Fangirling 48 [P.1]

268 16 32
                                    

Seokjin's POV.

"Hyung, pwede ba mag usap tayo saglit?" bulong sa akin ni Namjoon matapos magsalita ni Jessica.

Inirapan ko siya, nalimutan niya na ba 'yung paglandi niya kay Jimin.

May pa you-got-no-jams-you-got-no-jams ka pang nalalaman, badjao.

"Artehan mo pa, Seokjin." saka siya umupo at umiwas ng tingin

"Ano ba kasing pag uusapan natin? Pwede bang sabihin mo nalang dito."

"Serious thing, hyung."

Dont english me, Im menstruation. Dont hyung me, Im noona.

"Ang lakas naman ng loob mong magsabi ng serious thing. Bakit? yung relasyon ba natin sineryoso mo?" bulong ko pa.

Tumayo siya at hinila ako palabas. Ih, Namjoon galit ako sayo pwede ba.

"Hyung, kung ano man yang ikinagagalit mo sa akin. Sorry at mamaya na natin yan pag usapan."

Talagang pag uusapan natin yang kalandian mo.

"Ilang beses mo na yang sinabi pero kahit kailan hindi natin nagawang pag usapan ang sitwasyon natin." sabi ko.

"Pwede ba?" iritang sabi ni Namjoon.

Sabi ko nga titikom na.

"Jin, naaalala mo ba yung nabanggit ni Jessica na kasama nila Baekhyun si Jessica? Sinong Jessica 'yung tinutukoy niya?"

E---- sino nga ba?

Saglit akong napatingin sa pinto na para bang doon ako kumukuha ng kasagutan sa tanong ni Namjoon.

"Hindi ko alam."

"Alam mo, hyung. Mahaba pa ang inarte mo sa sagot mo." sabi niya saka nagmake face.

"Kadiri ka, hyung." sabi niya bago pumasok.

Kinwentuhan na lamang namin si Jessica. Habang nagkukwento kami ay nananatili lang siyang tahimik at nakikinig.

"Jessica, sino nga pala 'yung isa pang Jessica na kasama nila Baekhyun na nabanggit mo?" singit ko kaagad.

Mukhang nagtaka siya sa tinanong ko.

"Anong sinasabi mo?" tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanila, tulungan niyo ako utang na loob.

"Sinabi mo 'yon sa amin kahapon." nagsalita si Namjoon. Thanks ehehe.

Napansin kong napakunot ang noo niya na tila ba'y nagtataka sa mga pinagsasabi namin.

"Wala akong naaalala.." mahinang sambit niya sapat na para marinig namin.

Nagkatinginan kami sa isa't isa.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jimin.

Walang isinagot si Jessica kay Jimin at tiningnan lang siya.

"Hyung, wala siyang naaalala." bulong ni Taehyung.

"May naalala ka ba kahit kaunti lang?" tanong ni Jungkook.

Napatingin si Jessica kay Jungkook at napakunot ang noo at napahawak sa ulo.

"Basta ang huli kong naaalala ay nabunggo ako ng kotse..." mahinang sabi ni Jessica.

Nagkatinginan kami, wala siyang naaalala.

----

Iniwan muna namin si Jessica doon sa hospital habang nagpapahinga pa siya, kasama naman niya si Jungkook doon.

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon