Chapter 10: Viral Picture

58 4 0
                                    

Viral Picture.

"Are you crying ate?"

Napatigil ako sa pag-iyak at dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko sa aking mata at pisngi. Di ko namalayan na nakasakay na pala si jenny dito sa kotse.

"Ate,umiiyak ka ba?" Ulit niyang tanong.

Tinignan ko naman siya ng nagtatakang tingin. "Anong umiiyak pinagsasabi mo dyan? Di ako umiiyak no! Bakit naman ako iiyak?" Depensa kong sagot sa kanya.

"We? Eh bakit panay punas mo sa pis--"

"Hindi nga ako umiiyak sabi eh! Pag sinabi kong hindi.. Hindi!" Inis kong sabi.

"Okiee..highblood agad teh." Sabi ni jenny,pero inirapan ko lang siya at hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko ulit yung phone ko at in open ko ulit ang fb account ko.

Masyadong paepal.

"Ate. Sino nga pala yung lalaking yun?" Tanong sa akin ni jenny na may nginunguso pa sa labas ng sasakyan.

Napatingin naman ako sa inginunguso niya at paglingon ko si kuyang neird pala na 'Lance' ang pangalan,at hanggang ngayon kausap parin siya ni daddy.

"Di ko alam." I answered simply.

Di ko naman talaga alam kung sino yang lalaking yan..basta basta na lang sumusulpot kung saan saan. Una,kanina sa school. Pangalawa,sa mall. Tapos kanina naman sa gymnasium. 

"You don't know him? Eh diba siya yung bumuhat sayo kanina?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni jenny,kaya agad ako napalingon sa kanya.

"Paano mo nalaman? Nakita mo rin bang buhat buhat niya ako kanina?" Gulat kong tanong.

"Nope." Tipid niyang sabi at binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

"Eh..how did you know?" Nagtataka kong tanong.

"Mygosh ate! Di mo ba nakita yung picture mo with him sa page ng school?" She ask me,pero umiling ako para sabihin sa kanya na di ko pa nakita.  "Here." Sabi ni jenny sabay abot sa akin ng cellphone niya.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko sa cellphone ni jenny.

Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita ko nga ang picture ko habang buhat buhat nung 'Lance the stupid neird' at TAKE NOTE kitang kita sa litrato na magka eye to eye contact kami sa isa't isa! Para kaming mag-jowa na bagong kasal sa picture. WAAAH!! IT CAN'T BE!! First day na first day ko palang sa school na ito sira na agad ang image ko! Nooo!

What can I do?

Binigay ko kaagad kay jenny ang phone niya pagkatapos dali dali ko in-open yung account ko,and then sinearch ko ang page ng school namin. Then boom! Yung picture agad na iyon ang bumugad sa akin. With matching caption na 'Ready to Honeymoon'.

At ito pa ang nakakagulat umabot na agad sa 2.3k likes 5.6 comments at 3k shares. Paano ko ito mabubura? Kailangan ito mawala..yun nga lang di ko alam kung sa paanong paraan?

"So..Hindi mo talaga siya kilala?" Nawala ako sa pagkatulala ng marinig kong nagsalita so jenny.

"Paulit-ulit tayo? Diba kakasabi ko lang kanina." Inis kong sagot sa kanya.

Inirapan naman niya ako. Aba! Nagmamaldita ang letchugas!

"So..anong plano mo? First day pa lang may issue ka na kaagad sa school na ito."

"Kailangan mabura itong picture na ito. Para di na kumalat lalo."

"Paano ate? Eh hindi naman natin alam kung sinong admin ng page na yan. At tsaka..marami ng nag-share ng picture niyo kaya kahit mabura yan sa social media marami pa rin ang nakakita." Nanlumo ako sa sinabi ni jenny. May point siya. Ughh! I hate this day!

My Ultimate CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon