Stupid Woman.
Lord! Di ko pa naman po birthday ah!? Pero bakit!? Bakit napa-aga ata yung pagbigay niyo ng regalo sa akin!?
Pero ayos lang po! Maraming salamat po! Muah! Promise po araw araw na akong magsisimba!
Jusko lord! Kung panaginip man ito,wag niyo na akong gisingin pa!
Nakadukwang parin ako sa sahig habang titig na titig sa mala-anghel na pagmumukha ng ultimate crush ko na si Matthew Laurence. Di ako makapaniwala na nasa harapan ko na ang lalaking pinapangarap ko. AT TAKE NOTE! MALAPITAN PA!
Thank you so much po lord at natupad ko rin and isa sa mga goal ko.
Ang makita ng harap-harapan ang lalaking pinagpapantasyahan ko almost 2 years. Walang iba syempre kundi itong lalaking ito na nasa harapan ko ngayon na mukhang maamong anghel na pinababa sa lupa.
Finally! Nakita ko narin ng malapitan ang mukha ng bebe loves ko. Ang makinis niyang mukha,makapal na kilay,singkit at kulay brown niyang mata,at higit sa lahat ang manipis niyang labi na nakakapang-akit. Parang nanuyo tuloy yung lalamunan ko. Charr!
Sheet ang gwapo niya talaga! Kung napaaga man ang kamalasan ko! Oks lang! Napaaga rin naman yung blessing ko eh!
Wala ako pake kahit mukha na akong tanga dito na nakasalampak sa sahig habang titig na titig at mukhang aso na laway na laway sa kanya. Pake niyo ba!? Bihira lang mangyari ito..baka mamaya di na ito maulit. Pero wag naman sana. Kaya sulit-sulitin na.
Waaaaah! Ang lakas ng tibok ng puso ko!
"Hey!"
Nawala ako sa pagkatulala ng marinig kong nagsalita ang ultimate crush ko.
Jusko! Pati yung boses niya narinig ko na ulit ng malapitan! Waaah! Ang bless bless ko talaga today!
Gusto kong magsalita para batiin siya at magpakilala sa kanya,kaya lang parang may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan ko. Argh! Kainis! Ayaw makisama ng lalamunan ko!
"Can you please watch your step..stupid woman." Masungit niyang sabi at dali-dali siyang naglakad paalis.
Para akong pinompyang sa ulo ng dahil sa narinig ko..
T-tama ba yung narinig ko? T-tinawag niya akong stupid!?
Parang may kung-ano akong kirot na naradaman mula sa loob ng dibdib ko. Tinignan ko na lang siya habang naglalakad papalayo.
Parang gusto kong umiyak ngayon? Naiiyak talaga ako!
Yung tuwa at kilig na naramdaman ko kanina,wala na! Napalitan na agad yun ng lungkot na unti-unting bumabalot sa sistema ng katawan ko.
Di ako makapaniwala na sasabihan ako ng ganun ni Matthew Laurence. S-si Matthew Laurence ba talaga yun?
Si Matthew Laurence na almost 2 years ko ng hinahangaan.
Nang hindi ko na matanaw ang ultimate crush ko,naisipan ko ng tumayo. Pagkatayo ko nahagip ng mata ko ang cellphone ko na nasa sahig. Kaya agad ko itong pinulot.
Halos mangiyak-ngiyak ako ng makita kong puro guhit guhit na yung screen ng cellphone ko. Tsk!
Grabe naman po lord! Bakit ang bilis naman dumating ng kapalit ng panandaliang kasiyahan ko?
Binuksan ko ang cellphone ko na halos di ko na makita ang screen dahil nga puro basag na ito.
Hindi ko na mapigilan yung sakit na nararamdaman ko! Gusto ko ng umiyak! Kaya mabilis akong tumakbo patungo sa C.R para duon ko ibuhos lahat ng sakit ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush
Teen FictionNaranasan mo na bang humanga? Eh..naranasan mo na bang mabaliw dahil sa hinahangaan mo? Sabi nila masarap daw kapag may hinahangaan ka..dahil makakaramdam ka ng kakaibang kilig at saya kapag nasisilayan o nakikita mo ang taong hinahangaan mo. Eh p...