Young Lady.
Nakakainis! Hindi tuloy nasagot ni Maureen ang tanong ko, dahil biglang dumating yung 'Stella'ng yun. Tss.
Pagkatapos nung Recess namin, dumiretso na agad kami sa classroom para pasukan ang natitira naming dalawang subject. Makalipas ang dalawang oras agad na kami nag-ayos ng mga gamit namin at agad na kami naglakad palabas ng classroom.
"Grabe! First day na first day, sandamakmak na agad ang assignments natin." Reklamo ni Maureen ng matapos na ang last subject namin ngayong umaga.
"Oo nga eh!" Si Stella.
Naglalakad kami ngayong tatlo papuntang library, para duon makakuha ng sagot sa assignment namin sa Science and E.S.P. Napagdesisyunan din naming tatlo na tatapusin muna naming gawin ang mga assignments namin, bago kami mag lunch break.
Pagkarating namin ng library agad namin hinanap yung libro na mapagkukuhanan namin ng sagot. Grabe! Nakakalula dito dahil sa sobrang dami ng mga libro dito. Malamang kaya nga library eh. At pagkakuha namin agad sa mga libro agad kaming naupong tatlo sa mahabang lamesa na nandito sa may library.
Kalahating oras na ang lumipas ng matapos na kami sa assignments.
"Yess! Tapos na rin!" Sigaw ni maureen.
Kaya nagulat kami sa nagbabantay dito ng mag. "Shhh." ito.
"Tara na labas na tayo." Yaya ni Stella sa amin. Kaya lumabas na kami sa library.
"So,saan tayo ngayon mag-lulunch break?" Tanong agad sa amin ni Stella ng makalabas kami ng library.
"I dunno."
"Sa cafeteria." I suggest.
"No! I don't like na! Masyado ng nakakasawa duon..ahm..i think sa Mall na lang tayo mag-lunch!" Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"I think, that's a good idea!" pagsang-ayon naman ni Maureen.
Anong sa mall kakain!? 150 pesos lang dala ko! Ang gara naman nitong mga babaeng ito.
"What!? Bakit sa mall pa!?" Gulat kong sabi.
"Ano ka ba!? Tara na!" yaya naman sa akin ni Maureen.
Bwisit ka maureen..wala akong pera!!
"K-kulang kasi y-yung dala kong pera." Nahihiya kong sabi.
"Haha! Don't worry, my treat naman eh!" Si Stella.
Grabe! Nakakahiya na!
"W-wag na lang nakakahiya na. K-kung gusto niyo..kayo na lang! May dala naman akong baon eh."
"Ano ka ba!? We're friends na diba!" Si Stella.
"Oo nga! Tara na! Huwag ka nang mahiya..Sumama ka na kasi! Treat na nga ni Stella eh." Pilit naman sa akin ni Maureen.
"Oo na! Oo na, letse!"
"Yay! Lets go!"
Dumiretso kami sa parking lot, dahil sabi niya sa kotse niya daw kami sasakay ni maureen.
Pagkapunta namin sa parking lot, may nakita kaming matandang lalaki. Hindi naman as in matanda na, medyo may edad na..siguro mga 50+ ang edad niya.
"Young lady." Tawag nito kay Stella.
"Manong simon, ihatid niyo po kami sa mall." Sabi ni stella.
"Masusunod po." Sabi nung manong, at pinagbuksan kami ng pinto sa likod.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush
Teen FictionNaranasan mo na bang humanga? Eh..naranasan mo na bang mabaliw dahil sa hinahangaan mo? Sabi nila masarap daw kapag may hinahangaan ka..dahil makakaramdam ka ng kakaibang kilig at saya kapag nasisilayan o nakikita mo ang taong hinahangaan mo. Eh p...