Late.
*Kriiing kriiing *Kriiing Kriiing
Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock ko. Kaya agad ko ito pinatay kahit na nakapikit pa ako at muli kong ipinagpatuloy ang aking pagtulog.
Pero makalipas ang ilang oras muli ulit itong tumunog.
*Kriiing kriiing *Kriiing kriiing
Kaya nagising ulit ako at inis ko itong pinatay. Arrgh! Isturbo itong alarm clock na ito sa pagtulog ko. Isang tunog mo pa..ibabato na kita!
Nang mapatay ko na ang maingay kong alarm clock napagpasyahan ko ulit na matulog pa,dahil sobrang antok ko pa talaga. Ang bigat bigat pa ng mga mata ko. Hindi ako makadilat at hindi rin ako makabangon. Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko.
Kaya lang wala pang isang minuto ng may isang malaking epal ang kumakalampag sa pintuan ng kwarto ko.
"Ate! Ate gising na! Bumaba ka na raw sabi ni mommy! Nakahanda na yung breakfast!" Rinig kong sigaw ni jenny habang katok ng katok sa labas ng pintuan ng kwarto ko.
"Mmm..bababa na!" Sagot ko. At ng di ko na narinig pa magsalita si jenny,muli ko naisipan ipagpatuloy ang naudlot kong mahimbig na pagtulog.
Hayyst! Ang aga aga isturbo sa pagtulog eh! Kitang inaaantok pa yung tao eh! Mabuti sana kung may--TEKA!! TUESDAY PALA NGAYON!! MAY PASOK PA PALA AKO!!
Akala ko sabado na! Ugh! Ang tanga tanga mo talaga kahit kailan Shane!
Napabalikwas agad ako sa kama ko at agad kong kinusot kusot ang mata ko. Pagkatapos kinuha ko ulit ang alarm clock ko na nakapatong sa side table para tignan kung anong oras na.
Halos lumuwa na ang eyeballs ko ng makita ko kung anong oras na. Syete! 6:48 na!! Malelate ako nito eh!
Mabilis akong tumayo at agad kong kinuha ang towel ko pagkatapos kumaripas na ako ng takbo para magtungo sa banyo para maligo.
Medyo kumikirot parin ang paa ko, kapag naglalakad ako pero di na masyadong masakit. Kaya kaya ko nang maglakad ng maayos kahit papaano. Buti na lang talaga, di na dumagdag sa poproblemahin ko itong paa ko.
Minadali ko ang paliligo ko,at dahil sa pagmamadali ko nadulas ang hawak kong sabon dahilan para mahulog ito at ma-shoot sa inidoro! Ugh! Kapag minamalas ka nga naman! Kainis!
Wala akong nagawa kundi dukutin ng kamay ko ang sabon na nashoot sa kubeta. No choice ako..baka kasi magbara ito sa inidoro eh. Mabuti na lang at nilinis ito ni mommy kahapon habang nasa school pa ako at hindi ko pa ito nagagamit.
Pikit mata ko ito dinukot habang nandidiri. Ugh! Ang aga-aga kamalasan agad!
Nang makapa ko na ito agad ko itong kinuha at mabilis ko itong tinapon sa basurahan.
Muli kong ipinagpatuloy ang naudlot kong paliligo. At nang matapos na akong maligo lumabas na ako ng banyo. Chineck ko yung oras sa alarm clock ko.
Fuck! 6:55 na!!
Lalo ako na-pressure ng makita ko ang oras kaya agad na ako nagsuot ng uniform. At ng maisuot ko na ito agad kong kinuha ang bag ko. Di na tuloy ako nakapag-ayos ng sarili ko. Bwisit talaga!
Late na kasi ako natulog dahil sa kakaisip sa pesteng picture na iyon eh! Kailangan talagang mabura yun! Kailangan ko makaisip ng paraan kung paano.

BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush
Teen FictionNaranasan mo na bang humanga? Eh..naranasan mo na bang mabaliw dahil sa hinahangaan mo? Sabi nila masarap daw kapag may hinahangaan ka..dahil makakaramdam ka ng kakaibang kilig at saya kapag nasisilayan o nakikita mo ang taong hinahangaan mo. Eh p...