Fangirling 24

326 29 2
                                    

JESSICA'S POV.

Napatingin ako kay Chanyeol na nakahawak parin sa braso ko. Nginitian niya lang ako.

ASDFGHJKL. Mukhang manyak ngumiti.

"Anong nangyari dun?" tanong ko.

"Ah. Eh. E-ewan ko?" sabi niya at humiga ulit sa kama, "Maglinis ka nalang ulit diyan." sabi niya habang nakahiga.

"Okay."

Pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis. Palabas na sana ako nang matapos kong linisin ang kwarto nila Chanyeol at Baekhyun pero bigla kong nakasalubong si Baekhyun.

Nakatingin lang sakin si Baekhyun ng deretso.

OKAY NMN.

"B-bakit?" tanong ko habang nakatingin siya sakin.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Baek. "H-hoy!" sigaw ko habang tinatanggal siya sa pagkakayakap.

Utang na loob, baek. Wag mo ako bibitawan hihi. Landi huehue.

"Wag kang magulo."  bulong niya sakin habang nakayakap sakin kaya hinayaan ko nalang. Choosy pa ba? huehue.

"Tama na yan." singit ni Yeol at pinaghiwalay kami.

KJ naman ni Yeol eh.

Nakita namin si Baekhyun na  nakayuko.

"Anong nangyari sayo baek?" tanong ni Chanyeol at lumapit sa kanya.

Pagtunghay ni Baekhyun, nakita naming umiiyak siya kaya pati ako napalapit.

Bigla ako hinila ni Baekhyun palabas ng kwarto at kung saan niya ako dinala. Dinala niya ako sa rooftop, may swimming pool, ang ganda. Bakit di pinakita to ni Yeol sakin?

"Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko.

"Jessica..." mahinang sabi niya.

Kinakabahan naman ako dito kay Baek eh.

"HOY UMAYOS KA NGA DIYAN! DADAGUKAN KITA BYUN BAEKHYUN!" sigaw ko.

"Eto naman! Umaarte lang naman eh, KJ mo no." babatukan niya sana ako pero nakatakip agad ako. Ano ha? Akala mo ha! Inirapan niya ako at nag cross arms pa.

"Eh para saan ba?" tanong ko.

"Eh.. ANG MANHID MO NO?" sigaw niya.

"Huh?" ako.

"Tss. May gusto ako sayo." sabi niya habang nakayuko.

ABA PUT----

Ang bilis ah? Umamin agad, kapal talaga ng mukha nito.

"Wala akong panahong makipaglokohan sayo ha Byun Baekhyun." aalis na sana ako pero hinila niya agad ako sa braso.

"IKAW PA CHOOSY HA?!" sigaw niya.

"MALAY KO BANG PINAGTITRIPAN MO LANG AKO?!" sigaw ko rin.

Aba, sakin pa siya makkikipag sigawan ha?

"HINDI NAMAN KITA PINAGTITRIPAN EH!" sigaw niya.

"PINAGTITRIPAN MO LANG AKO! NGAYON LANG AKO NAGING MAID DITO! GUSTO AGAD? BE CAREFUL WITH MY HEART LANG?! Corny ko, huehue." ako.

"Hindi nga kita pinagtitripan eh. Oo na! Hindi ako magaling magparamdam na L4bX$z kita! Pero itatry ko talagang iparamdam sayo!" sabi niya sakin.

"Eto sampu. I-Gm mo nalang yan. Eto pa lima, pang extend." sabi ko at inabutan siya ng pera.

Papaalis na sana ako pero biglang sumigaw si Baekhyun, "HANDA AKONG MAKIPAG AGAWAN KAY CHANYEOL MAPASAAKIN KALANG! TANDAAN MO YAN GAGA!"

CHANYEOL'S POV

"HANDA AKONG MAKIPAG AGAWAN KAY CHANYEOL MAPASAAKIN KALANG! TANDAAN MO YAN GAGA!" narinig kong sigaw ni Baek nang sundan ko sila.

"Oh? Yeol? Kanina ka pa diyan?" bigla kong nakasalubong si Jessica.

"Hindi, ngayon lang." sabi ko.

Iniwanan ko na siya doon at bumalik ako sa kwarto ko at nilock.

Kaya ayoko mag kukuwento kay Baek eh, napakadaldal. Pero iba na ngayon eh. Handa na siyang makipag agawan sakin. Akala niya ba papatalo ako. Ha.Ha. Elel.

UUNAHAN NA  KITA huehue.

JESSICA'S POV

Bigla akong iniwan ni Chanyeol. Ang hilig mang iwan, pero maya maya siya din naman mamamansin. Mung abno lang.

Kakatok na sana ako sa kwarto nila D.O at Kai pero biglang, "Jessica! Ako na mag lilinis ng kwarto nila. Magpahinga ka na dun." sabi ni Yeol at kinuha sakin ang walis at pandakot.

"Seryoso ka?" tanong ko.

"Oo." deretsong sagot niya.

HANDA AKONG MAKIPAG AGAWAN KAY CHANYEOL MAPASAAKIN KALANG!

HANDA AKONG MAKIPAG AGAWAN KAY CHANYEOL MAPASAAKIN KALANG!

Biglang nagflashback sakin ang mga sinabi ni Baek. Assuming ko ba? Ewan.

"Okay?" sabi ko.

Papasok na sana ako nang bigla kong marinig si Chanyeol na sumigaw, "HOY! KAI AT D.O! LINISIN NIYO NALANG YAN!" nakita ko pang binato niya sa loob yung walis at pandakot.

-__________-

--------------
A/N: Sorry kung napatagal ang UD at ang ikli pa! huehue. Mianhaeyo~ Bowt end komentuu. ~ 

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon