He's my brother.
Aray ko!! Ansakit ng pwet ko!
Grabe nakakahiya talaga, pinagtitinginan ako dito ng mga tao, yung iba naman napapadaan tapos biglang tatawa.
"Anong tinatawa-tawa nyo dyan!? Ang sasama ng mga ugali nyo!!" Sigaw ko sa kanila. Eh nakaka-inis eh! But..control your anger Shane, lalo mo lang pinapahiya ang sarili mo.
Diyos ko! Pinipilit kong makatayo, kaya lang kumikirot yung pwet ko, tapos yung mga gamit ko pa nakaka-kalat pa sa sahig.
Bwisit talaga! Bwisit! Bwisit! Bakit ko pa kasi naisipan itong planong ito eh. Ako na nga itong tumulong makatakas si stella sa mga body-guard niya..eh ako pa ang minalas, dahil sa sitwasyon ko ngayon. Bakit ba puro KAHIHIYAN na lang ang naranasan ko ngayong araw!?
"You need help?" Isang malamig na boses ang narinig ko. At nakita kong may kamay na nakalahad sa harap ko.
Dahan-dahan kong nilingon kung sino itong nilalang na ito..
Siya?..SIYA!?.. Siya yung neird na nakabangga sa akin kanina sa seniorhigh building. Siya yung dahilan kung bakit naging sunod-sunod yung mga kahihiyan na nangyari sa akin ngayong araw.
Sinamaan ko siya ng tingin. "No thanks! Di ko kailangan ng tulong mo!" Sabi ko, at pinipilit kong tumayo kahit nahihirapan ako. "Uhh."
"Are you okay!?" Worried niyang tanong, at aakmang aalalayan ako.
"Yuck! Don't touch me nga! Don't you dare to touch my beautifull skin! Masyado kang nakakadiri" Sabi ko habang nandidiring tinitignan siya.
"Oh. Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Mataray kong sabi sa kanya.Ewan ko kung bakit ganito ang treatment ko sa kanya, siguro naiinis lang talaga ako sa kanya. Hindi lang dahil ang dugyot niyang tignan, di lang dahil sa nabangga niya ko kanina..di ko alam, basta mainit ang dugo ko sa kanya. May ganun naman talaga diba? May tao kang kina-iinisan kahit wala namang ginagawa sayong masama..basta kapag nakita mo lang sya, or kapag naramdaman mo yung presence niya bigla na lang iinit ang ulo mo. Ganun! Ganun yung nararamdaman ko sa lalaking ito, kahit naman na mukha siyang mabait?
"T-tutulungan na lang kitang..p-pulutin yung mga gamit mo." Sabi niya at mabilis niyang pinulot yung mga nakakalat kong note-books.
"Ano ba!? Huwag na nga! Baka mamaya magkaroon pa ng germs yung mga gamit ko, kapag hinawakan mo!" Sigaw ko sa kanya, at kinuha ko sa kanya yung hawak niyang notebook ko..at pinagpagan ito. Mahirap na! At mabilis kong pinulot isa-isa ang mga notebook ko, at agad na nilagay sa bag ko. May mga tao dito sa loob ng mall na pinagtitinginan kami. Well, i don't care.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush
Teen FictionNaranasan mo na bang humanga? Eh..naranasan mo na bang mabaliw dahil sa hinahangaan mo? Sabi nila masarap daw kapag may hinahangaan ka..dahil makakaramdam ka ng kakaibang kilig at saya kapag nasisilayan o nakikita mo ang taong hinahangaan mo. Eh p...