Secret Admirer.
"Okay class! Pass your paper!" Sigaw ni Sir.Marquez habang palakad-lakad sa harapan namin.
"Sir, wait lang!"
"Sir, di pa kami tapos!"
"Sir, pa-extend ng 5 minutes!"
Sigaw ng mga classmate ko na aligaga sa pagsagot sa kanilang quiz paper.
Nagki-quiz kasi kami sa E.S.P subject namin. Pagkatapos kasing mag-discuss ni Sir.Marquez nagpa-quiz na agad siya para raw malaman niya kung sino ba talaga ang mga nakikinig at nakaintindi sa lectures niya. Pero king-inang yan! 50 items na kaagad ang pa-quiz. Yung totoo quiz ba talaga ito? O periodical test na!
Well..buti na lang nakinig ako kanina sa turo niya. Madali lang naman ang subject niya. Tungkol lang naman ito sa kagandahang asal ng isang tao.
1-30.Multiple Choices.
31-40.Identification.
41-45.Classification.
46-50.Essay.
Dibuh! Grabe magpa-quiz si sir! Ang lupeeeht!
Nakita ko ang mga kaklase ko tumayo na at nagpunta sa harapan para ipasa kay Sir.Marquez ang kanilang papel. Kaya minadali ko na ang pag-sagot sa papel ko. Nasa essay na ako at ang tanong dito ay 'Bakit natin kailangan pahalagahan ang pagpapakita ng kagandahang-asal sa ating mga kapwa tao?'
Oh diba ang dali lang ng tanong? Sisiw na sisiw lang! Hakhak!
Nang matapos na ako magsulat ng essay tinignan ko ang mga katabi ko na mukhang seryosong seryoso sa pagsagot.
Napatingin ako kay maureen at natawa ako ng bahagya dahil nasa identification pa lang siya at obvios sa itsura niya na hirap na hirap siyang sagutin ang mga tanong. Grabe naman! E.S.P na nga lang yan hirap na hirap pa siyang sagutan yan!
Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya at sa papel niya agad niya itong tinakpan. "Wag ka ngang mangopya!" Luhh!"Kapal mo! Tapos na ako gurl!" Sabi ko sa kanya sabay irap sa kanya.
Napatingin naman ako kay Stella at ngayon nagsusulat na siya ng essay. Mukhang easy lang din sa kanya yung quiz ah! Go girl!
"I said pass your paper! Finish or not finish!" Sigaw ni Sir.Marquez na siyang ikinagulat namin.
"Sir, wait lang!" Sigaw ni maureen habang aligaga sa pagsagot sa kanyang quiz paper.
"Hays!" Malalim na paghinga ni stella sabay lapag ng ballpen sa kanyang desk dahil kakatapos niya lang sa pagsulat ng essay at nanlaki ang mata ko dahil sobrang haba ng essay niya. "Finally, natapos rin." Nakangiti niyang sabi. Grabe! Three paragraphs!? Samantalang ako..one paragraph lang. Oh edi ikaw na matalino!
Hayss! Siguro may lahi talaga silang mga matatalino. Kaya hindi na nakapagtataka kung maging first honor man itong si stella sa batch namin ngayon. Sabagay, kung si matt--Opps! Don't you dare na ituloy ang babangitin mong pangalan shane!
Argh! Basta! Matalino na siya!
"Again. Pass your paper, finish or not finish! On a count of three." Pagkasabi niyon ni Mr.Marquez mas lalong nataranta sa pagsagot si maureen.
"Lintek naman eh!" Pabulong na singhal ni maureen habang atubili sa pagsulat sa essay. Natawa na naman ako sa reaksyon niya.
Pero whuut!? Nasa essay na agad siya!? Kanina lang nasa identification pa lang siya ah. Bakit parang biglang bumilis ata siya? Sinilip ko ulit yung quiz paper niya. Kaya pala. Di na niya pala sinagutan ang classification.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush
Teen FictionNaranasan mo na bang humanga? Eh..naranasan mo na bang mabaliw dahil sa hinahangaan mo? Sabi nila masarap daw kapag may hinahangaan ka..dahil makakaramdam ka ng kakaibang kilig at saya kapag nasisilayan o nakikita mo ang taong hinahangaan mo. Eh p...