang makatulugan. Kapag kasi natutulog ako, wala akong iniisip na problema.

Tumayo na ako at lumabas sa kwarto ko. Nakakapanibago kasi ang tahimik. Bago ko buksan 'yung ref namin, may napansin akong papel, note siya.

'Jassy! Hindi ka na muna namin ginising. Pero may schedule kasi kami, gagabihin na kami ng uwi. Nagiwan nga pala kami ng pera diyan pambili mo ng pagkain, wala na kasing stock.^^
-Gwapong Hyung'

Sino 'to? Maduwal duwal naman ako sa gwapong hyung.

Kinuha ko 'yung perang nakalagay dun sa taas ng ref. Ang bait nila sakin, dapat talaga magpasalamat ako sa kanila.

Pagkapalit ko ng damit, lumabas ako para gumala. Medyo magaling na naman ako kaya ayos lang sigurong lumabas ako? Kumikirot ng kaunti 'yung ulo ko, pero gutom nalang siguro 'to.

"Tsk. Kakakain ko lang a. Sakit parin ng ulo ko." sabi ko nalang habang hinihilot 'yung ulo ko habang palabas ng restaurant.

Naghintay ako ng bus dahil napagpasyahan kong pumunta sa Namsan Tower. Gusto ko lang maexperience 'yun.

"Ay, bakit kailangan pang sumakay dito?" tanong ko doon sa babae sa may sakayan ng Cable Car.

Tinawanan lang ako nung babae, sasapukin ko 'to. Ang tino tino ng tanong ko ha!

Napatingin ako sa mga taong nasa loob na ng cable car, ako nalang pala 'yung hinihintay kaya no choice ako kaya pumasok na ako.

Napatakip kaagad ako ng mata ko dahil baka makadagdag pa 'to sa sakit ng ulo ko, kung hindi ba naman kasi ang tino tino ko, pumunta pa akong Namsan Tower.

Nararamdaman kong umaandar na yung cable car kaya napahawak ako dun sa parang railings.

"Ang lambot naman nito." sabi ko habang kinakapa kapa pa 'yung hawakan.

Napasigaw ako nang gumalaw 'yung hawakan. Nalindol ba?!

"Miss?" inalis ko 'yung kamay ko sa pagkakatakip sa mata ko at napatingin ako doon sa lalaking nagsalita.

Inalis ko kaagad 'yung kamay ko sa braso niya. Braso niya pala 'yung akala kong hawakan.

"S-sorry." sabi ko kaagad saka umiwas ng tingin.

Kahihiyan.

Katangahan.

Kabobohan.

Kagagahan.

"Jessica?" napatingin ako doon sa lalaki kanina. Jessica na naman? Hindi nga sabi ako si Jessica, nakita na nga 'yung tunay na Jessica. Pwede ba.

"Jessica! Jessica!!!!!" excited na sabi pa niya at niyakap pa ako habang niyuyugyog-yugyog pa. Oh plers. Gwapo ka pero lumayo ka sakin.

"Sino ka?" tanong ko kaagad. Malay ko bang magnanakaw pala 'to. Niyayakap ako para makuha wallet ko sa bulsa. Tapos dinidistract pa ako ng kagwapuhan niya.

Pero nung tinanong ko siya, napabitaw kaagad siya sa pagkakayakap. Palihim kong kinapa 'yung wallet ko, baka kasi sabihin ko ang judgemental ko.

"Si Jimin 'to. Jessica naman eh!" nagpadyak padyak pa siya. Ang cute cute mo, sarap mo ilagay sa bulsa ko.

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon