Fangirling 15

492 31 5
                                    

"ANAK GISING NA! ANO KA BA NAMAN? ILANG ARAW KA NA NGALANG DITO SA PILIPINAS, LATE KA PARIN GUMISING!? GUMISING KA NA DIYAN!" Ayan na naman. Bunganga again. My Instant Alarm Clock.

"Eto na po! Gising na po!" habang kinukusot ko ang mata ko.

"Okay! Bilisan mo diyan at may naghihintay pa sayo." sabi ni Mama habang nakapamewang pa sa may pinto.

"Sino pong naghihintay?"

"BILISAN MO NALANG DIYAN! MALIGO KA NA!" hays.

Dumeretso na akong banyo at naligo na. Nagayos na rin ako ng sarili at lumabas. Kumuha nalang ako ng isang piraso ng tinapay at dinala na iyon palabas.

"GOOD MORNING JESSICA!" salubong sakin nila Nicole, Luis at Xander na nakasandal pare pareho sa kotse ni Luis.

"Oh. Go... Good morning! Bakit kayo nandito?"

"Sabay sabay tayong papasok!" Xander. natats naman ako.

"*Ehem!* *ehem* Tara na nga! Pasok na kayo!" nabulunan si Luis.

Pumasok na kami sa kotse ni Luis. Si Luis ang nag dadrive at nasa tabi niya si Xander. Sinasabi ko talaga sa inyo, magkakatuluyan 'tong dalawang 'to. Katabi ko naman si Nicole.

May napansin ako, "HUY LUIS! HINDI DIYAN YUNG PAPUNTANG SCHOOL!"

Pero walang kumibo sa akin. Tiningnan ko Nicole pero umiwas siya ng tingin sakin at tumingin lang sa bintana.

"Huy! Luis, baka nalimutan mo kung saan ang daan ng School! Lumampas na tayo! Hala? Hindi kaya kikidnapin niyo ak---"

"HOY! HINDI KA NAMIN KIKIDNAPIN!" sabay sabay nilang sigaw at napahinto ang kotse.

"Eh saan ba kasi tayo pupunta?" pinaandar ulit ni Luis ang kotse, alangan namang bus? Duh. XD

"Sino ba kasi ang nagsabing sa School ang punta natin?" sabi ni Luis.

"Ewan? Eh saan tayo pupunta?" tanong ko. Sana naman, wag na nila sagutin ng patanong.

"Sa Private Resort ni Xander!" sabay sabay nilang sigaw na para bang excited sila.

"May private resort sila?" wow ha. Parang hindi kasi halata!

" Lemme rephrase it. May private resort SIYA? Sa kanya 'yung Private Resort na 'yun. Hindi lang halata, mukha kasing Yagit si Xander, utang lang ng utang pero nababayaran naman. Nakikikain sa iba pero kaya namang bumili ng sarili." paglilitanya ni Luis habang nag dadrive.

"Oh ... Taray! Bigatin ka pala Xander!" parang nahiya naman si Xander sa sinabi ko.

"Wait lang, mag reresort tayo? Pero naka Uniform ako!" Sila kasi, naka ayos na talaga. At ang tanga ko, ngayon ko lang napansin!

"Hindi kami engot na hindi namin pagpaplanuhan 'to! Ano ba Bestie? Beauty and Brain ako no? A-agree ka o babalik na tayo sa School?" pinanlakihan niya pa ako ng mata.

"Oo na! Anong plinano niyo? Baka gusto niyong sabihin sakin? Dahil alam ko na naman na pupunta tayong Resort."

"Binigyan kami ng mama mo ng magagamit mo para ngayon. Kaya kung gusto mo magpalit, kuha ka lang dun sa bag sa likod mo. PERO! HUWAG KA NGAYON MAGPALIT. SA RESORT NALANG." sabi ni Luis.

"Okay lang kahit dito ka magbihis.Kasi miski CR dun may CCTV. Syempre, sakin 'yun eh. What do you expect." libog talaga bwisit.

Binato ko siya ng bote, "Joke lang naman!"

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon