Chapter 9: Picture

37 4 0
                                    

Picture.


Kasabay ng pagkirot ng paa ko ay ang pagkirot rin ng puso ko.

Pakshet! Pakiramdam ko internal bleeding ang nangyari sa akin ngayon. Dahil yung puso ko ngayon ay nagdurugo dahil sa nasaksihan kong eksena kanina.

Now i know. Nagsasabi talaga ng totoo si maureen na may girlfriend na talaga si Matthew Laurence.

"Huy! Ibaba mo na nga ako! Nakakahiya! Pinagtitinginan na tayo dito!" Reklamo ko kay kuyang neird. Hanggang ngayon kasi buhat-buhat niya parin ako kahit nakalabas na kami ng gymnasium.

Eww! Gross!

Siya kasi yung bumuhat sa akin papalayo sa mga tao na naguunahan makalabas sa gymnasium. Bwisit yung mga yun! Parang mga preso na sabik na sabik na makalabas!

Nung una nabigla ako,kasi akala ko kung sino na ang bumuhat sa akin para maka-alis dun..pero yun pala si kuyang stupid neird.

Alangang mag-inarte pa ako, mas gugustuhin ko pang magpabuhat sa bobitong neird na ito kaysa madaganan ng mga pisting yawang mga estudyante dun kanina no. Charoot!

Panay sigaw ko nga sa kanya kakareklamo kasi binuhat niya ako kahit marami ng nakakitang mga estudyante sa amin. Yung ibang estudyante nga shock na shock pa na buhat buhat ako nitong dugyot na neird na ito. Tapos yung iba naman magtatawanan pagkatapos magbubulungan sila.

Kung makapag-react sila parang may nakakahawang sakit itong si--- Teka!! Baka nga may nakakahawang sakit itong si kuya neird kaya ganyan sila maka-react! Oh no! Kailangan niya na akong ibaba at baka mahawa pa ako!

"Ahh!! Ibaba mo na ako!" Sigaw ko kay kuyang neird na hanggang ngayon buhat-buhat parin ako. Aba! Dedma lang si kupal!

"Uyy! Di mo ba ako naririnig!? Ang sabi ko ibaba mo na ako! Ang kulit mo rin eh no!" I shouted him, pero mukhang wala siyang naririnig tuloy parin siya sa paglalakad habang buhat buhat ako.

Geez! Nahihiya na talaga ako! Baka sabihin nila jowa ko itong neirdy na ito. No way!!

"Ibaba mo na nga sabi ako eh!!" Inis kong sigaw sa kanya. Ano bang trip nito at mukhang wala pa siyang balak ibaba ako. Nakakahiya na tuloy sa mga students na panay tingin sa amin.

Aba! Mukhang nasarapan na siya sa pagbuhat sa akin ah.

"Ibababa mo ako..o sasabunutan kita." Pananakot ko sa kanya.

"S-sandali lang..d-duon na kita ibaba sa may waiting shed." He said. Kaya hinayaan ko na lang siya buhatin ako kahit nakakahiya na. Mamaya ka sa akin.

Sabagay di ko pa naman kayang maglakad kasi hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang pagkirot ng paa ko. Isama mo pa pati pagkirot ng puso ko. Huhuhu!

Nakarating na kami sa waiting shed kaya ibinaba niya na ako.

"Okay ka na?" Tanong niya sa akin na nagpainit ng ulo ko.

"Ako? Tinatanong mo ko kung okay na ako? Eh sira pala yang tuktuk mo eh! Ikaw kaya ang itulak ko dun tapos hayaan kita tapakan ng mga estudyante dun hanggang sa mabali yang buto mo, pagkatapos ikaw ang tatanungin ko ng ganyan..sa tingin mo magiging okay ka lang!?" Inis kong sigaw sa kanya.

"G-ganyan ka ba talaga?" Walang reaksyon niyang tanong sa akin. Na nagpakunot naman ng nuo ko.

"A-anong ganyan?"

"Ganyan..ganyan kasungit. Ganyan kataray. Sa halip na sagutin mo ng maayos yung tanong ko, at magpasalamat sa akin kasi tinulungan kita. Eh pipilosopohin mo pa ako."

My Ultimate CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon