My Valentine.
Literal na nanlaki ang mata ko, at napanga-nga ang bibig ko, sa sinabi ni stella.
"K-kapatid mo siya?" Nauutal kong tanong sa kanya.
"Yeah! Bakit? Bakit mo tinatanong si maureen about kay kuya?" Nagtataka niyang tanong sa akin, at agad siyang umupo sa upuan niya. Bakit kasi bumalik ka pa!? Huhuhu.
Napalunok ako sa tanong niya. "E-eh..n-na-curios lang ako..k-kasi d-diba..montes ang epilyedo mo..e-eh k-kasi m-montes din si M-matthew." Nauutal kong sabi, dahil nakakaramdam ako ng todong kaba. Umayos ka shane,wag kang mag-papahalata..remember kapatid siya ng crush mo..kaya umayos ka!
"Hey! Why you feel nevous? Tinatanong lang naman kita kung bakit ka nagtatanong kay maureen kung anong relationship ko sa brother ko. Easy, okay?" Natatawa niyang sabi.
Hindi ako naka-sagot sa sinabi ni stella.. pati rin si maureen hindi man lang magawang mag-salita. Tinitignan ko siya, at hindi siya maka-tingin sa akin ng diretso. Tss, dapat ka lang kabahan maureen, dahil yari ka sakin mamaya. Kaya pala umiiwas ka ah.
"By the way..you know my brother?" Tanong ulit sa akin ni Stella.
Oo! Kilala ko sya! Di lang kilala kundi..Kilalang kilala ko! Stalker kaya ako niyon.
Pero syempre dahil sa hiya hindi ko nasabi iyon. "A-ahh..o-oo! I know him. N-nagpunta kasi siya dati sa school namin, nung battle of the band."
"Really!? Sa bagay he's really famous, kaya di na nakakapagtaka." She said. "So..crush mo si kuya?" At muli na naman nanlaki ang mata ko sa tinanong nitong babaeng ito. Talagang straight to the point ang tanong teh!? Putspa..anong sasabihin ko? Alangang sabihin kong..Oo! Hindi lang crush.. Kundi crush na crush ko siya.
Pero syempre dahil nakaramdam na naman ako ng hiya, hindi ko sinabi iyon. "No! I mean..y-yes! C-crush ko siya..bilang idol. K-kasi diba magaling siyang kumanta, at ang galing niya din mag-gitara."
"Yeah right! Magaling talagang kumanta si kuya, at tsaka special skill niya talaga ang pag-gigitara. Na-mana niya nga siguro yun kay daddy eh. Nakaka-inis nga eh..napaka-famous niya. Minsan nga tinanong namin siya nila mommy kung bakit hindi siya mag-artista." Pagke-kwento niya. Kaya muli ako naka-ramdam ng interes na pakinggan siya.
"A-anong sabi niya?" I asked.
"Ayun..ayaw niya. Wala pa daw sa isip niya ang mag-artista, ang gusto niya talaga ay yung sumikat yung banda nila."
"Ahh.."
Ahh..kaya pala.
"Pero alam mo naiinis ako..kasi maraming girls ang lumalapit sa akin..at nakikipag-kaibigan sa akin, para lang mapalapit kay kuya. Alam mo yun? Napaka-user! Ugh! As if naman magustuhan sila ni kuya noh! Duh. Kaya yun nilalayuan ko sila..ayaw ko kasi sa mga taong mangagamit." Sabi niya at napalunok na naman ako. Woi.. ako hindi ako lumapit sayo noh..kusa kang lumapit sa akin. "Akala ko pa naman crush mo na si kuya..yung crush na gusto mo siyang maging boyfriend, ganun kasi yung intention ng ibang girls na nagkakagusto kay kuya. Yun pala isa ka rin pala sa mga die hard fans niya. That's a good thing." At nagulat na naman ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush
Teen FictionNaranasan mo na bang humanga? Eh..naranasan mo na bang mabaliw dahil sa hinahangaan mo? Sabi nila masarap daw kapag may hinahangaan ka..dahil makakaramdam ka ng kakaibang kilig at saya kapag nasisilayan o nakikita mo ang taong hinahangaan mo. Eh p...