Who's that Stella?
Nasa building na kami ng junior high, at hanggang ngayon hindi parin mawala sa utak ko ang katangahan ko.
"Oh here! Oh my gosh! We're classmate!!" Nagulat ako sa sinabi ni Maureen.
"Di nga!?" Kaya agad din ako napatingin.
Oh my god! Oo nga! Classmate nga kami. Well, kahit papaano naman pala may nag-paganda ng araw ko.
Tinignan ko kung anong section namin at laking gulat ko ng makita kong na Section 2 pala kami. Gosh! Oo nga pala! 89.6 pala yung average ko sa St.John Paul Academy. Yung old school ko.
"Yeheey! Tara! Let's go inside na!" She said at hinawakan niya ang kamay ko, at hinila ako papasok.
Medyo marami-rami na rin ang mga students dito, na magiging classmate ko. Lahat sila napatingin sa amin. Oh erase! Erase! Mukhang sakin lang sila naka-tingin. Nakaka-ilang yung mga tingin nila.
"Shane, duon tayo ma-upo." Turo niya sa bakanteng upuan sa may likod ng second row.
"O-ok."
At naglakad kami papunta duon para ma-upo. Pagka-upo namin, nakalingon parin sa akin ang iilang students, ngumiti naman ako at bigla silang umiwas ng tingin sa akin.
"B-bakit ganyan sila maka-tingin sakin." Taka kong tanong kay Maureen, na busy sa kaka-dutdut sa cellphone niya.
"Syempre bago ka palang dito,baka ngayon lang sila naka-kita ng dyosa." Natawa ako sa sinabi ni Maureen, kaya hinampas ko sya ng mahina sa balikat niya.
"Baliw." Natatawa kong sabi. "Maureen, ikaw pala..ano namang ginagawa mo kanina duon sa building ng senior high?"
"Hello!? Pinuntahan ko po ang kuya ko..dahil nasa kanya yung allowance ko."
"Ahh."
"Hahaha! Ano ka ba? Move on na!"
"Tss."
Maya-maya may lumapit sa aming babae.
"Hi!" Bati niya sa aming dalawa ni maureen.
"Oh bianca! Hi!" Bati naman sa kanya ni maureen.
"Im glad because we're classmate."
"Haha! Me too."
Ok, ako na ang na-oOp.
"Oh by the way, kaya ko kayo nilapitan..kasi here ours schedule." Sabi niya sabay abot sa amin ng dalawang papel.
"Thank you." "Salamat."
"Welcome." Nakangiti niyang sabi, at tsaka umalis.
Tinignan ko yung schedule namin.
Schedule
7:30-8:30 -Araling Panlipunan
8:30-9:30 -Filipino/English
9:30-10:30 -T.L.E
10:30-11:30 -Recess
11:30-12:30 -Science
12:30-1:30 -E.S.P
1:30-2:30 -Lunch Break
2:30-3:30 -Mathematics
3:30-4:30 -Club
A.P pala ang first subject namin. At last period naman namin yung club..eh anong club naman ang sasalihan ko? Aissh, mamaya ko na muna ito problemahin.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush
Teen FictionNaranasan mo na bang humanga? Eh..naranasan mo na bang mabaliw dahil sa hinahangaan mo? Sabi nila masarap daw kapag may hinahangaan ka..dahil makakaramdam ka ng kakaibang kilig at saya kapag nasisilayan o nakikita mo ang taong hinahangaan mo. Eh p...