Chapter 8: Meeting

33 5 0
                                    

Meeting.


Papunta kaming tatlo sa gymnasium dahil may gaganapin raw na meeting dun.

Kinancel na rin muna ang oras para pumunta sa mga club dahil nga sa gaganaping meeting raw ngayong hapon.

Tamang tama habang iniisip ko pa kung anong kanta ang kakantahin ko para sa audition bukas.

Oo! Bukas na agad ang audition ng lahat ng club na pwedeng salihan. Kaya ito ako ngayon namomroblema na kinakabahan.

Hindi ko sinabi kina Maureen at Stella na ang napili kong salihang club ay Glee club, at baka makahalata si Stella na kaya ko naisipan sumali dun dahil sinabi niyang duon kasaling club si Matthew Laurence which is yun naman talaga ang dahilan kung bakit ko naisipang dun sumali.

Bukas ko na lang siguro sasabihin sa kanila marami pa kasi ako iniisip eh. Hindi na nila ako kinulit pumili agad, kasi ang sinabi ko.. hindi ko pa alam, at naguguluhan pa ako.

Niyayaya na nga ako ni maureen sumali sa acting club kasi dun na siya kasali dati pa..since nung nagpasok siya dito.  Aba! Malay ko ba diyan sa pag-acting na yan. Wala akong hilig dyan no! Di ko pinangarap maging artista.

At si stella naman pinipilit ako sumali sa dance troop kasi siya raw ang leader dun. At gusto raw niya ako makasama. Haller! Mas lalong wala akong hilig sa pagsasayaw no! Ni hindi ko nga magawang i-kembot itong bewang ko eh. At tsaka trying hard ako sumayaw kasi parehas kaliwa ang paa ko.

Kaya no choice talaga ako,sa ayaw at sa gusto ko sa glee club talaga ang bagsak ko. Kumakanta naman ako, hilig ko talaga ang pagkanta hindi ko lang masyadong inilalabas kasi nahihiya ako. At baka batuhin ng kapit bahay namin ang bubong namin kapag narinig nila akong kumanta. Oha! Sariling lait! Haha. Kaya sa Cr ko lang inilalabas yung talent ko sa pagkanta kapag naliligo ako o kapag naglalabas ako ng sama ng loob sa inidoro ---charot!

Hindi naman kagandahan ang boses ko..pero hindi rin naman kapangetan no! Sakto lang kumbaga. Basta bahala na..ang importante marunong ako kumanta kahit hindi ako kagalingan.

Nakarating na kami sa gymnasium. Grabe ang lawak at ang laki pala ng gym dito. Astig! Ano pa nga bang aasahan ko eh pangmayaman naman itong school na ito eh. Tsaka mga rich kid ang mga nag-aaral dito kaya dapat lang ganito ang environment ng school. Buti nga naipasok ako dito ni daddy kahit hindi naman kami gaano kayaman.

Halos malula na ako sa daming mga estudyante na nandito sa loob ng gym. Sa sobrang dami nga ng mga estudyante mayroon parin nasa labas ng gymnasium dahil sa sobrang dami na ng tao dito sa loob. Yung iba naman na nasa loob wala ng maupuan kaya no choice sila kundi tumayo hanggang sa matapos ang pagme-meetingan. Grabe! Ganito pala talaga karami ang mga mag-aaral ng Montessori Academy.

Para na kaming mga sardinas dahil sa dami ng mga estudyante dito at siksikan pa. Halos mabibingi ka pa sa kaingayan ng mga estudyante dito.

"There! Dun tayo umupo sa unahan." Sabi samin ni stella at hinila niya kami ni maureen sa unahan na may bakante pang upuan.

Mabuti na lang at nagbibigay sila ng daan kapag nakikita nila kami dumadaan. Isa itong advantage kapag kasama mo ang isa sa apo ng may-ari ng eskwelahan na ito. Kaya napaka-swerte ko talaga dahil naging kaibigan ko kaagad si Stella.

Grabe! Sa pinakaunahan talaga kami umupo..as in! Di ba siya nahihiya? Sabagay siya nga rin pala ang apo ng may-ari ng school na ito.

Mukhang naka-reserve na talaga itong upuan na ito para sa amin. Kasi marami ng mga estudyante ang nakatayo pero wala naman nagtatangkang umupo dito.

My Ultimate CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon