Fangirling 11

530 31 0
                                    

"Jessica ..."

Napalingon ako sa nagsalita. Si Luis, habang nakatingin samin.

"ANAK! PAGMERYENDAHIN MO NA SILA DITO!" sigaw ni Mama galing Dining Room.

"Oh. Tara na!" nauna na ako maglakad. Nadaanan ko si Luis na masama ang tingin kay Xander.

Umupo na ako at sinimulan ko nang kumain. Nagugutom ako eh. Umupo na din sila Xander at Luis.

"Jessica. Wala na tayong stock. Wala kayong kakainin ni Drake mamaya. Mag grocery ka mamaya. Maaga pa naman eh." sabi ni Mama habang nakaupo sa Sofa.

"Samahan ko na po si Jessica!" pag presenta ni Luis.

"Huwag na!" pag angal ko.

"Ako rin po! Sasamahan ko na si Jessica." sabi ni Xander.

-______________-

"Bahala kayo. Basta iingatan niyo 'yan si Jessica. Siya bilisan niyo diyan. Baka gabihin kayo." sungit ni Mama ngayon.

Napatingin naman ako sa Orasan. 3 palang eh. Kaaga aga pa.

"Pero magtatagal 'yan si Jessica dun sa Kpop store, kaya baka gabihin kayo." mind reader talaga si Mama.

Alam na alam ni Mama! Yiiiieeeee! Dadaan ako sa Shoooop! Sinasabi ko nga kay Mama, magtayo ng Kpop store eh. Para kahit ako nalang magbantay.

"Tapos na ako! Teka, magpapalit lang ako ng damit." dumeretso na ako sa kwarto ko.

"Chanyeol! Pikit ka muna! Magbibihis ako."

"Ano ba Chanyeol!? Sabing pikit muna eh!" sigaw ko.

"JESSICA! HINDI PIPIKIT 'YANG POSTER MO! BILISAN MO NA DIYAN!"

Hmp. Makapagbihis na nga! Makapag WOLF shirt nga? Para ipamukha ko sa ibang fan na akin lang si Chanyeol.

Ayy. Huwag na pala, sabi ni Chanyeol kasi secret lang muna daw relationship namin. Sa inyo ko lang sinabi 'yan!

Pinuntahan ko na sila Luis at Xander. Ako nalang pala ang hinihintay.

"Tara na!" nauna na ako maglakad.

Nag Bus nalang kami. Nasa tabi ko si Luis at nasa likod naman namin si Xander.

Biglang tumugtog 'yung Wolf. Coincidence lang ba?

[Play Wolf- EXO for BGM]

"NAMU! NAMU!" at umaktong puno naman ako.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Xander.

"Shhhhhhh. Wag kang maingay. Dinadama ko yu--- KYAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH! KEURISEU!!" sinabayan ko pa 'yung kanta.

"Pinagtitinginan ka na, oh." bulong ni Luis sakin, pero hindi ko masyado narinig kasi sinasabayan ko 'yung kanta.

"Sabing huwag maingay eh! Minsan lang ako may masakayan ng jeep na nagpapatugtog ng Kpop!"

Naramdaman kong tumabi si Luis kay Xander.

"Gurae Wolf! Naega Wolf! Awooooooooo!! Saranghaeyo ~"

"Pre. Kilala mo ba 'yan?" -Luis.

"Hindi pre. May saltik ata 'yan." -Xander.

"Babo" -Luis.

Napatingin naman ako sa mga tao dito sa Bus. Pinagtitinginan na ako ng mga tao. Bakit nakatingin sakin 'tong mga 'to?

Destined to be an EXO-L Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon