Chapter 2: Stupid Neird

53 4 0
                                    

Stupid Neird.


Dahil first day of class, naglalakad ako para hanapin ang magiging room ko ng biglang...

*Blag

May nakabangga sa akin at nahulog lahat ng dala niyang libro.

"Outch! Ano ba!? Pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo!" Sigaw ko sa lalaking nakabangga sa akin.

"S-sorry." He said habang pinupulot niya isa-isa ang mga librong dala niya. Naka-suot siya ng makapal na salamin, at ang dungis niyang tignan.

Yuck! Neird.

"Tss, stupid neird." I said at tsaka ako naglakad pa-alis sa kanya.

Kanina pa ako palakad-lakad dito pero hindi ko pa nakikita yung pangalan ko sa mga room na nandito. Nahihiya na nga rin ako kasi kanina pa ako pinagtitinginan ng mga iilang students dito, tapos bigla na lang tatawa. Anong problema ng mga ito?

"Shane!"

Napatingin ako ako sa sumigaw ng pangalan ko.

"Oh my god! Maureen!" Sigaw ko rin ng makita ko ang bestfriend ko. Si Maureen Dizon.

"My ghaad! I miss you!" She said ng makalapit na siya sakin.

"Me too. Namiss din kita."

"Talaga ba? Grabe! Buti dito ka lumipat."

"Yeah, malakas ako sa parents ko."

"Haha! Ang ganda mo parin, parang nagbakasyon lang tayo ng two months mas lalo ka pang gumanda sakin." Napangiwi naman ako sa pambobola niya sa akin.

"Nukaba! Ikaw nga dyan walang pinagbago, sobrang ganda mo parin." Syempre bobolahin ko rin siya para tie.

"Pero mas maganda ka na sa akin."

"I know right! Enebe." Pabebe kong sabi.

"Hala siya! Landi ah!"

At natawa naman kaming dalawa.

"By the way..what are you doing here?" Takang tanong niya.

"Hinahanap ko yung section ko. Yung section mo ba, nahanap mo na?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Seriously?" Parang di niya makapaniwalang sabi.

"Yes."

At bigla siyang humagalpak kakatawa. "Hahahahaha!!" Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"What's funny!?" Taka kong tanong, at napatigil naman siya sa kakatawa.

"Girl. Are you damn serious? Dito ka naghahanap ng section mo?" Sabi niya at halos di na siya malahinga sa kakatawa. Haluh!? Anong problema nito?

"Y-yeah. Bakit ba?" Taka kong tanong sa kanya.

"Sa building na ito?"

"Oo! Bakit ba!?" Nagtataka ko paring tanong.

"Teh yung totoo? 4th year ka na ba talaga? You can't see all those student's here?"

Dahil sa sinabi niya, nagpalinga-linga ako sa mga students na naglalakad dito.

"Nakikita ko no! Im not blind!" Bulyaw ko sa kanya.

"Eh yun naman pala eh,bakit di mo alam na building ito ng senior high!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Eh yun naman pala eh,bakit di mo alam na building ito ng senior high!"

"Eh yun naman pala eh,bakit di mo alam na building ito ng senior high!"

"Eh yun naman pala eh,bakit di mo alam na building ito ng senior high!"

At nag-echo sa utak ko ang sinabi niya, na nagpa-realize sa akin ng katangahan ko.

"Seryoso?" Gulat kong tanong.

Tumango naman siya. "Mmm."

Kaya pala siya tawa ng tawa. Kaazar! Wala na sira na talaga ang araw ko, sirang sira na talaga ang first day ko!

"Ano ka ba? It's okay..normal lang yan because you're transferee."

"Kahit na. Nakakahiya pa rin." Naka-pout kong sabi.

"Eh anong nakakahiya duon, eh ako lang naman nakaka-alam na..pfft- dito ka naghahanap ng section mo." Natatawa niyang sabi. Ayan na namam siya nagsisimula na naman siya tumawa. Aish! Kaasar!

"Anong ikaw lang nakaka-alam!? Kanina pa kaya ako pinagtitinginan ng mga iilang students dito, dahil mukha akong tanga na naghahanap ng name ko sa mga room."

"Eh ikaw naman kasi eh..di mo man lang napansin na iba yung uniform nila, sa uniform natin."

Oo nga noh? Iba nga! Waaaah! Nakakahiya talaga.

"Ngayon ko lang napansin eh." Nakapout ko paring sabi.

"Haha tara na nga! Tamang-tama di ko pa din nahahanap yung room ko, sabay na tayo."

Mabuti pa nga,kaysa magmukha pa ulit akong tanga. Grabe! Naguguilty tuloy ako sa neird na sinabihan ko ng stupid neird. Pakiramdam ko, bumalik sa akin yung sinabi ko.

*Don't Forget To Vote And Comment!! Thank You!! Muah!!*

My Ultimate CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon